CHAPTER 1: Hello Philippines

Start from the beginning
                                    

"Mom, payagan niyo na rin ako," sabi ko habang busy si mom sa laptop niya. About business 'yon for sure.

"May magagawa pa ba ako?"

Parang nagningning ang mga mata ko sa narinig ko.

"So, payag ka na rin mom?"

"Yeah! But please don't make me worried again. Gaya ng palagi mong ginagawa."

"Thank you mom! But I can't promise na hindi ako mapapasabak sa gulo ha? You know, but I'll try it," sabi ko at tumakbo pataas papunta sa room ko para iayos 'yong mga gamit ko. Bukas na ako papasok. Pero bago pa ako tuluyang makalayo, tumingin pa ako sa kanila sabay sabing "Huwag niyo po muna ipapaalam kay Cath na doon ako papasok ha? Para surprise," medyo pasigaw kong sabi para marinig nila. Nandito na ako sa taas 'eh.

Tanging pagngisi at pag iling lang ang nagawa nila.

****

Habang nilalagay ko sa maleta 'yong mga gamit ko ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Manang Mellie dahilan para mapangiti ako.

"Oh! Anak, tulungan na kita d'yan."

Nakakatuwang marinig mula kay Manang Mellie na tinatawag niya akong anak. Matagal na siya dito since bata pa si kuya. So, noong ipinanganak ako, isa na rin siya sa mga nagpalaki sa akin. Lalo na pag busy sila Mom o kaya nasa ibang bansa sila. Si Manang na ang tumayong pangalawang ina sa amin ni kuya, kaya close na close na kami. Pati nga sila ni Cath 'eh close din.

"Naku! Salamat po ah!" Pagpapasalamat ko kay Manang habang nakangiti.

"Ang laki ata ng ngiti mo 'nak ah. Na-miss ko 'yang ngiting yan," nakangiting sabi ni Manang. Nahawa ata sa ngiti ko. Sa totoo lang, madalas sa kaniya ko lang napapakita ang ganitong ngiti.

"Pumayag na po kasi sina dad na sa R.S University ako mag aral," nakangiting sabi ko.

"Talaga? Kaya pala. Alam ko naman na pangarap mo talagang mag aral d'yan sa pinag aaralan ni Cath 'eh."

"Haha! Opo. Dream come true nga po 'to."

"Alam na ba niya?"

"Haha! Not yet Manang. Surprise!" *wink*

"Hindi ba ayaw din niya na mag aral ka doon?"

"Opo. Haha! Kaya for sure, magugulat talaga 'yon bukas pag nakita niyang nandoon ako."

Naeexcite ako sa magiging reaction ni Cath 'eh. Bwahaha!

"Basta, mag iingat ka palagi 'nak ha?" paalala ni Manang.

"Sila po ang mag ingat sakin. Haha!"

"Haha! Ikaw talaga. Oh ayan tapos na. Bababa na ko at magluluto pa ako ng pang gabihan natin."

"Sige po, Manang. Salamat!" sabi ko sabay hug sa kaniya. Sweet ko ngayon 'no?

Nang makalabas na si Manang ng kwarto ay humiga na lang ako sa kama.

Naalala ko 'yong pag uusap namin ni Cath kanina.

**Flashback**

"Hello Philippines. I'm back!" bulong ko sa sarili ko pagkababa ko ng Airplane habang nakatingin sa malayo at dinarama ang pagdampi ng malakas na hangin sa mukha ko. Nililipad rin ang buhok na halos magulo na.

Dumiretso kami sa Jollibee para kumain. Gutom na gutom na pati ako.

"So, where did you transferred?" Cath ask me while I'm drinking water.

*Cough cough*

"Oh, are you okay? dagdag pa niya.

"Y-yeah. Of course!" I smiled.

"So again, where did you transferred?" she ask with her fierce expression.

"U-uhm. Secret?" sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

"What a kind of answer, huh? Para namang hindi ko rin malalaman? sabi niya sabay inom ng coke.

"It's a surprise!" sabi ko na lang sabay sawsaw ko ng fries sa ice cream ng coke float ko. Fries is our favorite. At mas gusto kong isawsaw ito sa ice cream. Try niyo, ang sarap kaya.

"Diretso na ako sa University," sabi niya.

"Ah, okay." Uminom ako ng coke float. "Uhm, Cath, bakit ba bawal akong magtransfer doon?"

"Siguro, kasi ayaw nina tito? At ayaw ko din," sarkastikong sagot niya.

"But why?"

"Kasi nga, bawal."

"'Eh bakit nga bawal?"

"Kasi nga, ayaw namin."

"'Eh bakit nga ayaw niyo?" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Kasi nga, BAWAL!"

"'Eh bak--"

"Amira!" irita niyang sabi.

I just rolled my eyes

**End of flashback**

I'm just thinking about something. Kung bakit pinagbabawalan nila akong mag aral doon. Weird kasi 'eh.

Hayst, I'm tired. Nakakaantok.

____

A/N:

Thank you po sa mga nagbabasa.

Please continue to support this story.

vote.comment.follow me as a support. Ty

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now