TWO

298 19 0
                                    

Starting line

Monday, dumaan ang dalawang araw na wala ako masyadong ginagawa madalas nasa kwarto lang nanunuod soccer game, minsan pumupunta si Helian at Harill para mag-ingay at maglaro ng online games sa gilid ko, I'm not complaining.

Tanging pader at mga gamit lang naman ang kasama ko kapag wala sila, masyadong tahimik.

“Anong gusto niyong kainin? Ako na bibili hanap nalang kayo bakanteng pwesto.” Si Harill, nakatayo kami malapit sa entrance ng cafeteria nag-iisip anong kakainin.

“Spaghetti saakin at dalawalang hamburger, ikaw na bahala sa drinks.” Nakangiting sabi ni Helian.

“Sasama na ako sa'yo,” Sagot ko, hindi niya kayang dalhin lahat 'yun.

“Ner, ako na sasama ikaw nalang maghanap pwesto natin.” Tumango nalang ako at nilibot ang tingin sa cafeteria, may ilan na nakatingin sa pwesto namin dahil masyadong nakaka-agaw pansin ang dalawa kong kasama.

May napansin naman akong kamay na kumakaway sa pwesto ko, hindi ko na muna siya pinansin at nilibot pa sandali ang tingin, wala ng bakante.

Ibinalik ko ulit ang tingin sa kaniya dahil wala ng ibang upuan, napansin ko naman kaagad ang kasama nito sa mesa habang papalapit ako, si Yisen at Fin na nakatingin na rin saakin ngayon. Hindi ko na gustuhan 'yung tingin saakin ni Fin, most of the time ganiyan naman siya makatingin pero iba ngayon, she's saying something, like she wants me to get lost and buried myself to hell. Hindi ko na muna papatulan ang mga pasaring niya.

Wala akong matandaan na may ginawa akong masama, ako mismo ang lalapit kapag natandaan ko.

“Kasama ko si Helian at Harill.” Tuluyan na akong nakalapit sa kanila.

“I know, may pwesto pa naman,” Aniya sabay turo sa dalawang bakanteng upuan, nasa tabi ni Gen si Yisen, habang nasa harap naman nila si Fin, hindi ko alam kung saan ako uupo ang sama ng tingin saakin no'ng isa, nasa magkabilang gilid niya kase 'yung dalawang bakanteng upuan.

Sinabit ko sa upuan ang strap ng bag bago umupo sa tabi ni Fin, matitiis ko pang tumabi sa kaniya.

“Hey Fin, may problema ka ba sa kapatid ko? Napapansin ko na ang sama mo makatingin sa kaniya, may atraso ba sa'yo?” Hindi ako nagulat sa narinig inaasahan ko rin na mapapansin talaga nila, sinuri ko ang reaksyon ni Fin na seryosong nakatingin ngayon kay Gen.

“Well, hindi saakin but-”

“Hello, mga marites!” Pag-putol ni Helian sa sasabihin sana ni Fin, ang sama tuloy nang tingin sa kaniya, umupo siya sa tabi ni Yisen.

“Ner, wala ng mango juice kaya strawberry nalang binili ko.” Tumango ako at kinuha ang burger na binili niya saakin.

“Thank you.”

“Babe, 'yung juice at nachos ko.” Turo ni Helian sa tray ni Harill, inabot naman no'ng isa ang nachos. Babe or love, 'yan tawagan nang dalawa pero walang namamagitan sa kanila. I think ako lang ang tao sa circle na 'to who prefers to call them by their first name. I mean, tinawag ko din sila sa second name.

Nahihirapan akong hindi makinig sa pinag-uusapan nila lalo na ni Helian at Fin. Kanina pa sila nagbabatuhan ng salita kung minsan dinadamay si Harill sa pang-aapi kay Fin. Obviously, Harill is not the kind of person to go along with Helian's nonsense, lalo na sa iba.

VIGRASC (ONGOING)Where stories live. Discover now