Nag inject ng pampatigil ng pagdugo at para na din sa lason si Thunder at Winter sa dalawa. Pagkatapos pinahiga ni Winter si Raikoo sa tabi ni Ralph at dinerekta niya ang dugo ni Raikoo kay Ralph. Ganun din ang ginawa ni Thunder kay Rina at Ren.

Sinimulan na nilang tanggalin ang bala sa katawan ng dalawa. Nahirapan lang si Thunder dahil malalim ang tama ni Ren. Mabuti na lang at walang tinamaan na organ. Matapos matanggal ang bala agad niyang tinahi ang ugat na naputol para magtuloy ang daloy ng dugo. Si Min wei ang taga abot ng mga gamit kay Thunder at Taga punas ng dugo sa katawan ni Ren. Habang si Rina naman ay nakatingin lang sa kuya niya na nag aagaw buhay. Naiiyak na siya pero pinipigilan niya. Gusto niyang maging matapang para sa kuya niya.

"Wag kang mag alala Rina. Alam kong mukha akong di katiwa tiwala pero isa akong Ph.D. sa Korea kaya maliligtas ko kuya mo."- Thunder

Napatawa naman si Rina sa sinabi ni Thunder sa kanya. Tinanggal na ni Thunder ang host na nagdidirekta ng dugo kay Ren mula kay Rina dahil sapat na ang dugo para kay Ren. Pinangpahinga na lang niya si Rina dahil madaming dugo din ang nawala dito.

Pagkatapos tahiin ang hiwa sa bewang ni Ren. At gamutin ang ibang sugat naging stable na din ang lagay nito.

Sa kabilang banda. Agad namang natanggal ni Winter ang bala sa braso ni Ralph pero may nasamang mga bubog dito kaya tinanggal niya muna bago tahiin ang sugat ni Ralph sa braso. Dalawang bala ang tumama kay Ralph kaya tinggal naman niya ang sa isa pang bala na malapit lang din sa unang tama.

Inaabot ni Iki kay Winter ang mga gamit at pinupunasan ang pawis nito sa mukha. Habang si Raikoo naman ay nakatulala lang kay Winter. Hindi niya akalain na kaya palang magsagawa ng isang surgery si Winter.

Tinanggal na ni Winter ang host na nagdidirekta ng dugo kay Ralph at pinangpahinga na din si Raikoo. Nilinisan na din nila si Ralph at binalutan ng benda ang braso.

Sabay na lumabas ng underground elevator si Thunder at Winter kasama na din si Iki at Min wei.

"Explain now."- Winter

"Napansin na namin ni Leo Hyung na may sumusunod samin pauwi kaya pinagseatbelt at pinayuko namin silang dalawa."- Glen

"Kaya lang tae di pala bullet proof yung van nila kaya ayun may tumama sa kanila habang nakikipaglaban kami. Maniwala ka Winter ginawa namin ang kaya namin kaya lang ang hirap makipaglaban habang nakasakay ka sa van."- Leo

"Oo tapos ang kalaban namin sobrang dami at nasa iba ibang direksyon. Sorry di namin sila naprotektahan."- Glen

"It's okay. Alam kong ginawa niyo ang kaya niyo. Pero next time pag alam niyomg madami sila lumihis na lang kayo. Mas importanteng ligtas lahat."- Winter

"Ne. Salamat sa pag intindi."- Glen.

"Kamusta na pala sila?"- Roo

"Wag kanang mag alala Roo di namin papatayin mga kaibigan natin."- Thunder

"Mukha lang walang kwenta si Thunder hyung pero isa yang Ph. D. sa korea. Ewan ko nga lang bakit ayaw pa magtayo ng sarili niyang ospital."- Winter

Natawa naman ang lahat sa sinabi ni Winter.

"Tapos si Winter naman Md. yan tinamad ng magdoctorate kaya di na siya naging Ph. D. na gaya ko."- Thunder

"Ibig sabihin doctor pala kayong dalawa."- Roo

"Yup"- Thunder

"Winter di lang yun ang problema. Nahack ko ang ibang calls at messages ng black hawk clan. Tinatarget talaga nila yung apat. Wala silang alam tungkol sating shadow kaya ligtas pa pero sila talagang gusto ng patumbahin. Pati na din ikaw dahil akala nila ikaw si Autumn."- Rhon.

"They really want war huh. Kailangang itrain ng apat. Tim hyung sayo ko na sila ipapatrain umpisahan mo na kay Roo ngayon. Dalin mo siya sa bahay mo."- Winter

"Sige ako ng bahala sa kanya."- Tim

Agad namang umalis yung dalawa para umpisahan na din ang training nila.

"Mayroon pa swerte sila dahil ang van ang sinakyan nila. Kasi yung mga kotse nila may nadetect ako na self destruction. Once na Magstart ang makina nito sasabog ito."- Rhon

"Pano nila nalagyan ni bomba mga kotse nila?"- Winter

"Matagal ng may bomba mga sasakyan nila. Ngayon lang nila inactivate. Balak na talaga nilang patahimikin ang apat."- Rhon

"Sean hyung, Sian hyung, Ryuu hyung at Nathan hyung. Idispatsa niyo ang lahat ng sasakyan nila. Huwag niyong buhayin ang makina at siguraduhin niyong wala ng ibang makakagamit pa nun."- Winter

"Ne" sabay sabay sabi ng apat sabay alis.

"Leo hyung at Glen hyung magpahinga na kayo. Alam ko namang napagod kayo sa pakikipaglaban."- Winter

"Sige Winter."- Leo

"Sige tulog muna ako."- Glen

"Pati ikaw Thunder hyung magpahinga kana. Napagod ka sa surgery kanina."- Winter

"Ge."- Thunder

"The rest ng shadow bumili kayo ng car na kamukha ng satin. Yung bullet proof at may speed accelerator. Ibahin niyo na lang ang kulay sa atin. Maliwanag."

"Yeah"- Sky

"Yung shadow account ba gagamitin namin?"- Kai

"Oo. Wag niyong tipirin. Madami na din naman kayong kickback sa mga mission niyo haha. Yan na lang ang pamasko niyo sa kanila."- Winter

"Anong akala mo samin kuripot si Sky lang yun noh."- Rhon

"Hoy hyung di ako kuripot noh."- Sky

"Oo na lang ako sayo Sky"- Kai.

"Lumayas na nga kayo. Ay teka nasan si Kevin hyung?"- Winter

"Naggrocery lang siya."- Kai

"Oh sige na dapat nandito na kayo bago maggabi arrasso."- Winter

"Ne."

Di maiwasan ni Winter na mag alala para sa mga kaibigan niya. Nagsisimula na ang mga kalaban nila. Siguro tama na ang pananahimik nila.Kailangan na din nilang kumilos para maagapan ang lahat.

Bukas na ang pasukan nila kaya kailangan na niyang madaliin ang lahat. Kinukutuban na siya na may magtatangka na naman sa buhay nila bukas kaya hinanda na niya ang mga ninja tools niya para sa laban.

_____________________________________

ceikret

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now