| Chapter 5 | Preparation |

47 6 3
                                    

Harmony's POV

Nandito ako ngayon sa isa sa mga conference room sa Head Quarters para asikasuhin ang misyong naibigay sa amin kahapon. Kasama ko ngayon ang mga makakatulong sa misyon.

"Bos, pwede bang pakigawa'n mo kami ng mga fake accounts sa social media. Para kung sakaling mag-check sila ng background, may mahahanap sila." Sabi ko sa isa sa mga tutulong sa amin ni Dubois para mapagtagumpayan ang misyon na ito, si Bos.

Isa siya sa matatalinong miyembro ng organisasyon na gumagawa ng mga trabahong may kinalaman sa teknolohiya at mga impormasyon. Si Mr. Cromwell ang mismong pumili sa kanya para makasama sa team. Nakilala ko siya noon dahil isa siya sa mga nagtrabaho sa project na muling pagbuhay sa akin.

"Sabihan mo lang ako kung ilang pictures ko ang kailangan. Ha?" Pagbibilin ko sa kanya.

Bos lang ang pangalan niya. Matagal nang nagtatrabaho ang babaeng yun sa Japan Head Quarters. Inampon siya ng President ng Japanese Department noong bata pa siya dahil isa siyang ulilang lubos. Ang Japanese Department ang nangunguna pagdating sa teknolohiya, kaya di nakapagtatakang magaling din siya sa nasabing larangan.

"Uhm, yes po." Sabi niya habang panandaliang inalis ang tingin sa harap ng computer.

Kitang kita sa pangangatawan niyang mahina siya. Payat at maputla. Mayroong makapal na salamin at tahimik. Pero isa siya sa mga magagaling pagdating sa teknolohiya. Ang mga bagay na tingin mong imposibleng mahanap, nahahanap niya. Marami na rin siyang naiambag pagdating sa pag-iimbento ng mga gadgets. At twenty years old pa lang siya.

Naglakad na ako paalis at pinuntahan si Dubois sa kinauupuan niya. Abala siya ngayon sa pag-aaral ng mga profile ng mga target.

"Ah, Bos, gusto kong alamin mo kung may koneksyon sila sa mga pulis." Pakiusap ni Dubois kay Bos.

Hindi na nakakagulat kung malaman naming meron nga. Dahil hindi sapat ang dahilang nahihiyang magsumbong ang mga biktima nila sa mga pulis kaya di pa sila nahuhuli ngayon.

"Ah, Miss Harmony, ito na po yung mga pinapahanap niyong files tungkol sa mga nabiktima nila." Inabot sa akin ni Anderson ang mga folder na hawak niya.

Kinuha ko yon at pinasalamatan siya, saka ako umupo sa sofa. Kumuha lang ako ng isang folder at inilapag ko na ang iba sa tabi ko.

30 minutes later...

Tapos ko nang basahin ang mga files nang sakto namang natapos na din ni Bos ang paggawa ng mga fake accounts. Nakagawa na din siya ng isang pekeng kompanya.

"Kailangan ko nalang ng pictures ninyo ni sir Marco." Sabi ni Bos sa akin.

Tumingin ako kay Dubois at tinanguan niya lang ako.

"Anderson," tawag ko kay Anderson na kasalukuyang tsinitsek ang mga fake accounts. Kinuha ko ang gunting na nasa desk at iniabot sa kanya iyon. "Pakigupit nga ang buhok ko."

Nagulat naman agad siya at hindi muna kinuha agad.

"Dapat sa salon ka na magpagupit." Sabi ng isang lalaki na nakasandal sa doorframe, si Dr. Park.

"Hi Dr. Park." Bati ni Anderson. "Bakit po kayo naparito?" Tanong niya.

"Nandito ako para kumustahin ang pasyente ko." Sagot niya habang tuluyan nang pumapasok.

"Pasyente? Sorry Doc, pero walang may sakit dito." Pasaring ko habang ibinabalik ang gunting sa pinagkuhaan ko. "At isa pa, busy kaming lahat dito." Sabi ko habang tinitignan siya sa mga mata niya.

"Okay," Sabi niya habang itinataas ang dalawang kamay na para bang susuko. "Sabi mo eh. Basta... alam kong pagkatapos ng misyon ninyo, magiging pasyente na kita." Sabi niya bago tuluyang umalis.

Ch. Ano'ng problema ng isang yun? Istorbo.

"Anderson, samahan mo kaming mamili ng damit sa taas." Utos ko habang itinutulak ang salaming tinatawag na pinto. "Dubois, umakyat na tayo." Tawag ko bago tuluyang lumabas.

After five days...

Tapos na ang preparations. At nandito ulit kami sa conference room para i-finalise ang mga dapat gawin mamayang gabi. Nandito sa kwarto sina Dubois, Anderson, Bos, at lima pang agents.

Ang plano ay, magpanggap na biktima ng mga target. At hulihin sila sa gitna ng pag-uusap. Alamin ang pinagtataguan ng mga kasabwat nila. Tapos papupuntahin ang ibang agents ng ibang team sa kuta nila para hulihin ang iba pa nilang kasabwat.

Mamayang gabi, ako si Kori Robinson na fiancée ni Dubois na magpapanggap bilang si Troy Lim. Four days ago nag-schedule kami ng meeting sa isang restaurant na hindi kalayuan sa HQ. At habang nag-uusap kami sa telepono ay inayos na namin ng lahat. Pumili na ako ng venue ng kasal, reception, gown, wedding ring, at iba pa. Ang tanging pag-uuspan nalang mamaya ay mga konting detalye. At babayaran na rin namin sila mamaya. Halos dalawang milyon di ang makukuha nila mamaya.

Sina Ms. Dela Cruz at Mr. Damaso, ang mga pinuno ng sindikato, ang makakausap namin mamaya. At gaya nga ng hinala namin, may koneksyon sila sa mga pulis. Well, kahit naman may koneksyon sila sa taas, hindi kami maapektuhan.

Isa sa limang agent ay ang magpapanggap na waiter namin. Isa naman ang nasa loob ng kitchen, isa ang magpapanggap na guard at ang isa pa ay customer.

Si Anderson at Bos, kasama ang natitirang agent, ay mag-aabang sa loob ng van na naka-park sa likod ng restaurant. Kung saan babantayan nila ang kilos ng kalaban sa pamamagitan ng surveillance cameras.

Pinili kong hindi magsama ng back up. Ayokong magkaroon ng malaking gulo. Gusto kong maging mas malinis pa sa malinis ang lahat.

At isa pa, kaya ko na 'to. Ah, kaya na namin.

Maglalagay kami ng surveillance cameras sa paligid ng restaurant. Samantalang meron ding maliliit na cameras na nakakabit sa amin ni Dubois, isa sa kaliwang hikaw na susuotin ko mamaya, at isa sa frame ng susuoting salamin ni Dubois.

Sa mga nagdaang araw, pinagsikapan naming dalawa ni Dubois na mag-ensayo at pagbutihin ang pag-arte bilang magkasintahan. Kahit kailangang isantabi nang panandalian ang mga pagkamuhi sa isa't isa, hindi pa rin namin naiwasang magtalo lalo na sa pagdikit sa isa't isa.

"Okay, team, handa na tayo." Paghaanunsyo ko. "Lahat ng undercover, pati kayo Bos at Anderson, pumunta na kayo sa restaurant within an hour. Mag-aayos lang kami ni Dubois." Sabi ko at saka tumayo at iniligpit ang mga papel na nasa mesa. Tinulungan naman ako ni Anderson at Bos magligpit ng iba pang kalat.

...

Dalawang oras na lang bago kami magpunta sa restaurant. Kasalukuyan kaming inaayusan ng mga artists dito sa BO. Nagkakabit sila sa akin ng manipis na prosthetics sa chin at ilong ko, para mag-iba ng bahagya ang itsura ko. Ang buhok kong ginupitan na hanggang baba na lang ngayon ay kinabitan ng wig.

Maya maya ay narinig kong tumunog ang aking telepono, na siyang ibinigay ng BO. Marami itong special features at hindi ko na yun iisa-isahin pa.

Sinagot ko yun at pinatigil panandalian ang mga artists sa ginagawa nila.

"Ms. Harmony, nandito na po kami ni Anderson at agent 760." Sabi ni Bos sa kabilang linya.

"Sige, basta 'wag na 'wag kayong magpapahalata. Sunod lang sa plano, kung ayaw ninyong malagot sa 'kin." Paalala at pagbabanta ko, at saka ibinaba ang telepono.

Nagpatuloy lang ang pag-aayos sa akin.

Kinakabahan ako ng bahagya para mamaya. Ito ay dahil ito ang kauna-unahan kong misyon sa pagbabalik ko. Ngunit nasasabik din dahil maaaring ako muli ang maging Top Agent.

Her Own Ways: Harmony BlancWhere stories live. Discover now