CHAPTER 3: ADVISED

Start from the beginning
                                    

"I'm no mind reader but I know exactly what you're thinking. Yes, nasa prep class pa rin ako. I don't excel in anything," nakangiting wika niya.

Hindi ako nagkomento pa at hinigpitan na lamang ang hawak sa buhol ng towel ko. Bumukas ang pinto at muli akong napasigaw nang pumasok ang isang lalaki. Out of my reflexes, agad kong niyakap si Suri upang takpan ang kahubaran niya. Pusangina, the guy was naked, too!

"Hindi mo ba nakikitang may tao?!" galit na singhal ko sa lalaki. Pinigilan kong bumaba ang mga mata ko bago pa ako magkasala.

"So?" tanong niya. Infairness, may hitsura siya. Matangkad siya at matipuno ang pangangatawan.

Bumitiw si Suri sa pagkakayakap ko at natatawang pinisil ang pisngi. "You're so cute."

Peste, bakit ba bumitiw siya?! Nakikita ng lalaki ang katawan niya!

"Suri!"

Tumawa silang dalawa ng lalaki. "Bago ka lang talaga rito. For your information, this bathroom is for common use, plus . . ." Lumapit siya sa lalaki at hinalikan ito sa labi. Gross. "Jeffrey is my boyfriend."

Oh, ganoon ba? Niyakap ko na lamang ang sarili ko. Compared to Suri's perfect curves, nagmumukha akong turon ngayong nakabalot ako sa tuwalya. Sandali, kailan pa ako natutong ipahiya ang sarili kong katawan? No to body shaming!

"Jeff, she's Sunny from the 3rd Ward," wika ni Suri sa kasintahan. "Sunny, si Jeffrey from 5th Ward and room number four."

Napangiti sila sa isa't isa. I just realized that it was a rare combination as a couple. First and 2nd Warders do not date anyone from the third to the last ward. But looking at these two . . . mukhang in love na in love silang dalawa.

"Again, I'm no mind reader pero alam ko kung ano ngayon ang iniisip mo. We know, it's socially unacceptable kaya rito lamang sa dorm kami nagkakaroon ng panahon ni Jeff sa isa't isa," paliwanag ni Suri.

Napabuga ako ng hangin. Tama siya. Taboo para sa isang mula sa una o pangalawang ward ang pakikipagrelasyon sa kung kaninong nagmula sa natitirang ward. It's socially unacceptable and the society will condemn.

"Hindi rin ako ayon sa batas na iyon. Bakit kailangang diktahan tayo kung kanino natin gustong sumaya?" wika ko sa kanila.

Ngumiti si Suri sa akin at muling pinisil ang pisngi ko. Peste, gawin ba naman akong bata?

"I like you," wika niya. "At dahil diyan, you can have the bathroom all alone tonight. Magbabantay kami ni Jeff sa labas upang masiguradong walang ibang papasok. I know you've been busy cleaning all day."

Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan at iginiya iyon palabas ng banyo. Walang lock ang pinto kaya pala magbabantay sila sa labas. Naniwala ako sa sinabi ni Suri na akin ang banyo ngayon. I took away all my inhibitions and removed my towel. Nakahubad na nilakad ko ang bathtub at ibinabad ang katawan ko sa mainit na tubig. I closed my eyes and feel the moment.

Halos isang oras din akong nagbabad bago bumalik sa silid ko upang magbihis. Tinutuyo ko ang mahabang buhok ko nang may kumatok sa pinto.

"Sunny, dinner time!" narinig kong tawag ni Suri sa akin.

Ibinaba ko ang suklay at tumayo sa kinauupuan.

Lumabas ako ng silid at tinahak ang daan patungo sa kusina. Pagdating ko roon ay nakatingin ang lahat ng nakapalibot sa mesa sa akin. The crowd made me uncomfortable—if six is a crowd, or make it seven dahil maging ang matandang houseparent ay nakatingin rin sa akin.

Nakatingin silang lahat sa akin at tila walang balak na magbawi ng tingin kaya't inisa-isa ko rin silang tingnan. Ang nasa dulo ng mesa malapit sa akin ay isang babaeng nakasuot ng salamin. Sunod kong tiningnan ay ang katabi niyang babae rin, may bangs ito na halos tumakip na sa mata niya. Bahagya tuloy akong nagtaka kung nakikita ba niya ako sa lagay na iyon. Katabi nila sina Jeffrey at Suri.

RUN FOR YOUR LIFEWhere stories live. Discover now