CHAPTER 23

985 30 0
                                    

Cassy's POV

Pagkamulat ko ng mata ay agad kong napansin ang isang lalaking nakahawak sa aking kamay at nakayukong natutulog sa aking tabi.

Alam kong nasa ospital ako. But I didn't expect, na pagkagising ko ay siya ang makikita ko. Dwane.

Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko sa kanya. Magagalit ba ako? Malulungkot? O matutuwa?

Nandito siya ngayon sa tabi ko, pero nasaan siya no'ng kailangan ko siya?

Napaiyak na lang ako, at hindi ko namalayang napalakas na pala ang pag-iyak ko na ikinagising niya.

"Shhh... Misis, calm down. Nandito na ako, hindi na kita iiwan, okay? I'm sorry. I'm sorry, Misis. Wala ako no'ng nangyari sa'yo yun. Fuck! I'm useless!" aniya at ramdam ko ang galit, lungkot at panghihinayang sa kanya.

Umiling ako bilang sagot. It's fine, nangyari na. Wala na kaming magagawa, hindi niya ako natulungan at wala siya doon. Pero ang mahalaga ay nandito na siya diba.

"It's alright, Dwane" nasabi ko na lang.

Umiling naman siya bilang sagot.

"No. Magbabayad siya sa ginawa niya sa'yo, Misis. Walang karapatan si Stephanie na gawin sa'yo iyon!" sagot niya sa akin na ikinagulat ko.

Alam niya? Alam niyang si Steph ang may kagagawan? Pero paano?

"Alam mo?," I asked.

"Hindi, pakiramdam ko lang. At mukhang tama ako" seryosong sabi niya.

"Dwane... hayaan mo na lang siya" sabi ko maya-maya.

Gulat siyang napatingin sa akin, alam kong hindi niya inaasahan ang naging desisyon ko.

"Are you out of your mind, Cassy?! Muntik ka ng mamatay sa kagagawan niya!" sigaw sa akin ni Dwane.

Alam kong nag-aalala lang siya sa akin. Pero ayoko ng palakihin ang gulo.

"Dwane, please.." pakiusap ko na lang.

Hindi naman siya sumagot sa halip ay umupo sa kama ko.

"Okay ka na ba? You want anything, Misis?" tanong niya.

"I'm fine. Kung pwede na akong lumabas bukas, then good" sagot ko sa kanya.

"You better rest first. Tsaka ka na lang pumasok pag siguradong ayos ka na" ang sabi naman niya na sinang-ayunan ko na lang.

Yinakap niya ako ng mahigpit at bumulong, "Hindi ko kakayaning mawala ka, Misis"

●●●

When Ms. Nerd Meets The Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon