CHAPTER 20

995 26 0
                                    

Cassy's POV

Tumikhim ako at inayos at nagulo kong damit.

"Ano bang kailangan mong matutunan?" tanong ko at lumapit sa kinauupuan niya.

"This" aniya sabay turo sa isang papel.

Kinuha ko naman ang salamin ko at sinuot.

"Bakit ba nagsasalamin ka? Why don't you use contact lens, instead" pangingialam niya sa trip ko.

"Pake mo ba? Akin na nga yan!" masungit kong tugon sa kanya.

Para sa halip na ibigay niya ang papel ay hinila niya ang kamay ko, dahilan para mapa-upo ako sa mga hita niya at makulong sa mga bisig niya.

"You know what? Dapat lagi kang nagsusuot ng salamin kapag kasama mo yung lalaki mo, para kahit pa'no mahihirapan siyang halikan ka" aniya habang titig na titig sa mga mata ko.

Damn, matutunaw na yata ako.

Tumikhim ako at bahagya siyang tinulak, saka ako tumayo.

"Tama na nga yang kalokohan mo" wika ko sabay kuha ng papel na ayon sa kanya ay nahihirapan siya.

What the hell, ano 'to?!

"Pinagloloko mo ba ako?!" sigaw ko kay Dwane sabay tapon ng papel sa pagmumukha niya.

Anong klaseng tanong ba ang "Gwapo ba si Dwane? , Masarap ba siyang humalik?" at marami pang iba!

Ghad! Nababaliw na siya!

I heard him chuckled. At tumayo siya, hanggang dibdib na lang niya tuloy ulit ako. Shit.

"What? Mahirap ba?" ngising tanong niya.

"Ewan ko sayo!" I shouted.

Yinakap niya ako, pero nagpumiglas ako. Ano na naman bang pakulo niya?

"Kung ayaw mong sagutin yon... okay lang. Pero Misis, bakit gano'n? Bakit ganito ang..." bumuntong hininga siya.

Hinihintay ko ang sunod niyang sasabihin pero hindi na niya ito sinundan.

"Ang ano Dwane?" mahinang tanong ko.

Hindi naman siya sumagot sa halip ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sakin. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

What's with you, Dwane? Bakit ganyan ka kumilos?

●●●

When Ms. Nerd Meets The Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon