CHAPTER 4

1.3K 37 1
                                    

Cassy's POV

Tinext ko si Kael na pumapayag ako, at binura ko naman ang text ni Dwane.

Gulo, magugulo na ang tahimik kung buhay, ano ba kasing problema ni Steph at ng mga alagad niya?

Hindi ko naman sila inaagawan ng lalaki! at isa pa, ni hindi ko nga linalapitan, sila yung lumalapit, kaya bakit ako ang pinagbubuntungan nila!

Hindi porque nerd ang itsura ko, may karapatan na silang gawin sakin yun.

Kael's POV

Alas-sais pa lang ng umaga ay nasa tapat na ako ng bahay nila Cassy.

"Sa'n mo gustong kumain?" tanong ko sa kanya.

"Uhm, dun na lang sa resto na malapit sa school, para di tayo malate" sagot niya.

"Hmm, may isang oras pa naman tayo, but sure" sagot ko.

Aalis na sana kami ng mapansin kong di pa pala siya nakasuot ng seatbelt.

Napailing na lang ako at lumapit sa kanya upung ikabit yung seatbelt, nakita ko pang namula siya. Cute.

"S-salamat" sagot naman niya.

"Lagi ka nalang nagpapasalamat sakin, wala bang kiss diyan?" biro ko at ngumuso pa sa harap niya.

Umiwas naman siya ng tingin sabay banta, "Umayos ka nga, iiwan kita dito" pero namumula naman siyang tila nahihiya.

I chuckled, iiwan niya kaya talaga ako?

Cassy's POV

Ramdam ko pa rin ang hininga niya sa pisngi ko, kaya nung akmang lalayo na siya ay agad akong lumingon para kurutin sana siya sa ilong.

Pero hindi nangyari, dahil pagkaharap ko, Hashtag goodbye second kiss na. Damn, di ko maiwasang mapapikit.

Naalala ko yung banta ko kanina kaya agad ko rin siyang tinulak, nakangisi lang ang kumag.

"Fuck! Why did you kiss me?!" angil ko.

"Iiwan mo na ba ako?" seryosong tanong niya sa akin, bago umayos ng upo.

Nakatingin lang siya ng diretso pero ramdam kong seryoso siya, parang malalim ang iniisip, parang malungkot.

"No" guilty kong sagot.

Pero bakit nga ba ako pa ang guilty? Diba dapat siya?

"You know what, kumain na lang tayo!" maligaya kong sambit, para mapalitan ng topic.

Liningon naman niya ako at ngumiti bago pinaandar ang sasakyan.

Di ko maiwasang pasimpleng hawakan ang mga labi ko. Shit, kung yung una may pagka-marahas, banayad naman ang pangalawa. Ugh! ano ba 'tong naiisip ko?

●●●

When Ms. Nerd Meets The Badboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon