Ambush

5.2K 137 8
                                    

Marg POV

Matapos ang araw na iyon. Lahat kami ay nagplano ng mga dapat gawin. Hindi rin makakilos ng malaya ang tatlo dahil most wanted sila. 

Life is unfair. Lahat tayo alam iyan. Dahil madalas, kung sino ang mga gumagawa ng tama, ay sila ang madalas na lumalabas na mali.

Sa tulong ni Von, nakakilos kami ng ayon sa gusto namin. Hindi nga lang tulad ng dati. Ginawang Body Guard ni Von ang tatlo. Noong una tumutol ang tatlo, pero sa huli wala silang nagawa. 

Ang sabi sakin ni Michael, hindi pinapakialaman ng Gobyerno ang mga tauhan niya. May mga ginagawa sya para mangyari iyon. At hindi ako tanga para hindi malaman kung ano iyon. 

Pero ayos lang, hindi naman sya gumagawa ng mali. At isa pa, ang LDB Empire ay ang may pinakamalaking kontribyusyon sa Ekonomiya ng bansa, Sa laki ng tax na binabayad nito, sapat na iyon para swelduhan lahat ng mga corrupt na opisyal ng gobyerno. 

Ang sabi ni Michael, si Yvo Falcon daw ang kasalukuyan gumagawa ng paraan para mapabagsak ang Tribal Mafia. Hindi para tulungan ako, dahil ang Tribal Mafia ang mortal nilang kalaban. Kapag bumagsak ang Tribal Mafia, hihina ang Double A at magkakaroon kami ng pagkakataon para pabagsakin sila.

"Nandito ka pala.?" Tanong ko kay Michael na nakattayo sa harap ng pintuan. Lumapit sya sakin saka inabot ang isang Long Enveloped. "Ano to ?" Tanong ko. 

"Open it" Simpleng sabi nya. Kaya naman binuksan ko ang binigay niya. Kung hindi ako nagkakamali, Forms ang mga ito, base na rin sa logo nito sa taas galing to sa LDB Bank, Mukhang form ito na kaylangan fill up-an. 

"Sign those forms." He said. "Para saan ang mga to.?" Tanong ko.

"Try to read it." Masungit nyang sabi. Loko to ah. Wala na akong nagawa kung hindi tapusin na basahin to. 

Mukhang form ito para mabusan ang isa sa mga safe sa LDB. Teka, Napa second look ako ng mabasa ko iyon. Ibig sabihin.

"Oo ganun na nga. Bukas pa kayo mag kikita ni Lord dahil may naka set syang appointment sa Presidente. Kasama ng grupo mo." Aalis na sana sya pero agad akong tumayo at hinarangan sya. 

"Bakit ang bilis nyang nakapag set ng appointment ?" Tanong ko. "Of course, he's Lord Devonn Black in case you forgot." Bored nyang sabe. 

"Eh bakit hindi nila ako sinama.?" Inis kong tanong sa kanya. Pero nilagpasan nya lang ako. Argghh nakakinis na ang lalaking iyon ah.  

Bumalik ako sa upuan ko at binasa ang Forms. Nang matapos ako, tinawagan ko si Michael gamit ang intercom. Hindi naman nagtagal at pumasok ito wearing his famous pokerface. 

"Done" Simpleng sabi ko. "Follow me" He said. Ba talagang ! Kinalma ko ang sarili ko saka tahimik na sumunod sa kanya. Sumakay kami sa isa sa mga kotse ni Von. 

Sa harap namin, may isa pang Kotse, malamang puro mga body guard ang sakay non, ganun din sa likod, take note, dalawang kotse rin ang nakasunod. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganito kahigpit ang security ko. 

"Where are we going ?" Tanong ko kay Michael. "LDB Bank" Walang tingin nyang sagot. Galit ba sakin ang lalaking to ? Hindi ko na sya pinansin at tumingin nalang sa labas. Gustong gusto kong magtanong sa kanya tungkol kina Von pero pinigilan ko ang sarili ko, dahil siguradong isang sagot isang tanong lang ang mangyayari. 

Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasan ang kabahan, ngayong araw na to, malalaman ko na kung ano ang laman ng safe. Ang safe na yon ang dahilan kung bakit nanganganib ang buhay ni Von, Akala ko noon, dahil sa utos ni Diablo Sy kaya nanganganib ang buhay niya, pero mali ako. 

Lord Devon Black (Demon#1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon