Prologue

19.6K 237 5
                                    


"This is so boring." Pagkausap ko sa aking sarili. Nakaupo ako ngayon dito sa sofa at nanonood ng T.V.

Papatayin ko na sana ang T.V. at maghahanap ng ibang gagawin nang may tumawag sa'kin.

"What?" I answered the call without even looking at the caller's ID.

"Is this how you talk to your father?"

I look at the caller's ID at si Dad ang tumawag.

"What do you need?" I asked, not minding his question. Alam ko namang pagsasabihan n'ya lang ako.

He sighed and decided to just let it slide, "I just called to inform you that you're transferring to another school."

"And why is that?" Nakataas kilay kong tanong kahit hindi n'ya naman ako nakikita.

Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawang kalokohan sa school para ilipat n'ya 'ko....

Well, honestly meron dahil nasuntok ko nga pala 'yung maarte kong kaklase dahil kinukulit ako nito, gusto n'ya raw ng number ko. But I'm sure he can take care of it immediately and quietly so why bother? It's not a big deal.

"I will give you two a mission." Oh, is he pertaining to me and Nie? She's a friend and a member of Dad's clan.

"Really?" Well, I'm not really interested.

"Darling , I know that you're excited." Dad said while smirking, I know he is.

Here we go again, pinapangunahan na naman n'ya ang nararamdaman ko.

"Not really." I said sounding so uninterested.

He cleared his throat when he noticed my lack of interest. Mabuti na lang at napansin n'ya pa.

"We're leaving later. I'm on my way to your mansion. Tell the maids to pack your things dahil boarding school 'yung papasukan mo. You'll live in a dorm for the whole year." Dad said, not even asking what I think about all these.

"Thanks for considering my opinion." Sarkastiko kong sambit.

"Don't talk to me like that, I'm your father." Kalmado pero mariin at may pagbabanta n'yang sambit. Ugh, the father card, again.

I clenched my jaw. I can't really go against him, kahit ganito ako sumagot-sagot sa kan'ya ay may takot pa rin ako. He's not leading our clan for nothing, but hell, does he really think I care if he's my father? Do I look like I care? Really?

"Why, is there any problem?" Hindi ako makapaniwala sa aking narinig, ngayon pa talaga s'ya nagtanong. Amazing.

"None, father." I can't really say no to his every request since I'm his one and only heiress. I need to bear the pressure and carry on with each and every mission and request he wants me to do.

"Good." He said then hunged up.

Ilang minuto ko munang tinitigan 'yung screen ng phone ko bago ko iyon ibinaba, pero agad ko din namang itinaas ulit iyun dahil tumunog ito, nagiindikang may natanggap akong mensahe.

"I'll transfer you to Empire University." Nakasaad sa screen ng phone ko.

Meh, the University sounds so average.

Binaba ko nalang ulit ito at saka inilagay sa aking bulsa. Pinatay ko na 'yung T.V. na hindi ko napatay kanina dahil sa tawag. Dumiretsyo ako sa gym na nasa loob ng bahay na aking tunutuluyan ngayon para magpapawis, pampabawas na din ng stress. Binuksan ko 'yung treadmill at nagsimulang tumakbo.

"Fuck, do I really have to attend that University?" Inis kong sambit sa aking sarili at saka nagbuntong-hininga.

Guess I really can't do anything about it, since it's dad's command.

Ilang minuto muna ako tumakbo bago 'ko pinatay 'yung treadmill dahil mas lalo lang ata akong naistress. I decided to take a shower first before I pack my things. I can't really make a maid do it since I don't have one, it seems like my father isn't even aware of it.

Not surprised tho', he doesn't really care about me. He doesn't even know that I don't trust people that easily, that's why I don't have a maid. Hindi ko kaya at hindi ko pwedeng ipagkatiwala ang mga gamit ko sa kung sino-sino lang.

After I got off my shower, I started packing my things and I happen to bump into my sharp and precious knives, I'm thinking of bringing these with me.

Oh, how much I've missed using you guys. Sa kaninong gago ko kaya ulit kayo magagamit?

Napapangisi at napapailing na lang ako sa mga sumasagi sa aking utak . Nababaliw na ata ako pero atleast maganda pa rin, hindi ba?

After a while ay natapos na rin ako. Humiga na ako sa kama at nagdesisyong magpahinga muna.

"Whoo, napagod ako duon ah." Sambit ko habang hinihilot ang aking mga buto buto.

Maya maya ay nakaidlip na rin ako.


Napabalikwas ako ng bangon dahil nagulat ako sa sunod sunod na tunog ng doorbell, kanina pa ata ito tumutunog pero dahil tulog ako ay hindi ko iyun narinig.

Mukhang nand'yan na si Dad kaya tumayo na 'ko para pagbuksan s'ya ng pintuan.

"Let's go." Unang unang sambit ni Dad pagkabukas ko ng pinto, "Faster, I hate wasting time." Dugtong pa n'ya nang mapansin n'yang 'di pa rin ako gumagalaw, saka naunang pumunta sa sasakyan n'ya, napairap na lamang ako dahil duon.

Bumalik na 'ko sa kwarto ko kung nasaan 'yung mga bag at maleta ko. Nagsimula na 'kong hakutin mag-isa 'yung mga gamit ko para ilagay sa sasakyan n'ya.

Ambigat bigat ng mga gamit ko tapos hahayaan n'ya lang akong mag-isang magdala lahat, nakakainis naman.

Well, I can handle but still!

"Can you do it faster, Xia?" Mukhang naiinip na si Dad kaya mas binilisan ko na.

Nakasimangot ako habang patuloy na binibitbit 'yung mga gamit ko at saka pabagsak iyong inilagay sa kotse.

"Do you have any problem?" Mariin na sambit ni Dad.

Oops, mukhang nagagalit na s'ya kaya hindi ko na sasabihing meron.

"Wala, Dad. Tara na." Sabi ko para hindi na s'ya magalit kahit may mga gamit pa 'kong 'di nakukuha, medyo nagtatagal na rin kasi ako sa paghahakot ng gamit. Sumakay na 'ko sa kotse at naglagay ng seatbelt.

"Wala ka bang naiwan?" Tanong n'ya.

"Wala naman." Pagsisinungaling ko at saka tinignan 'yung mga gamit ko.

'Shit, bakit ba kasi ako nagsinungaling, pa'no kung may kulang pala?' Pagsisisi ko agad.

"Then let's get going." Ani n'ya at pinaandar na ang sasakyan.

Sumandal na lang ako sa bintana at nagmuni-muni.

I know for sure that this is gonna be a one heck of a year.




------------------------

Edited

THE HEIRESS (GXG)Where stories live. Discover now