Chapter 9 - Love is sweeter the second time around?

Magsimula sa umpisa
                                    

“Don’t call me Kuya, it’s unfair.” Nagulat ulit ako kaya napatigil ako pero hindi ko siya nilingon “Madaya kasi sila Carlos, walang kuya pero bakit sa akin may kuya pa?” tanong niya, si Carlos ay bacthmate niya dito, close ko ewan ko paano pero close kasi ako sa mga seniors at yung iba walang galang ang tawag ko sa kanila. Ewan basta.

“Oh Ash see you.” sabi ko at naglakad.

Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko at nakita ko nga siya malapit na sa akin “Samahan mo muna ako, we’ll catch up.” Sabi niya at sabay hatak sa akin palabas ng school, may secret alley kasi sa may school not really a secret alley pero walang bantay pero uwian ko na naman eh bakit ko kailangan dumaan dito?

Ang secret alley ang pinapamana ng mga seniors sa juniors kaya alam namin tong alley na to. Ang galing lang nga eh.

“May deliberation pa ako…” sabi ko habang kami ay lumalabas.

“Top 3 ka. Best in conduct, best in Science, Christian Living, at History.” Sabi niya. Weh di nga? Paano niya nalaman eh ako nga na tiga school hindi alam siya pa?

Nakarating na kami sa may tapat ng isang motor, nagulat ako nang hagisan niya ako ng helmet. Meaning isasakay niya ako sa motor niya? Yayakap ako sa kanya? Kyaaa..

I’m not a demure type of girl, why try hard to be one kung hindi naman diba? Yung mga ibang babae diyan, pakipot pa, kunyari ayaw sumakay sa motor kasi baka mamatay sila or whatever pero ako? No. I like exciting things at bakit pa ako magpapakipot eh gusto ko naman, ganun din yung pa-demure na babae pakipot pero deep inside gustong gustong makasakay para libreng yakap din whahaha.

Sinuot ko na yung helmet at sumakay na din ako, I really like this kind of things, nakaka-thrill kasi, pwera lang ang heights takot ako dun kaya I won’t ever ride mga rides na nakakatakot at matataas, dun ako pakipot haha.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya? Pero hindi siya nagsalita “Ash balik mo ako ng school bago mag three ah? Mas mass ngayon.” Paalala ko sa kanya, tuwing Friday kasi may mass sa school kasi nga Catholic kami kaya weekly ang mass, dati nga daily yan eh at per class at sa chapel lang pero ngayon weekly nalang at lahat ng students sa simbahan na.

“Ok.” Sabi lang niya.

“Paano mo nalaman yung sa deliberation?” tanong ko sa kanya, medyo hinigpitan ko yung yakap ko kasi medyo bumibilis siya kasi nasa may high way na kami ngayon.

“Tinanong ko kay Payat.” Sabi niya, he’s referring to Ms. Leslie, TLE teacher ng third year at fourth at siyang nagaayos ng recognition. Close kasi ang mga to sa kanya. “Best in conduct na pati ba naman Christian Living kinuha mo?” sabi niya may tonong nangaasar pa.

Pinalo ko nga siya kasi eh nangaasar na siya pero nakakamiss din pala siya talaga. “Grabe ka naman. Parang hindi mo ako kilala tahimik lang ako ah.” Sabi ko.

Actually maingay ako sa classroom eh, isa din akong pasimuno ng ingay sa classroom minsan sa hall naming juniors at minsan sa seniors, kasi yung mga boys na maiingay tropa ko yun haha. Pag CL maingay din ako noh, it’s not about kung tahimik ka, kung perfect mo naman ang quizzes at exam mo edi may chance diba? At isa pa sipsip ata ako sa mga teachers haha. Kaya nga kahit nakikisama ako sa gulo, never pa akong naguidance, tropa ko din ang mga counselors.

“Dati. Nagbago ka kaya.” He said parang may magsisisi pa sa tono. Ewan.

Tama nagbago ako dahil sa kanya, ayoko na kasi yung pagiging prim and proper ko dahil diba kaya daw niya ako hindi nagustuhan ay mali kaya daw hindi siya nag take risk because I was too reserved?

A Little Help From DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon