Chapter 41: DEATH BY BLOOD

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinisil at iniangat ni Behemot ang kanyang kanang kamay na tila may sinasakal. "Napakahina ng ulo mo Sitan, hindi mangyayari ang propesiya dahil hindi ko hahayaang mangyari iyon. Lulunurin ng kanyang kapangyarihan si Odessa at magiging kaanib natin bago pa man mangyari ang sinasabi ng propesiyang nagmula sa mga manggagaway at Babaylan. Matagal ko ng batid ang propesiya kaya matagal ko na rin pinagplanuhan ang lahat ng mangyayari. Kaya wala kayong gagawin sa aking anak dahil inihahanda ko na siya sa daan na dapat niyang tahakin para sa ating tagumpay sa sanlibutan!" ang paliwanag ni Behemot kasabay ng pagbitaw niya sa kanyang kamay.  Bumagsak si Sitan sa damuhan na hawak ang kanyang leeg.

"Ngayon ay bumalik ka na sa Labuadmas kailangan ka ngayon doon. Iwan mo na kami ng aking pinakamamahal kong anak."

"Masusunod po panginoong Behemot!" yumuko si Sitan at ikinumpas ang kamay upang magbukas ng Pilunlualan. Pumasok ito rito habang hawak pa rin ang nananakit na leeg.

Humarap si Behemot kay Odessa na nakakaramdam pa rin ng panghihina dulot ng kapangyarihan ni Sitan sa kanya. "Kumusta ka na pinakamamahal kong anak?" ang nakangising tanong niya kay Odessa kasabay ng pagturo niya rito at tila hinigop ng napakalakas na puwersa para mabilis na makalapit si Odessa sa ama.

Hindi iyon inaasahan ni Odessa. Laking gulat niya ng sa isang iglap ay nakahawak na sa kanya ang mahigit sa labing-tatlong talampakan na nilalang sa kanyang harapan.

"Behemot?..."

Hindi na nakaiwas ng tingin si Odessa sa mga mata ni Behemot. Lumabas ang mga apoy sa mga mata ni Behemot papunta sa mga mata ni Odessa. Dahilan para makaramdam ng napakatinding sakit ang babaeng Sangre.

"Eeeehhhhh!!!" ang malakas na sigaw nito na pilit inaalis ang kanyang mga mata kay Behemot. Pakiramdam niya ay sinusunog siya ng buhay sagad hanggang sa kaloob-looban ng kanyang mga buto.

"Ganyan nga mahal kong anak, tanggapin mo ang aking kapangyarihan para sa simula ng ating paghahari sa Sanlibutan! " sabay halakhak ng napakalakas.

Patuloy sa pakikipaglaban sina Demetria at Caren sa harapan ng Simbahan ng Barasoain. Patuloy pa rin sa paglusob ang mga anak ng buwan sa kinroroonan nila. May mga manananggal ang nakakadapo sa bubungan ng simbahan pero kaagad naman silang napupuksa ni Sagaway na halos sugatan na rin.

Hindi pa rin tinitigilan ng mga wkawak at manananggal si Alimog sa himpapawid na pagod na pagod Sa paglipad at pakikipaglaban.  Kailangan na niyang lumapag sa lupa upang doon na ituloy ang pakikipagbuno sa mga anak ng buwan. Nakamasid pa rin sa kanya ang buwitreng si Kalufai. Naghihintay ng tamang pagkakataon para patayin si Alimog.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon