Kabanata I

589 38 3
                                    

Sinakop nang antok ang buong sistema ni Andrew. Hindi niya inaasahan na sa kaniyang paghimbing ay magbabago ang lahat. Magbabago ang kaniyang buhay nv dahil sa isang kakaibang panaginip.

Nang mapailalim na ito sa mahimbing na pagtulog ay napunta ito sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi nito mawari kung bakit sa mga lumipas na araw ang senaryo na kung saan ay napapadpad siya sa isang playground ang laman ng kaniyang mga panaginip. Hindi nito naiintindihan ang mga nangyayari sa kaniyang panaginip, kung bakit nga ba lagi sumasagi ang playground sa kaniyang panaginip. Alam niya sa kaniyang sarili na kahit kailan ay hindi niya pa ito napupuntahan.

Isang maliit na playground at medyo may kalumaan na ito, may mga iilang bleachers lamang dito at may dalawang duyan ang nakalagay sa gitna ng playground na ito. Para sa binaya ay wala naman special o kakaiba sa playground na nasa kaniyang panaginip.

Ngayon ay nasa isa nanaman siyang panaginip at dinala siya nito muli sa paulit-ulit na playground. Inilibot ng binata ang kaniyang paningin ngunit wala man lang itong nakitang ibang tao sa kaniyang paligid.

Inaasahan niya na may isang bata man lang siya na makikita na naglalaro dahil isa itong playground. Wala naman siyang napansin na kakaiba dito o masasabing kababalaghan nakapalibot sa playground. Para sa binata isa lang itong simpleng playground na nagpapasaya sa mga bata.

Nagtataka nga ang binata na sa lahat ng naging panaginip niya ito lang ang mas makatotohanan para sa kaniya. Nagawa niya pa nga na kurutin ang sarili at nakaramdam naman ito ng sakit. Tumakbo takbo pa ito sa buong playground at nakaramdam din siya ng pagod. Ang mga nangyayari sa kaniya ay parang makatotohanan.

Napakunot na lang ang noo niya ng makaramdam na siya ng pagod at napagpasiyahan niya muna ang umupo sa isa sa mga bleachers na medyo may kalayuan sa pwesto ng duyan, ngunit matatanaw pa rin sa pwestong ito ang kinalalagyan ng duyan.

Prenteng nakaupo lang siya hindi alam kung paano siya magigising at makakaalis sa panaginip. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat ng bigla na lamang pagdating ng isang dalaga. Sa una, takot ang naramdaman ng binata inaakala na multo ang dalaga. Napalitan naman ng labis na galak ang nararamdaman binata dahil sa biglaang pagdating ng dilag.

Napag-isipan niya na hindi lamang pala siya nag-iisa sa kaniyang panaginip. Umupo ito sa isa sa mga duyan kung kaya't hindi niya malinaw na makita ang buong mukha ng dilag. Hindi niya makita ang buong mukha nito dahil nakatagilid ito sa pwesto ng kinalalagakan ng inuupuan niyang bleachers.

Habang tinititigan niya ang pwesto nito ay labis ang galak na kaniyang nararamdaman. Inaabangan kung ano ang mga susunod na mangyayari. Parang bata naman ang binata na natutuwa dahil magkakaroon na siya ng bagong kalaro.

Dahil ang dalaga lang ang namataan niya sa lugar ay hindi niya naiwasang titigan ito ng mabuti. Umaasa siya na baka mapatingin ito sa kaniyang gawi at tuluyan niya itong makilala. Mababakas sa kilos ng dalaga ang pagiging malungkot.

Gustuhin mang lumapit ng binata ay hindi niya magawa. Nanikip na lang ang kaniyang dibdib ng maisip ang kalungkutan na kaniyang nakikita sa mga kilos ng dalaga. Animo'y nadadala siya sa kaniyang nakikita. Nais niya itong ikulong sa kaniyang mga bisig upang mapawi ang kalungkutan dinadala nito. Nais niya sana itong lapitan at kausapin kung posible nga bang mangyari.

Kitang-kita niya ang dahan-dahang pagpunas nito sa mga luhang malayang umaagos. Kahit malayo ay halata rito ang pagluha.

Lalapitan niya na sana ang dalaga, ngunit may isang bata ang kumalabit sa kaniyang likuran. Nilingon niya ang batang lalaki  na may subong lollipop sa bibig. Napansin niya ang suot ng bata na kwintas na ang palawit ay isang singsing. Naisip niya na nasaan ang magulang ng bata at naalala niya naman na isa lang itong panaginip.

DREAMS (COMPLETED)Where stories live. Discover now