| Chapter 2 | Dr. Park |

63 7 2
                                    

Harmony Blanc's POV

*tok*tok*tok*

"Harmony... Gising na... Pinapatawag ka sa HQ"-- mom

Minulat ko yung mga mata ko. Tapos tumingin ako sa wall clock. 5 palang ng umaga.

Dahan-dahan akong bumangon at binuksan yung pinto.

"Buti naman nagising ka agad. Magprepare ka na ah... 5:30 dapat nasa baba ka na."

"Opo, Mom"-- ako.

Naalala ko tuloy nung nasa HQ pa ako tumutuloy..

FLASHBACK

Psh. Boring.. Halos tatlong araw na akong nakahiga dito simula nang nagising ako. Hanggang ngayon di pa rin nila ipinapaliwanag ang lahat, kung bakit di ako nabuhay, kung ano yung naranasan kong pain, at kung bakit laging tatlong nagpapalitang nurse ang nagbabantay sa akin.

Mabuti na lang na bumalik ang alaala ko kahit papaano, ang malas lang dahil pati ang pagkamatay ko malinaw pa din sa isip ko.

Pero hanga din ako sa lugar na to. Masyadong advance, hindi naman masyadong nakakagulat dahil matatalino ang mga tao dito. Ang ikinagulat ko lang, never ko pang nakita ang parte ng hospital na ito dito sa HQ. Isa pa, gawa pa sa glass yung wall, dahil sa transparency ng glass... Makikita mo yung nasa labas ng kwarto. At ang lagi ko lang nakikitang nasa labas ay mga nurse at minsan may dumadaan na mga doktor.

Naalala ko na naman yung nakakabit sa braso ko. 24 years old?  So, isang taong na pala akong patay. Hahahahahaha! I somehow resemble some kind of creature, zombie.

Ang boring, I am sure di nila ako papayagang lumabas dito. Bakit kasi ayaw pa nila akong kausapin?

Arghh.. Nakakastress. Kung ayaw nilang sabihin sa akin ang totoo... Iisa lang ang paraang naiisip ko... Lumabas sa kwartong to ng sapilitan and have some fun.

Pero paano naman ako makakalabas dito kung maraming bantay?

Alam ko na...

May naisip na agad akong plano.

"Aaaaaahhhhh!!!!"- ako

Dapat magpanic sila.

Itinapat ko yung palad ko sa dibdib ko at nagkunwaring may sakit na nararamdaman.

Gaya ng nasa plano... Nag silapitan ang lahat sa akin... Hindi nila alam kung ano ang gagawin. Hindi siguro nila akalaing 'sasakit ulit' ang dibdib ko.

Dahil sa sobrang taranta, hindi nila napansin na may kinuha akong syringe na may malaking karayom.

Napangiti ako ng palihim.

"Oh my... Help me! It hurts so much I think I'm gonna die!"

Hahahahahahaha! Kahit ang lame na ng acting ko, naniniwala pa din!

Tapos tinigil ko muna yung pagsasakit sakitan ko..

Para namang nabunutan sila ng tinik sa dibdib nang 'kumalma' ako.

Lumabas na yung isang nurse siguro para tumawag ng doktor o ano. Bale dalawang nurse nalang ang natira. Isang babae at isang lalaki. Lumapit sa akin yung babaeng nurse at tinanong ako kung ayos lang ako. Tinignan ko lang sya. Tapos kumapit ako sa braso nya para maupo ako. Inalalayan naman nya ako. Tsk. Buti na lang ginawa niya yun...

Her Own Ways: Harmony BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon