MGD 6 - I fuckin' miss you

Start from the beginning
                                    

Sumimangot lang s'ya, "Iba ka talaga.." bulong n'ya pero sapat na para marinig ko. May bigla akong naalala, kamusta na kaya sila ni Steph?

"So, Carl.." tumingin naman s'ya sa akin, "Ano?" tanong n'ya.

"Kamusta na kayo ni Steph?" perfect talaga sila para sa isa't isa. Alam mo 'yun? Talagang match ang ugali nila at hindi ko rin malilimutan ang sinabi sa akin ni Steph na pagbalik ko ay sila na ni Carl.

"Si Stephanie?" napatango naman ako, "Medyo iwas s'ya sa akin since noong may nasabi ako." napahinto naman ako sa pagdadrive at ipinark ang sasakyan ko sa tabi ng kalsada.

"Why? I thought okay kayo?" sabi kasi sa akin ni Steph last month ay okay naman daw sila ni Carl and she also said na malapit na talagang maging sila. So I am thinking, why and what happened?

"P'wede ba huwag na lang natin munang pag-usapan?" naramdaman ko naman na hindi talaga sila okay kaya minabuti ko na lang na itahimik ang bibig ko, buhay nila 'yan at dapat hindi ako masyadong nangingialam sa kanila. But I was so sad because of that.

The drive went smooth, ni hindi ko nga alam kung saan ako papatungo, "Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong sa akin ni Carl.

I shrugged, "Hindi ko din alam." baliwala kong sagot. Malay ko ba, marami na ding nag-iba sa dinadaanan namin. Marami na pala talagang nagbago.

Malapit na kami sa mall, noong maalala ko na sikat nga pala ang kasama ko, "Bawal tayo mag mall? Pagkakaguluhan ka dun." napatingin sa akin si Carl na nakakunot na ang noo, "So maghintay ka d'yan. Wait until I finish shopping.." akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko noong pinigilan ako ni Carl.

"Ano na naman?" naiinis na tanong ko. Kanina ko pa napapansin na lagi n'ya akong hinawakan sa kamay, ano bang meron? Mas naging clingy 'yung best friend ko na 'to.

"That's Steph's café.." itinuro n'ya 'yung isang kulay pink na may pagkamodern 'yung design nung store. So ito pala ang sinasabi n'yang pinagkakaabalahan n'ya? Bakit nga ba hindi ko kaagad naisip 'to? Nasabi rin sa akin ni Steph na magtatayo s'ya ng isang café.

"Oh? That looks fancy not bad.." maganda ang pagkakatayo nung café, maganda ang landscape sa labas, tanaw na tanaw ko dito kung gaano n'ya pinagkagastusan 'yung café n'ya, "I'll go to Steph.." tumingin ako saglit sa reflection ko sa salamin, perfect!

"I'll go with you.." hawak hawak ko ang pouch ko na tadtad ng swarovski crystal, inilugay ko rin ang kulay scarlet kong buhok, nakakulot ang dulo nito at poise akong naglakad papasok ng café n'ya.

Si Carl naman ay nakasunod lang sa akin habang ang dalawang kamay n'ya ay nakataas at nakalagay sa likod ng ulo n'ya, umaangat ang shirt n'ya kaya nakikita ko ang waistband ng boxer n'ya. Umirap na lang ako noong napansin n'ya na nakatingin ako sa kan'ya.

Halos nagulat ang guard ng café noong nakita n'ya kaming dalawa ni Carl na naglalakad papalapit, buti na lang talaga ay naisipan ni Carl na magsuot ng beannie, so hindi s'ya gaanong kapansin pansin ng mga naglalakad sa kalsada. Ako naman ay, as usual lang, maraming napupukaw na mata ang kagandahan ko.

Pinagbuksan kami ng guard ng pinto at taas noo akong pumasok sa loob, inilibot ko ang tingin ko, "Not bad..good choice of colour.." napangiti na lang ako sa isip ko. Hindi ko akalain na si Steph ay makakapagtayo ng sarili n'yang negosyo. Kapansin pansin ang eleganteng chandelier na nakasabit sa kisame, ang mga couches at wooden tables and chairs, ang counter na punong puno na masasarap na pangalan ng pastries at kape. Malamang, café 'to.

Napatingin sa akin ang mga tao sa loob ng café at sa lalaking kasama ko, inalis ni Carl ang beannie n'ya at nagsuot ng shades. Ginulo gulo n'yan ang buhok n'ya, "I think I know him.." sabi ng isang dalagita sa isang gilid.

Naglakad ako papuntang counter, sadyang binagalan ko ang lakad ko para naman maagaw ko atensyon nila, nasaan na ba si Steph?

Nakarating ako kaagad sa harap, nakita ko kaagad ang mga barista n'ya, hindi na ako magugulat kung ang lahat ng crew n'ya ay lalaki at puro may itsura, "Where is Stephanie?" I asked. Halos nakanganga ang barista, "You're drooling, ew." maarte kong sabi. Natawa naman ang kasamahan n'ya.

"May meeting po Ma'am.." magalang na sabi n'ya. Napataas naman ang kilay ko at napatingin kay Carl. Ibinalik ko ang tingin ko sa barista, "Where?" balak kong puntahan si Steph kahit may meeting s'ya.

"Bro, walang meeting si Miss Steph, may kausap lang Miss beautiful.." napaangat ang kilay ko sa kan'ya.

"Where is she?" kanina pa ako atat na atat na makita si Steph, ang tagal ko na kayang hindi nakakausap si Steph at miss na miss ko na s'ya.

"Nasa taas po, sa office n'ya po." kaagad akong naglakad papunta hagdanan.

"Stay there, don't follow me." I send my famous deadly glares. Napasunod ko naman kaagad si Carl, hindi na s'ya sumunod sa akin at nanatili na lang nakaupo sa isang couch.

Pagkaakyat ko sa taas ay maganda pa rin ang ambiance.

Kapansin pansin ang isang pink room, ito na siguro 'yung office ni Steph.

Hindi naman ako kinakabahan kaya agad akong kumatok, ilang saglit pa ay may nagsalita, "Pasok!" boses ng baliw kong best friend 'yun. Kaagad kong binuksan ang pinto.

"Ang baboy mo kumain! Hahaha!" nakita ko si Steph na pinupunasan ang gilid ng bibig ni..Terrence.

"Freak. . ." halos lumaki ang singkit n'yang mata noong makita n'ya ako. Si Steph naman ay halatang nagulat sa pagdating ko, wala nga pala silang kaalam alam na dadating ako.

Tumayo s'ya at biglang yumakap sa akin, "Finally, you're back. . I fuckin' miss you Trish.." masyado s'yang matangkad kaya naman ay nakadikit ang tainga ko sa dibdib n'ya, mabilis ang tibok nito. Mahigpit ang pagkakayakap n'ya sa akin at parang walang balak na pakawalan ako. Hinaplos n'ya ang mahahaba kong buhok, mabigat ang paghinga n'ya. Nagising ako sa realidad noong maalala ko ang pinunta ko dito, itinulak ko s'ya na naging dahilan upang magkaroon ng distansya sa pagitan naming dalawa. Kumunot bahagya ang noo n'ya dahil sa ginawa ko pero ilang saglit ay nakangiti pa rin s'ya at hindi makapaniwala na nanditon na ako sa harap n'ya.

Napansin ko ang pagtaas ng kilay sa akin ni Steph, "So you're back? Great!" hindi rin nakalampas sa paningin ko ang pagngiti n'ya ng mapakla. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, basta ang alam ko. Hindi ko gusto ang inaasta n'ya ngayon and right after that ay pumasok si Carl at halatang nagulat sa nasaksihan n'ya.

"Am I interrupting the both of you? Nice one, so kailan pa?" mataray na pahayag ko. Napansin ko naman ang pagbabago ng ekspresyon ni Terrence, nawala na sa labi n'ya ang kan'yang ngiti, "Oh please, spare the drama."

*****
Steph Montecarla on the side 

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now