Chapter 9 - Love is sweeter the second time around?

853 24 8
                                    

Chapter 9 – Love is sweeter the second time around?

Time does fly. Parang kalian lang nung first day ng class last year tas ngayon March na at practice nalang para sa recognition. Nakakatuwang isipin na ang dami din nangyari simula naging third year ako.

Naglalakad na ako papunta sa high school library dahil ngayon yung deliberation kung ano ang mga awards na matatanggap ng mga honors. Excited na ako kahit alam kung nasa top 5 lang ako at wala akong makukuhang awards ok lang yun at least na-maintain ko yung pagiging honor ko since first year diba?

First year.

Napangiti ako ng maalala ko ang pagiging first year ko, una nakakatakot, natuto akong masaktan at magbago at dahil sa nagsaktan ako, lalo pa akong lumakas.

Kamusta na kaya siya?

“Ahhh.” Nagulat ako nang may humigit sa akin at nagtago kami sa may fountain, nasa labas pa kasi ako ng high school building kakagaling lang ng gym dahil kakatapos lang ng practice at deliberation na.

Nang huminto ito sa paghatak sa akin, tumingin ako sa kanya, isang lalaking naka-black na leather jacket, naka-cap din at nakashades ata, nakatalikod kasi siya sa akin at nakatingin siya sa may mga naglalakad, yung mga batchmates ko! -____-

At laking gulat ko nung lumingon na siya sa akin. Bakit siya? Bakit andito siya? Anong ginagawa niya dito? Bakit niya ako hinila? Ano naman pakana to? Pero grabe ang tagal ko ng hindi siya nakikita...

“Kuya Ash.” Pagbati ko sa kanya, simula nung naging sila ni Rachelle, hindi ko na din siya tinawag na Ash, I started calling him Kuya Ash, ayoko na kasing umasa pa, kaya nilagay ko sa lugar yung sarili ko, he’s my senior.

Huli kong kita sa kanya ay nung humiling pa ako ng sign at nagpakita nga siya, ganito din ang outfit niya nun, but he’s two months late, hiniling ko kasi ulit na makita ko ulit siya last January 26 pero diba si Kim ang nagpakita sa akin.

Ngumiti siya sa akin, how I miss those smiles. “Yo!” sabi niya “Kamusta?” he asked me like nothing happened.

Ganito naman siya eh, lagi nalang, hindi siya siguro alam na nasaktan ako dati pero nahalata niya dati na umiiwas ako, kaya siguro naging off din siya sa akin pero nagiba ulit siya at he pretended that nothing happened at pinipilit niya parang close parin kami.

“Ok naman. Kuya Ash una na ako ah may deliberation pa kami eh.” Sabi ko, ayoko na kasi masyadong makausap siya, ok na ako nung nakita ko na siya.

Palakad na ako palayo nang nagsalita siya “Balita ko may nangliligaw sayo ah.” Napatigil ako sa paglalakad.

Paano niya nalaman yun? Lumingon ako sa kanya.

“Si Beverly, sinabi niya sa akin.” Pagpapaliwanag niya, si Beverly? Girlfriend ni Den? Paano nagkakilala si Ash at si Beverly? Ay sympre schoolmate? Baka classmates sila? Tumingin ulit ako sa kanya na parang nagtatanong. “Cheerleader si Beverly diba? Basketball.” Pagsasagot niya sa katanungan ko.

So naglalaro parin siya ng basketball, naalala ko tuloy yung mga panahon na pinapanuod ko siya, lalo na nung pinapanuod ko siya habang si Rachelle todo suporta sa kanya noon, tiga punas pa ng pawis, hiniling ko din dati na sana ako nalang yung nasa pwesto ni Rachelle na ako nalang yung pinili niya sana. Pero haggang pangarap lang ako.

“So meron nga?” pagtatanong niya.

Ngumiti nalang ako para sa sagot “Kuya alis na ako. See you.” paalam ko at naglakad na

A Little Help From DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon