Misis ??

6.4K 199 8
                                    

Tatlong araw pa ang nilagi ko sa Hospital. At sa loob ng tatlong araw na iyon, hindi umalis sa tabi ko si Von. Oo Von na ang tawag ko sa kanya. Pero kapag naiinis ako Black ang tawag ko sa kanya. 

Nandito na rin ako sa Mansion nya, Pero pakiramdam ko isa akong imbaido dahil hindi nya ako hinahayaang kumilos mag isa. Si Anne naman ay nasa pangangalaga ni Michael. Wag na daw akong mag alala sa kanya dahil hindi daw sya pababayaan ng Kaibigan nya. Letche kaibigan ? Eh parang hindi naman sila magkaibigan kung mag usap. 

Nakausap ko na rin si Anne, Nagalit sya sa akin ng una, Pero hindi naman nagtagal iyon, After all para na kaming mag kapatid at talagang nagpapasalamat sya dahil hindi ko daw sya pinabayaan. Minsan na akong nawalan, at hindi ko na kakayanin, kung pati sya mawala ng dahil sa akin. 

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ni Von, Tama Kwarto nya. Hindi na nya ako pinabalik sa kwarto ko dahil mas safe daw sa room nya. Simula ng mangyari ang insidenteng iyon, naging paranoid na si Von, Maging ang Mama nya ay binabalak nyang ilipat na dito sa mansion, para daw pareho nya kaming mabantayan. Kasalukuyang nasa America pa kasi ang Mama nya, pero dito nya ito pinapauwi pag galing nya sa America. 

Nakaramdam ako ng uhaw dahil sa pagbabasa kaya naman dahan dahan akong tumayo para hindi mabigla ang tahi ko sa tagiliran. Habang dahan dahan akong naglalakad biglang bumukas ang pinto at pumasok mula doon si Von. Agad nagsalubong ang makakapal nyang kilay ng makita nya akong nakatayo. 

"What the hell, What are you doing ? I told you to take some rest. Your wound is not totally healed. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ?" Nakapamewang nitong sabi habang nakatingin sa akin. Tumuwid ako ng tayo at nakapamewang din na hinarap sya.  Anong akala nya sa akin ? Imbalido ? Mula ng lumabas ako, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang mahiga, matulog at kumain, ni hindi ko nga magawang kumilos mag isa dahil hindi nya ako hinahayaang kumilos ng walang kasama. Para saan pa at naging pulis ako kung simpleng paglalakad lang di ko magawang mag isa. 

"Oo matigas ang ulo ko. Magaling narin ang tahi ko, kaya please naman, hayaan mo na akong kumilos mag isa. Sa ginagawa mo mas lalo akong mag kakasakit ee ! Langhiya ilang araw na ba akong nakakulong dito sa kwarto mo ? Hindi ako imbalido para kuhanaan mo ng yaya ! Kaya kong kumilos mag isa ! Kaya please lang Lord Divonn Black ! Wag ka masyadong OA !!" 

Natigilan sya dahil sa sinabi ko. Ang kaninang galit nyang mukha ay napalitan ng emotionless face. Hindi ko na mabasa kung ano ang iniisip nya. Tinalikuran nalang ako nito saka lumabas ng kwarto. Pabagsak nya ring sinara ang pinto kaya naman alam kong nagalit ito. 

Bakit ? Tama naman ang sinabi ko ah ? Masyado na syang OA. Huminga nalang ako ng malalim saka dumaretcho sa walk in closet nya. May mga damit ako dito, wag na kayong magtaka kung bakit. Kumuha ako ng sweater at sinuot ito. Lumabas din ako ng kwarto para hanapin si Michael, may itatanong ako sa kanya kaya kailangan ko syang makita. 

"Good Afternoon Mrs. Black" Bati sa akin ng mga tauhan nya. Nanlaki ang mata ko ng tawagin nila akong Mrs. Black. tatanungin ko sana sila pero alyo na sila sa akin. Ano daw ? Misis ? Ako ? Nino ? Ni Black ? Tsk..Bubugbugin ko talaga ang gaong iyon pag nakita ko sya. 

Dumaretcho ako sa Kusina at doon nakita ko si Michael, Nagkakape ito habang may binabasa. Naka Folder ito at nakalagay sa harap ang logo na LDB EMPIRE. Agad nya iyong sinara ng makita nya ako. At humarap sa akin, binaba nya rin ang kape nya saka muling tumingin sa akin. "Pwede ba kitang makusap ?" Tanong ko.

"Alam ba ni Lord na bumaba ka ?" Tanong nito. Napapikit ako sa inis sa tanong nya. Ano bang tingin  nila ang ginagawa nila sa akin ? "Oo, ngayong pwede na ba tayong mag usap ?" Tanong ko ulit habang nag pipigil ng galit. Tumango ito. "Promise me that you won't tell him kung ano man ang pag uusapan natin ngayon.?" Dahil sa sinabi ko. Napatuwid ito ng tayo. Nilagay nya sa magkabilang bulsa nya ang mga kamay nya saka sinabing. "I can't promise. My loyalty is on him." 

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa huling sinabi nya. Ang tanga ko. Oo nga naman, Imposibleng hindi nya sabihin kay Von ang pag uusapan namin. Pero kailangan ko pa rin ng sagot. "Okay sige, Bahala ka kung sasabihin mo sa kanya o hinde, Si Argus ? Anong nangyari sa kanya ?" 

He cleared his throat bago sumagot, "Sa ngayon, pinaghahanap pa rin sya. Nasa wanted list na rin sya ng mga kabaro mo." 

"Sa madaling salita, Nakatakas sya at malaya syang pagala gala sa Bansan, may posibilidad din na makalabas sya ng bansa." Natawa ako sa naisip ko. Ang laki kong tanga. Hindi ko naisip na posibleng mangyari ito. 

"Tama ka" Simpleng sabi nya. Pumikit ako saka sumandal sa pader na malapit sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano talagang dahilan nya kung bakit gusto nya akong patayin. Kung ang position ng pagiging leader ng organization ang habol nya, hindi na nya ako kailangan patayin pa. Nasa kanya na ang position na iyon kaya bakit kailangan nya pa ako ? 

Kailangan kong ma alala ang lahat ng mga nangyari noon. Kailangan maging malinaw ang lahat. Kailangan.................

"Daddy ?" Tawag ni Rita sa Daddy nya. Nakaupo ito sa kanyang swivil chair habang nakaharap sa Laptop nya. Lumapit si Rita sa kanyang Daddy. Binuhat naman sya ng kanyang Daddy at inupo ito sa kandungan nya. 

"What are you doing po ? It's already late, yet youre still working." Nakanguso nitong sabe. Pipikit pikit pa ang mapupungay nitong mata. Hinaplos ng ama nya ang kanyang maliit na mukha saka sinabing. "I'm doing what is right Princess. Someday, you will understand everything. And someday you will get mad at me or hate me, and i hope you will forgive Dad whatever happen. Okay ?" 

"Why ? I will never hate you daddy, I love you so much and that will never be happen. i promise." Nakangiti nitong sabi sa ama. Nakapikit na rin ang mga mata nya at ang huling narinig nya sa Ama ay ang mga katagang...

"Be brave Princess, Always remember that I love you very much. And remember this  place  *********** will be yours and you will be the queen."

Napamulagat ako ng ma alala ang panahong iyon. Anong kinalaman ng lugar na iyon kay Daddy ? At paanong ako ang magiging Reyna doon ? Habang tumatagal mas lalong dumadagdag ang mga tanong ko.

This will be hard. Walang masasagot sa mga tanong ko hangga't nandito ako. Kailangan kong maging maingat. Lalo na at nakabantay si Black sa akin. Kailangan kong makabalik sa bahay namin dati. Pero paano ? Ang alam ko giniba na iyon dahil binenta na iyon ng bangko.

Teka.....yung Notebook. I need to find that notebook. Saan ko ba nilagay iyon ? Saan ?? Think Marg ! Think !!

"Okay ka lang Mrs. Black ?" Napatigil ako sa pag iisip ng mag salita si Michael. Atsaka bakit ba sila Misis ng Misis sakin !?

"Abnormal ba kayong lahat ? Bakit nyo ba ako tinatawag na Misis ni Black ?" Iritang sabi ko. Pero ang huling sinabi nya ang nagpatigil sa mundo ko.

"Because you are his wife and he's your husband. Since yesterday. Look."  Saka inabot sa aking ang folder na binabasa nya kanina. Lalong tumigil ang mundo ko ng mabasa ko kung ano iyon.


Marriage Certificate of...

Lord Devonn Black and Margarita Perez Black

▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪¤▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

A/N: Malapit na matapos ang kwento ng ating 1st king guys... sino ang susunod ??

Please vote and leave a comment.
Chikahan din tayo sa:

Facebook: Marg Yanga
IG:margyanga

Lord Devon Black (Demon#1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon