Secret

6.1K 145 2
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula ng bumalik ako ng bahay. Isang linggo na rin ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko pa rin binubuksan ang Notebook ni Daddy. Nakatago lang iyon at wala pa akong lakas ng loob na basahin ang laman nun.

Gusto ko ng bumalik ng Presinto pero hindi pa rin pumapayag si Von na magtrabaho ako. 3 days na ang lumipas simula  ng umalis sya. May mga business syang inaasikaso sa Hongkong. Ang alam ko nagkalat sa ibat ibang parte ang mga negosyo nya. Kaya naman talagang nabibilib ako sa kanya kung paano nya nagagawang i manage ang business nyang talaga namang sobra sa  lake !

At dahil nandito lang ako sa bahay nya. Walang magawa, naisipan kong pumunta sa paborito nyang lugar. Ang stusy room. Umupo ako sa swivil chair nya at doon nagpalipas ng oras. Hanggang sa may makita akong folder. Tinignan ko iyon at may nakita akong na agaw ng pansin ko.

Alam kong hindi ko dapat gawin to. Pero hindi naman siguro masama kung silipin ko lang ng konti diba ? Hindi ko naman ipagsasabi ee. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago binuksan ang folder.

At laking gulat ko nalang ng makita ko kung ano ang laman nito. Ang Daddy ko. Bakit meron sya ng profile ng Daddy ko ? Hindi ko alam pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko  para bang may mga makikita ako kung ipagpapatuloy ko ang paglipat ng mga pahina.

Sa sumunod nitong pahina, nalaman kong sya ang pala ang dating leader ng organization nila. At dahil namatay sya, si Argus ang pumalit sa  kanya bilang leader. Sa mga sumunod nitong pahina, nakalagay ang mga profile ng mga taong nakasama nya. Isa na doon si Argus Ang. Ang mga iba naman ay pamilyar lang pero hindi ko alam kung saan ko sila nakita. Ng ilipat ko ang mga sumunod na pahina halos manlambot ako sa  mga nalaman ko.

Pero ang higit na umagaw ng pansin ko ay ang isang pangalan na pinatay ng grupo ni Daddy. Lord Cedric Black ng BLACK FALCON MAFIA. Halos manginig ang buong kalamanan ko sa nabasa ko. Ang lalaking pinatay ni dad. Ang Daddy ni Lord. At kamakailan lang, Pinatay din ng Double A ang bagong leader ng Mafia nila na si Primitivo Falcon. 

Namalayan ko na lang ang sarili kong naglalakad pabalik sa kwarto ko. Hindi ko alam kung paano kong nakuha ang cellphone ko. Pakiramdam ko lalong sumabog lahat ng mga nalaman ko sa utak ko. "Hello Misis ?" Bungad niya. "Umuwi ka na" Nanlalambot kong sabe. Kasabay ng pagbaba ko ng cellphone ang syang pagdilim ng paningin ko, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa malamig na sahig ng kwarto ko. 

Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko sa paligid ko. Pagtingin ko sa kanan ko nakita ko si Black na nakaupo sa kama. Sa mahabang sofa naman si Timothy, Ace at Calibre. "Oh gising na ang Misis mo. Puta kinasal ka ng di namin nalalaman." Dinig kong sabi ni Calibre. "Gago tumahimik ka, ayaw mo yon, nagbinata na si Von." Pang aasar naman ni Ace.

Tinignan silang masama ni Von pero ngumisi lang ang dalawa. Seryoso lang na nakatingin si Timothy sa akin na para bang gusto akong kausapin ng masinsinan. Lumabas ito ng kwarto ng seryoso pero ang dalawa ay nagtatawanan pa. Tinignan ako ni Von ng may pag aalala. "you fainted" He said. Tumango naman ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga para maka usap ko sya ng maayos. Tinulugan nya akong makaupo saka hinawakan ang mga kamay ko. 

"Sobra ang kaba ng marinig ko ang pagbagsak mula sa kabilang linya. Fuck, Kung pwede lang magteleport para makarating agad sayo ginawa kona. Mabuti nalang stand by si Timothy at nagawa kitang ipakisuyo sa kanila." Nag aalala pa nitong dagdag. Ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya. Hindi pa rin ako makapiniwala sa mga nalaman ko. 

Ang laki ng kasalanan ng pamilya ko sa pamilya nya. Kung kailan tanggap ko na ang nararamdaman ko saka ko namaan nalaman ang lahat. Hindi ko ba talaga deserve ang sumaya ? Bakit kailangan sya pa ? Bakit kailangan si Daddy pa ? "Hey, why are you crying ? May masakit ba ? Fuck answer me Marg !" 

Pero niyakap ko lang sya. Gusto ko syang makausap, gusto kong humingi ng tawad. Pero paano kung kamuhian nya ako ? Paano kung di nya ako mapatawad ?? Kakayanin ko pa ba ?? "May mga dumating kang files, nasa office mo. Wag mo akong intindihin. Okay lang ako." Sabi ko habang pinupunasan ang mukha ko. 

"Hayaan mo ang mgapapel na iyon. Makakapag hintay ang trabaho." Tumango nalang ako sabay yuko. "Get back to sleep." He said. Nag angat ako ng tingin at tinignan sya ng diretcho sa mga mata.

"Von, babalik na ako sa trabaho. Bukas"

Dalawang araw na ang lumipas simula ng bumalik ako sa trabaho. At hanggang ngayon hindi pa rin kami nag uusap ni Von. Maganda na ring hindi kami nag uusap dahil pareho lang kaming nahihirapan sa situation. "Perez Meeting !" Sigaw ni Cortez. Tumango ako at sinabing susunod ako. Matapos kong ayusin ang lamesa ko. Pumunta na ako sa conference room. Nadatnan ko sa loob ang apat. Pagkatapos kong umupo ang sya namang pagdating ni Chief. 

"May lead na ba tayo kung nasaan na sya ?" Tanong ni Chief. May binigay na folder si Bognot sa kanya sa tahimik itong binasa. "Ayon sa mga source namin, huling nakita si Argus Ang sa isang Hotel sa Makati. May mga kasama itong foreigner. At mukhang mga bigtime sindicate ang kinabibilangan ng mga to. Nalaman din namin na mag transaction sila bukas ng gabi sa daungan ng mga barko sa Zambales. Pinaplano na rin namin kung paano namin sila huhulihin sa akto." Bognot

"Ano naman ang binebenta nila ngayon ?" Tanong ko. Tumingin si Manalo sakin bago sumagot. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may gusto sakin ang gagong to. Pero wala akong panahon na intindihin yon. Kailangan kong kalimutan ang nalaman ko para makapagttabaho kami ng maayos.  "Mga dikalibreng baril at bilyong halaga  ng droga. Ang inaakala natin simpleng organisasyon ay hindi pala basta basta." Sagot nito.

"Mga wala rin silang sinasanto. Basta kahit sino binebentahan nila ng droga. Kamakailan lang nalaman din namin na nagpadala nanaman sila ng mga babae sa Japan para ibenta sa mga Yakuza. Mga wala silang kaluluwa." Galit na sabi ni Cortez. Ngayon ko lang ulit sya nakitang ganito seryoso. Kaya naman mas lalo kong gustong matapos na ang lahat ng ito.

"Ang tanong ko lang, paano nila nagagawang ilusot ang mga babae sa mga  security check ng mga barko ?" Tanong ni Aguilar. "Connection" Biglang sabi ko. Napatingin silang lahat dahil sa sinabi ko. " Ang sabi niyo, hindi basta basta ang grupo nila, it means mas matataas o mga bigating tao ang mga nasa likod ng mga bawat galaw nila kaya hindi sila nahuhuli. Ang kailangan nating gawin, kailangan nating malaman kung sino ang mga taong iyon. At paano natin gagawin iyon. Mabigat ang kalaban, kaya siguradong mahihirapan tayong malaman kung sino sila." Dagdag ko pa.

"Connections !" Biglang singit ni Cortez. "Kung meron silang big time connections. Meron din naman tayo. Diba Perez ?" Sabay tingin nya sakin. Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Ano bang connections ang sinasabi nya ? "Look, Nasa likod natin ang Isa sa mga Hari ng Kingdom Hell. At sa tulong nya, maaring mabigyan din tayo ng tulong ng mga kasama nya. Kaya gamit ang connec......"

"NO ! Trabaho natin to ! At hindi natin kailangan magdamay ng ibang tao. We can do this. Subukan mong sabihin sa kanya to Cortez, Kundi Patay ka sakin !" Sumangayon naman si Manalo sa sinabi ko at pati na rin ang iba. Tumango nalang si Cortez at wala ng nagawa. Kailangan kami mismo ang lumutas ng kasong ito. Noong una, kaligtasan lang ni Von ang trabaho namen, pero ibang usapan na ngayon, at alam kong sa bawat paglutas na malalaman namin, marami rin akong pwedeng malaman. 

"Kung ganon, Gawin nyo ang lahat para matapos na ang kasong ito. Nakaka amoy na ang ibang nasa itaas. May protection tayo sa ibang boss, pero ang ibang nasa panig nila ay kayang kaya tayong durugin sa oras na malaman nila kung ano talaga ang ibinigay na trabaho sa inyo. Mag ingat kayong lima, dahil sa ngayon, Nakakasiguro tayong hindi lang small time ang kinakalaban natin. Maaring buhay natin ang nakataya, pero kailangan parin natin malaman ang totoo. And i count on you guys. And please. Take care of yourselves. Understand !?"

"Yes Sir.!" Sagot namin lima. 


~~~~~~~~~~~~~~~~~

Last Update for the year 2017. Merry Xmas and Happy New Year.. 

Lord Devon Black (Demon#1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon