CHAPTER 21

985 28 0
                                    

Cassy's POV

Natapos na ang unang klase ko at ni anino man lang ni Dwane ay hindi ko nakita. Kahit si Kael, ay hindi ko pa nakikita o nakakausap man lang kahit sa text mula ng lumabas kami nung Sabado.

Himala at wala yung dalawa?

Naglalakad ako sa hallway papunta sa next class ko ng biglang may bumato sakin mula sa likod.

Nagtignan ko kung sino yun, ay walang iba kundi si Steph, hawak niya ang isang bato na kalahati ang laki sa palad niya.

Nang hawakan ko ang ulo ko, ramdam kong may malagkit na basa rito. Dugo.

"Time's up, bitch" aniya at binato ako.

Fuck!

"Ano pang hinihintay niyo, girls? Batuhin niyo na yan! Tutal makapal naman ang pagmumukha ng bruhang yan!" sigaw niya sa mga kasamahan niya at malakas na humalakhak.

Ramdam ko ang sakit ng mga batong tumama sa kung saan-saang parte sa katawan ko. Hindi ko makayanan kaya napaupo na ako.

"Stop!" pakiusap ko. Pero para silang mga bingi na hindi ako pinansin.

Asan ang mga tao? Bakit walang ibang estudyante dito? Help. Please, someone help me.

Lumapit si Steph sa akin at sinabunutan ako, "Malandi ka! Ito ang nararapat sayo!" sigaw niya pagmumukha ko na may kasama pang sampal.

"Ang kapal mo ring lumapit kay Dwane at kay Kael 'no?!" sabi niya sabay sampal muli sa akin.

"Please, Stop" pagmamakaawa ko. Umiiyak na rin ako sa harapan niya.

"Aww, naaawa naman ako sayo, mahal na PRINSESA." mala demonyong aniya.

Kinaladkad nila ako sa isang classroom na walang katao-tao.

"Akala mo ba hindi ko alam na pinagsasabay mo sila?! Wala ng magliligtas sayo!" sigaw muli sa akin ni Steph.

"S-stop. P-please" tanging nasabi ko na lang.

Ngumisi lang siya sa akin at binigyan ako ng kambal na sampal.

Fuck. Nahihilo na ako.

Dwane. Dwane, help me please.

Hiling ko sa aking isip.

"Buhusan niyo ng malamig na tubig yan at ikandado niyo ang pinto pagkatapos" huling bilin ni Steph sa mga kasamahan bago umalis.

Nakatikim pa ako ng ilang sabunot, sampal at masasakit na salita bago nila ako buhusan ng malamig na tubig.

Sa mga oras na 'yon, nawalan na ako ng malay.

●●●

When Ms. Nerd Meets The Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon