CHAPTER 24

1K 22 1
                                    

Cassy's POV

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Kael, hindi rin siya sumasagot sa mga text ko. May gusto akong sabihin o linawin sa kanya. Sa amin.

Pero hindi ko alam kung ano ng nangyari sa kanya. Maayos naman ang naging date namin noon, ha?

Alam kong may gusto sa akin si Kael, ramdam ko yun sa mga kilos at pananalita niya.

And I like him also, yon ang dahilan kaya gano'n na lang ang reaksyon ng puso ko sa kanya. Pero noon, yon.

I don't know how and when, pero nawala na lang bigla, na parang bula.

And one thing I know is, si Dwane na lang talaga ang nag-iisang dahilan kung bakit kumikislot sa tuwa ang puso ko.

Gayun pa man, gusto ko pa ring maging kaibigan si Kael, kaya pag nakita ko siya. Aamin na ako sa tunay kong nararamdaman.

And about Steph, wala pa akong nababalitaan tungkol sa kanya mula ng makalabas ako ng ospital.

Ni bulung-bulungan wala. At hindi ko alam kong ikasasaya ko na yun o hindi.

I know na nasasaktan lang siya kaya niya nagawa iyon. If ako ang nasa pwesto niya, ipaglalaban ko rin si Dwane hanggang kaya. Pero yung paraan niya ay mali, maling-mali.

Naisipan kong tawagan siya tutal wala naman akong ginagawa, sa ikatlong ring niya sinagot.

"Misis.." sagot niya. Parang galing sa tulog.

Hindi muna ako nagsalita.

"Cassy.." aniya muli.

"Naistorbo ba kita?" malumanay kong tanong.

"No. Bakit ka nga pala tumawag, by the way?" tanong niya.

"Masama ba?" tanong ko rin, nangingiti.

"No, of course not" agad niyang sagot.

Nag-aalalang magalit ako? Malungkot? Mag-selos? Hindi ko alam.

Napa-iling na lang ako sa iniisip ko.

"I just miss you" sagot ko, alam kong namumula na ngayon ang buong mukha ko.

Hinintay ko siyang magsalita pero ang tahimik sa kabilang linya.

Hindi ko rin alam kung kailan nag-umpisa, no'ng na-hospital ako? I don't know.

Basta ang alam ko lang, madalas na kaming nag-uusap at nag-kikita.

M.U? Siguro. Mutual Understanding, Malanding Ugnayan, Magulong Usapan, Manhid siya Umaasa ka. Name it. Baka sakaling bumagay sa amin.

Walang labels.

Walang I love you's.

Pero may nararamdaman.

●●●

When Ms. Nerd Meets The Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon