| Chapter 4 | Marco Dubois |

15 1 0
                                    

Harmony's POV

Pagkababa ko sa hagdan ay nakarating ako sa makitid na daanan papunta sa isang secured entrance. Mayroon itong multiple passes. Una, fingerprint sensor; ikalawa, voice ID; ang pang huli ay pass code. Ang pass code ay mayroong 15 digits, bawat agent. Ang akin ay 112100-369082593.

Bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang isang abalang kapaligiran, mabilis akong nagtungo sa opisina ng Presidente. Kumatok ako at awtomatiko namang bumukas ang pinto.
Pagkapasok ko ay yumuko ako bilang pagbati. Agad naman niya akong pinaupo sa isa sa dalawang magandang upuang katapat ng upuan niya.

"Alam mo Harmony, napaisip ang Big Boss matapos kong sabihin na gusto mo nang magkaroon ng misyon." Pambungad ni Mr. Cromwell habang pinagsasalikop ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "At dahil nga mabait sa iyo ang Big Boss, tinupad niya ang hiling mo!" Masayang niyang banggit.

Napangiti naman ako sa balita ni Mr. Cromwell. Kung ganoon nga, malamang ay tama ang sinabi niya, mabait ang Big Boss sa akin.

"Mabuti kung ganoon." Nakangiti kong tugon. Napataas naman ang kanang kilay ni Mr. Cromwell. "Ano naman ang misyon na yan?" Tanong ko.

"Laganap na ngayon sa bansa ang mga con men, target ang mga mayayaman, kukunin ang tiwala sa pamamagitan ng mga kasinungalingan, at saka nanakawan. Kadalasan, nagpapanggap silang mga negosyante." Panimula ni Mr. Cromwell habang inaabot sa akin ang isang folder. "Nasa folder na yan ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa pinakamalaking sindikato ng mga con artists. Dalawang linggo na silang minamatyagan ng BO. Sila ay mga Filipino nationals na nagpapanggap na mga wedding organisers na galing sa France. Target nila ang mga mayayamang engaged couples. Tatlo na ang nabiktima nila ngayong taon. At hindi naman sila maisumbong ng mga biktima nila dahil sa kahihiyan." Pagtutuloy niya.

Nakarinig naman kami ng mga katok, at pumasok ang isang lalaking hinugot mula sa impyerno at ipinadala dito para pahirapan ako, si Marco Dubois. Anak ni Vice President Dubois.

"Oh, Harmony! Ikaw pala ah..." Pang-asar na bati ni Dubois. "Naexcite tuloy ako sa magiging misyon." Dugtong niya habang pinapataas ang mga kilay niya.

Nang may mapagtanto ako ay napalingon ako bigla kay Mr. Cromwell.

Wedding Organisers.

Ako.

Si Dubois.

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at sinabing, "Mr. Cromwell! Why?! Why Dubois? Why this mission? I, I... I can't believe you..."

Si Marco Dubois lang naman ang nag-iisang anak ni Vice President Lucy Dubois. Ang kasalukuyang Top Agent, ang pumalit sa akin. Magaling siya sa physical combat at long-range weapons, gaya ko. Sa kasagsagan ng training at pananatili ko sa Main Head Quarters, lagi kaming sinasali sa mga activities. Gaya ng one on one combat. Pati na rin sa pagsasanay ng mga agent, magkalaban ang team na binabantayan ko at ang team na kinabibilangan niya. Hindi ko talaga gusto ang taong ito, dahil unang beses pa lang ng pagkikita, sa halip na pakitaan ako ng respeto at paggalang, niyabangan pa ako at ininsulto.

FLASHBACK

Makalipas ang dalawang linggo, pinayagan na nila akong makisali sa mga activities ng mga bagong agents gaya ng physical combat. Nag-request si Mr. President at Ms. Dubois na makipag-spar ako sa bagong Top Agent, si Marco Dubois.

Her Own Ways: Harmony Blancजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें