Eight: Jealous Guy

Start from the beginning
                                    

Kasi alam niyang di ako nagjo-joke.

"Kuya, sorry na. Promise di na mauulit..."

"Pag inulit mo pa hay naku talaga! Oh siya iwn na kita jan akyat na ako sa kwarto ko at mag aayos na ako. Teka bakit nandito ka pa. Wala ka ba pasok..."

"Naku kuya sa dami ng santo sa School ko. Wala na naman kami pasok ewan ko ba sa school ko, kajit naman icelebrate ng icelebrate yung araw ng santo na yun di na naman babangon yun"

"Hahaha! O siya sige 'bal akyat na ako"

"Kuya wait lang. Pwede ba sumama sa school mo? Diba sabi mo pwede naman pumunta ang outsider dun kung sa library ang punta. Wala kasi ako makitang book na need ko. Sabi ng school ko sure daw silang meron sa inyo. Mas mabilis ko daw mahihiram yun kung may kakilala akong nag aaral sa school nyo!"

"Ahhhh ok sige, sabay ka na sa akin pag alis ko, pati kilala ka na naman ni kuyang guard kasi nakukuha mo yung kotse pag ikaw pinag dadala ko pauwi"

1230pm na kami umalis ni Astrid, nang makarating sa school ay dumiretso kami sa parking.

Pagbaba ko ay ang daming mata ang nakatingin sa akin. Pero ang totoo di sa akin kundi sa kasama kong babaeng bumaba. Naka white dress kasi ang kakambal ko, sa suot niya para siyang artista. Maputi at matangkad din kasi ito.

Hindi ko na iyon pinansin at dumiretso na kami sa library. Para makahiram ng libro sa pangalan ko at makapag paxerox na din siya at ng matapos ay umuluwi na ito na dala ang kotse.

Kaya naman ng dumating ako sa waiting area mga 1:40pm kung saan nandoon ang bus na gagamitin for our service sa aming hospital duty. Ang daming mata ang nakatingin sa akin.

Pag upo ko ay lumapit sa akin si Art isa sa batchmate ko.

"Tol, ang ganda naman ng gf mo. San mo nakilala. Mostly ng classmate natin inggit na inggit sayo."

Tiningnan ko lang ito, gusto ko sanang siyang sagutin pero tinatamad na ako lalo na sa taong ito. Kilalang kilala sa pagiging f*ckboy, kaya naman wala akong oras para i entertain ang lokong to.

Nang mapansin niyang di ko siya sasagutin ay umalis na lang ito dahil alam niyang wala siyang mapapala. At kilala niya din ako. Baka makatikim lang siya sa ugali ko.

Nakaalis at nakadating kami sa hospital ng maayos. Naging smooth ang 1st day namin. Pero kanina ko pa napapansin na parang may nakatingin sa akin kaya naman nagulat ako sa isang lalaking nakatitig sa akin.

Nakatayo siya sa tabi ng head ng surgery sa OR, matangkad ito at napakaamo ng mukha at di ako nagkakamali kung sino ito.

Nakatitig lang ito sa akin kaya naman ngumiti lang ako at wala pa din siyang reaction. Sa suot niyang scrub suit na fitted at sa height niya at talaga naman bagay na bagay siya sa pagiging doctor. Oo, kasama ko pala sa OR si Alfred.

Nakakaasar lang kasi di siya nalapit man lang sa akin kaya naman ako na ang gumawa ng way para lapitan eto.

Paglapit ko dito ay nagulat eto at at pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis tamis.

Nakakagulat lang kasi ngayon niya lang ginawa yun.

Kaya naman kinamusta ko na lng siya at lumayo na ako ng Oo at ok lang ang sagot niya. Nakaka pag alala kinikilos ng unggoy na ito.

Maya maya ay lumapit sa akin mga classmates ko na kanina pa pala nakatingin sa amin.

"Anton, ikaw ha. Lahat na lang ata ng gwapo at matatalino kilala mo. Higit sa lahat kilala mo pala si Dok Tan ng Medicine Department..."

"Ahhhh oo, bestfriend ko si Al"

"Really, great so great... Teka,so pwede mo ba kami matulungan makilala o makuha manlang number ni Dok Tan. Haysss kung alam mo lang pantasya naming mga classmate mo bestfriend mo."

"Wait, ask ko muna sa kaniya ha. Mahirap na. Alam nyo naman na suplado at seryoso yung taong yun. Kahit ako na kaibigan nun nasusupladuhan ng mokong na yun"

"Really... Ang cute... Ikaw nga crush ka din namin pero may gf ka na pala uli kaya back off na uli sayo..."

"Huh!" Nagulat ako sa sinabi nila.

"Anong cute dun... Sige na.. Focus na muna tayo sa duty..."

Ang toxic ng nahawakan kong case.
Alam mo yun, sabi nila mabilis na daw yung 8 hours na nakatayo at walang tigil na pagakalikotbsa gastric area at prostate nung pasyente.

May prostate cancer and gastric cancer kasi yung patient so tinanggal yung mga yun kaya tumagal yung case na hawak ko. Pero sabi ng CI ko sa normal doctor aabot ng 12-16hours yung surgery pero dahil si Dok ang head surgeon (President League of Surgeons) ang gunaw ng surgery ang bilis niya.

Pero exhaust na exhaust ako dun kaya nga ng matapos ang surgery ay antok na antok ako at di na ako kumain. Hinintay ko na lang mga classmate ko sa bus.

Pagkaupo ko ay naramdaman kong may sumakay din at tumabi sa upuan ko.

Hinayaan ko na kasi antok na talaga ako.
Maya maya ay naramdaman kong umaandar na yung bus at may katabi pa rin ako.

Nang mejo naka ipon na ng lakas ay minulat ko ang mata ko.

Nagulat ako sa katabi ko na ramdam kong kanina pa nakatingin sa akin. Haysss kung babae lang ako at ganun tumingin sa akin ang ganito ka gwapong nilalang siguro nasagot ko na itk ngayon pa lang. Pero ayon s mata niya ay may iniisip itong malalim.

"Uy, ikaw pala yan!"

"Oo, saral ng tulog mo s balikat ko kaya di na ako nakaliat ng pwesto"

"Ah sorry.. Pagod na pagod lang ako... Oh by the way kamusta."

"Ok lang!

Ewan ko after niyang sumagot parang kusang di na ako nagsalita pa uli.

After almost 20 mins ay bumaba na ako sa kanto ng street namin. Pagbaba ko ay bumaba din pala si Al.

"Oh, bakit di ka pa umuwi?"

"Pinaalis mo na agad ako.."

"Huh... Naku hindi. Hindi naman"

Di na sana uli ako magsasalita ng bigla siyang bumulong... Di ko narinig kaya naman nagtanung na ako..

"Tol, may sinasabi ka?"

"Siguro feeling mo nagloloko ako sa sinabi ko sayo nung isang araw ano. At ngayon malalaman ko na may gf ka na pala"

"Teka about san... Gf???? Huh... Pati ba naman ikaw. San nyo napupulot yan?"

"Ahhhh wala. Sige una na ako... Ganyan pala usapan natin walang sikreto. Haysss"

"Hahaha ano bang pinagsasabi mo ang oa mo tol. Tol oo, walang secret dapat, yan yung usapan natin... Teka... So iniisip mo nga na may gf na talaga ako ano? Wait, Nagseselos ka no?"

Biglang nagdilim ang mukha ni Alfred nang sabihin ko iyon. Gusto kong tumawa sa inaasal niya. Etong kilalang kilalang lalaki na ito may ganitong side na pagka immature for sure lahat ng chicks lalong maiinlove dito. Di mo lang talaga makikita ito lagi lalo na sa strong personality nito pero di ko na natuloy sabihin at pagtawa ko ng bigla na lang itong naglakad palayo.

"Tol, uuwi ka na. Hatid man lang kita gabi na oh!

"Wag na mag taxi na lang ako.. Sige bye na!"

Gulat na gulat ako sa nangyari. Pero natatawa pa din ako. Pati ba naman kapatid ko. Bakit kasi di mun magtanung. Bukas pag nagkita kami sa hospital kausapin ko xa.

-
-
-

Itutuloy....
JuanDer25

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now