I Will Not

27 3 20
                                    


I'm staring blankly to my room's ceiling. Hindi ako makatulog.

Anong oras na ba? 10:00 pm? Medyo maaga pa.

Pero gusto ko nang makatulog. Nung isang araw pa ako puyat.

Hay.

Makakatulog din ako. Tama. Ipikit ko lang 'tong mga mata ko.

Ilang minuto ang lumipas. Narinig ko ang pagring ng cellphone ko. Minulat ko ang mga mata ko.

I think I know who's calling. I think I also know why.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang phone na nagriring at umiilaw.

Tumigil din ito pagkatapos ng isang minuto. Maya-maya, nagring muli ang phone.

Sasagutin ko ba?

Kinuha ko ang phone ko sa taas ng study table. Tiningnan kong mabuti ang pangalan na nakalagay sa screen.

Tama ako. Si M. Yung taong mahal ko.

I let out a deep sigh before answering her call. This will be the last time I'm doing this.

Hindi muna ako nagsalita at hinayaang manaig ang katahimikan sa pagitan namin.

Lumipas ang isang minuto na mga mahihinang hikbi nya lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya.

"Neon..." She called my name, breaking the silence between us.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang sundan ang gusto niyang sabihin.

"I need you here."

I let out another deep sigh. Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Hindi ko rin naman siya matitiis lalo na kung umiiyak siya't nasasaktan. Nasasaktan lang din ako.

"Pupuntahan kita. Hintayin mo 'ko dyan." Sabi ko bago pinatay ang tawag.

≈≈≈

Tahimik ang paligid habang pumapasok ako sa loob ng park. Agad akong naglakad sa isang parte nito na medyo madilim dahil na rin sa kalayuan nito sa mga lights ng park.

Mayroong isang bench doon kung saan lagi siyang umuupo. Lalo na kung may problema siya.

Tumigil ako, ilang hakbang mula sa isang babaeng nakaupo sa bench na nakatalikod sakin. Mapapansin ang pagtaas-baba ng kanyang balikat at mga mahihinang pag-iyak.

Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanya.

"Maxien..." Tawag ko sa kanya. Tumigil naman ang pagtaas-baba ng balikat niya. "Nandito na ako." I told her.

Tinaas nya ang ulo nya at tiningnan ako. Nilabas ko naman ang isang roll ng tissue sa plastic bag na dala ko at inabot sa kanya.

Pero imbis na kunin yun ay niyakap nya ako. She cried for minutes in that way. I comforted her through tapping her back and being silent.

Pagkatapos ay kumalas din siya sa pagkakayakap sakin. Kinuha nya ang tissue at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit hindi magpagkakaila na humihikbi pa rin siya.

Nilabas ko na ang laman ng plastic bag. "Ice cream..." Alok ko sa kanya.

Kinuha naman niya ang solo pack na ice cream kaya inabot ko na rin ang kutsarang dala ko. Syempre meron din para sakin. Pang-alis lungkot.

Lumipas ulit ang ilang minuto nang kumakain lang kami ng ice cream. But in the end, I can't stay still.

"Anong nangyari?" Ano na namang problema? I want to ask her but I can't.

I Will NotTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang