Chapter 22: Meet his Family

6.6K 176 18
                                    

SuStal moment po ito^^*

Chapter 22: Meet his Family

[Krystal's POV]

Nasa salon kami ng mga girls. Nagpasama ako sa kanilang magpaayos. Alam niyo na kung bakit ako magpapaayos. -_-.

Pero syempre dahil nagpapamakeover ako. Hindi magpapahuli ang mga kasama ko. Oh diba? The kikay girls. Except kay Amber na ang sama ng tingin sa amin dahil hindi namin siya nasamahan sa favorite niyang rubber shoes.

"Tama na yang mukmok." -Victoria.

"Hindi bagay diyan sa pretty face mo." -Sulli.

"Paanong hindi ako magmumukmok eh hindi niyo ako sinamahan." sabay crosshand nitong si Amber.

"..mas inuna niyo pa yang pagpapaganda niyo." dagdag nito.

"Kahit kaylan talaga ang bitter mo. Kaya walang nagkakagusto sayo eh. Mas matindi ka pa sa mga negosyanteng nakabusangot ang mukha. Eh yung sayo parang nilukot ng papel ang mukha." at binaling ulit ni Luna ang pagbabasa ng magasin. Si Amber tinarayan lang si Luna.

"Luna is right. Hanggang ngayon di ka pa rin nakakamove on sa pagkabreak niyong dalawa? Past is past Amber."

"Teka nga lang bakit nadamay yang usapan na yan dito. Tss." tapos nagcrosshand na lang siya at tumahimik na lang. Kami namang girls napatingin sa isat isa tapos binaling na lang sa pagbabasa ng magasin.

Mga ilang minuto lang ng biglang may kumatok sa salon.

"Good day sir. May we---,"

"Asan si Krystal?" bigla akong napahinto sa pagbabasa ng magasin ng marinig ko yung pangalan ko. Teka lang familliar yung boses na yun ah?

"That way sir,"

 

"Thanks."

 

"Suho anong ginagawa mo dito?" bigla kong tinakpan ang mukha ko ng magasin ng marinig ko ang bwisit na pangalan na yon. Pano niya ako nahanap?

"Wag mo nang takpan yang mukha mo. Halata ka na,"

"Tss. What are you doing here?" mataray kong tanong dito tapos nilapit niya sa akin ang mukha niya at sinabing, "Sinusundo ko lang naman ang girlfriend ko."

Oh diba? Pangbungad sa akin. Bwisit.

"OHEEMGEE! Panong nangyaring naging kayo?" -Sulli.

Teen Clash:  [EXO vs. SNSD] (ONGOING) (EDITING!!!) ♥ [ft. f(x) & SHINee] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon