I'm The Boss 💪👊

6.5K 185 12
                                    

Marg POV

Nagising ako na puro puti ang paligid. Ibig sabihin nasa hospital ako, nanaman. Napapikit ako ulit ngmakaramdam ako ng hilo. Saka ko biglang na alala ang nangyari kagabe. Ang baby ko.!

Napatingin ako sa pintuan ng pumasok mula doon si Timothy at Black. May sugat sa gilid ng labi si Timothy. Samantalang si Black naman ay seryosong seryoso. Nakakatakot ang awra nya.

Pumasok din ang isang doctor na babae. Lumapit ito sa akin saka nakangiting binati. "Doc, kumusta po ang....." Napatingin ako kay Black dahil ramdam ko ang sama ng tingin nya sakin.

"Don't worry Mrs. Black. Your baby is fine. Reresetahin nalang kita ng vitamins para sa baby. Maswerte ka at malakas ang kapit ng baby mo. Basta iwasan mo muna ang mabibigat na trabaho and iwasan mo rin ang ma stress. Hindi lang physically pati na rin emotionally. Okay ??" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang sinabi ni Doc.

"Call me if you need anything Mr. Black. Bye Mrs. Black." Nagpasalamat din ako bago ito umalis. Timothy made a fake cough kaya napatingin ako sa kanya. Lumapit sya sa akin saka chineck ang IV Fluid ko. Napapalunok ako sa tuwing napapatingin ako kay Black. Alam kong galit sya. Hindi lang galit. Siguradong galit na galit.

"Ang swerte mo. Malas ko. This time no more excuses Misis ni Black.! Wala akong pakialam kung ano ang gusto mong gawin. Basta wag na wag mo nang uulitin ang ginawa mo. Muntik nang sirain ng gagong to ang mukha ko ng malaman nya ang totoo." Sabay tingin kayBlack. Kung ganon, sya ang may gawa pasa ni Timothy ?

"Maiwan ko na kayo." Nginitian muna ako ni Timothy bago ito lumabas na para bang sinasabihan ako ng goodluck. At dahil alam kong ako ang may kasalanan kaya okay lang kahit na magalit sya.

"You okay ?" He ask. Nakayuko lang ako. Pero tumango ako bilang sagot sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya mas mabuti nang tumahimik nalang ako. "Do you want to eat anything ?" Tanong nya ulit. Umiling lang ako. Pakiramdam ko para akong bata na takot na takot pagalitanng magulang.

Narinig ko syang huminga ng malalim. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pag upo nya sa kama ko. Hinawakan nya ang isang kamay ko. Ang isang kamay nya ay hinawakan ang baba ko saka dahan dahan na inangat nya ang mukha ko mula sa pagkakayuko. "Look at me" Pumikit muna ako saka huminga ng malalim bago sinalubong ang mga tingin nya. 

"Are you okay ?" He ask again. Ang kaninang seryosong mga tingin nya ay napalitan ng pag aalala, takot at pagmamahal. Ano bang ginawa ko ? Bakit ko ba nagawa yon ? Masyado na akong nagiging selfish, nakalimutan kong nandyan sya, at ang anak ko. Dahil sa kabaliwan ko, dahil sa katangahaan ko at sa kagustuhan kong malaman ang totoo muntik nang mawala ang baby ko, ang baby namin. Hindi ko namamalayan ay tumutulo na pala ang mga luha ko. 

Walang ibang lumalabas sa bibig ko kung hindi mumunting hikbi ko lang, yumakap ako sa kanya at tahimik na umiyak, ngayon ko nararamdaman ang Takot, Paano kung hindi pala dumating sina Black ? Paano kung nawala ang baby ko ? Hindi ko yata kakayanin yon. 

"I'm sorry Von, Patawarin mo ko." Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim saka ako hinarap sa kanya. Pinunasan nya ang mga luha ko saka ako hinalikan sa Noo na mas lalo kong ikana iyak, He love me, He really love me, at napaka tanga ko para iwan sya. "I'm happy your okay" He said. Paulit ulit lang akong humihingi ng sorry sa kanya. Hanggang sa nakatulugan ko na lang pag iyak ko. 

"Baby, No !! Tulungan nyo ko !! Ang baby ko !! Voooon !!" Hinde, hindi pweding mawala ang baby ko. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa mga binti ko at pagsakit ng puson ko. 

"Ha ? So buntis ka na pala ang Prinsesa namin ?" Nakaramdam ako lalo ng takot ng lumitaw sa harap ko si Argus. May hawak syang baril at nakatutok ito sa tyan ko. Hawak hawak ko ang tyan ko habang paatras na naglalakad palayo sa kanya. 

Lord Devon Black (Demon#1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon