Just the two of us❤️❤️

Začít od začátku
                                    

"Hello, Khim?"


"Keen? Sorry kung napatawag ako nasaan ka?" Tanong ni Khim. Nagkukunwari na naman.



"Kasama ko na ngayon si Zirco nasa restaurant na kami. At nandito rin pala si Mr. Mark, siguro ilang table lang ang pagitan namin" sambit ko



"H-ha?! Okay... Okay... Please give to Zirco the phone" request niya at binigay ko kay Zirco yung phone na hawak ko



"Babe! Nasan ka na?!" Nag-aalalang tanong ni Zirco kay Khim. Masasabi kong mahal talaga ni Zirco si Khim, sa tawagan pa nga lang ehh. Pero napansin ko na biglang lumunkot at itsura nitong si Zirco

"Okay. I understand bye" mukhang naiinis siya ahh. "She can't come. Why? Because of the paparazzi all over their house. What a reason!" Sigaw ni Zirco. Nag-aalala ako, ang bruhang yon..



"You know it's okay. Madalas sa mga magshota ganon ang problema. Just understand her" sabi ko sa kanya at nginitian. "Isa pa, nandito naman ako ehh... Ayaw mo ba akong kasama?" Tanong ko sa kanya. Pa-cute!



He just gave me a genuine smile. "Sige na nga. But I don't want to eat here. Gusto kong matikaman ang mga street foods" saad ni Zirco. Nanlaki naman an mata ko



"Really?! Seryoso ka? Yes!! Matagal ko ng pinapangarap yun ehh" sigaw ko sa kanya at dali-daling kinuha ang purse ko para makaalis na kami ni Zirco.

-

"Gusto ko ng fishball!" Sigaw ko kay Zirco at hinila siya sa may nagtitinda. "Tig-ilan po?" Tanong ko sa nagtitinda



"Piso dalawa" sagot naman nito. Tiningnan ko si Zirco na nanlaki ang mga mata at ganon din siya. Kumuha na ako ng stick at kumuha ng isa sa mga linuluto pa.



"Miss, miss. Hindi pa po luto yan" sambit ng nagtitinda. Nalungkot naman ako, paano ba malalaman kung luto na o hindi?


Napatingin ako kay Zirco at nakangiti lang siya ng kuha ng kuha ng fishball. "Teka... Kumain ka na ba ng ganito?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako at napatawa siya



"Hindi naman. Sadyang matalino lang talaga ako" pagmamayabang niya. Wala naman akong masabi at tinignan lang siya ng nanliliit ang mata. Pinanguha ako ng manong na nagtitinda at binigyan ko ito ng sauce. Umalis na kami doon ni Zirco pero kumakain pa rin kami



"Grabe ang sarap..." Sambit ko sabay subo.


"Keen. Doon naman tayo o sa may barbecue" wika ni Zirco sabay turo, tiningnan ko naman kung saan yung tinuturo niya, at mukhang masarap yung mga linuluto nila doon. Tinapon ko na yung pinaglagyanan ko ng fishball at dumaretso kami doon sa nagb-barbecue. Pagdating namin doon agad pumili ni Zirco ng kakainin. Ako kinuha ko yung parang pacurl-curl na linagay nila sa stick.



Kakainin ko na sana ng pigilan ako ng nagtitinda. "Ineng, hindi pa luto yan. Nasaan na lulutuin ko" saad ng nagtitinda. Binigay ko sa kanya yung kakainin ko sana, at yung mga tao na bumibili naman tawa ng tawa.



"First time niyo dito no?" Tanon nagtitinda sa amin ni Zirco, tumango ako ng may ngiti bilang sagot. "Ang cute niyo namang magjowa"teka ano?! Hindi kami magjowa nito no!


At sumabat si Zirco. "Fiancé ko na po siya actually, hehhe" wait what?!


"Ganon ba?! Ahahaha pasensiya na ahh... Pero bagay na bagay kayong dalawa" sambit ng nagtitinda. Napasmile naman ako. I don't know why, pero hindi na pagpapaka-plastic, masaya ako dahil bagay kami ni Zirco.


"Teka matanong nga ho, ano po bang tawag sa kakainin namin?" Tanong ni Zirco sa matandang nagigtitinda


"Ihaw, ihaw ang tawag diyan" sagot naman nito. Binigay na sa amin yung pagkain ng maluto at linagyan namin ito ng sauce.

Kinain namin yung ihaw nga at grabe, ang sarap. Parang gusto ko pa ng isa. Ng maubos namin ito ramdam mo namin ni Zirco ang uhaw.


"Bili muna tayo ng inumin. Tara bili tayo nun o!" Saad ni Zirco sabay turo sa may nagtitinda ng inumin na may kulay? Lumapit kami doon at bumili.


"Anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Zirco, tinuro ko yung chocolate. "Pabili nga ho ng dalawang ganito" sabi ni Zirco sa nagtitinda sabay turo dun sa inumin na tinuro ko kanina. Ilang minuto lang at binigay na nila ito sa amin ng naka-plastic na may straw. Ininom ko ito at namangha ako sa lasa...



"Sarap no?" Tanong ko kay Zirco ng may ngiti. Tumango siya na parang bata at napatawa naman ako. Ilang oras ay nagsimula ng umulan kaya naisipan na naming umalis na at umuwi na sa 'aming' bahay

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat