Chapter 42: DEAD EVERYWHERE

Magsimula sa umpisa
                                    

Danum?... Kaibigang diyos na Danum...

Halos maiyak si Odessa dahil hindi pa rin siya iniwan ni Lakan Danum, ang diyos ng tubig. Kaagad ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at muli ay pinakinggan niya ang mga mumunting pintig sa kanyang dibdib.

Wala siyang marinig...

Susubukan niyang muli...

Wala...

Wala pa rin...

Hindi siya susuko. Tama si Danum mas higit pa rito ang inakala niyang kapangyarihan...

Maghihintay siya.

lub...... dub...

May naririnig siya, napakahina.

...lub...dub...

...lub..dub...

Nakaramdam ng pag-asa si Odessa dahil unti-unting naririnig na niya ang mga pintig ng kanyang puso.

Lub dub...
Lub dub..
Lubdub...

Tumigil siya sa pagbagsak sa kadiliman. Unti-unti ay naramdaman niya na umaangat siya.

Dahan-dahan...

Pabilis ng pabilis...

Siya na ngayon ang kumokontrol dito hanggang sa makakita siya ng mumunting liwanag.

Palaki ng palaki...

Lub dub...Lub dub... LUB DUB LUB DUB LUB DUB... Palakas ng palakas...

Tuluyan na siyang umangat at pumailanlang sa itaas hanggang sa masilaw na siya sa liwanag.

Ang kanina'y naging itim na Baguisan, ngayon ay unti-unting bumabalik ang mapulang kulay nito. Naging maamo ang kanina'y mabagsik na mukha at nalusaw ang mga maiitim na usok na bumalot dito.

Nakaramdam ng panganib si Behemot na sa unang pagkakataon ay takot ang namayani sa kanya.

"A... Anong nangyayari?" ang nagtatakang wika ni Behemot at sinubukang itigil na ang pagbibigay niya ng kapangyarihan kay Odessa. Pilit niyang inaalis ang kanyang mga mata sa mata ng kanyang anak ngunit hindi niya ito magawa. Pakiramdam niya ay kusang hinihigop ni Odessa ang kanyang kapangyarihan.

Binalutan ng sobrang takot at pagkaligalig si Behemot dahil kahit anong gawin niyang pigilan si Odessa ay hindi nito magawa. Mawawalan siya ng kapangyarihan, manghihina siya at magiging dahilan ng kaniyang kamatayan.

"Hinde, hindi ito pwedeng mangyari!!!" ang malakas na sigaw ni Behemot.

Kahit na anong gawin niya ay hindi siya makawala sa bitag na kanyang ginawa. Hindi niya hahayaang ang anak niya ang papatay sa kanya. Isa siyang diyos, isang makapangyarihang diyos at anak lamang niya si Odessa. Higit ang kapangyarihan at lakas nito sa kanya.

Pilit pa rin sa pagpupumiglas si Behemot pero hindi pa rin natitinag si Odessa sa paghigop sa kapangyarihan niya. Hanggang sa unti-unti na niyang maramdaman ang epekto nito sa kanya. Nanghihina na siya, ang dating namumutok niyang mga kalamnan ay unti-unti ng napipitpit.

"Huwag, aking anak. Maawa ka, huwag mo akong patayin. Odessa, anak ko!" ang ngayo'y nagmamakaawang si Behemot.

Huli na para kay Behemot ang kanyang pagkakamali. Siya ang tinutukoy sa propesiya na papatayin ng babae ang sarili nitong ama. Si Odessa ang babae sa propesiya at siya ang ama ng babae sa propesiya, si Behemot.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon