Chapter 9: Revenge

14.8K 288 18
                                    

Tiffany's Pov

Hay! Bakit parang andaming problema ang dumadating sa amin? Sana magkaayos-ayos sana kami. Lalo na si Taeyeon, Sunny at Jessica :(

"So, Ex pala ni Jessica yung Kris?" sabi ni Yuri. Andito kami sa living room. Kakarating lang namin sa bahay kasama si Taeyeon. Si Sunny nagtaxi na lang.

"Shh.. Yuri- yah! Quiet ka lang! Baka naman marinig ka nila Sunny- unnie at Taeyeon- unnie." pagbabawal ni Yoona kay Yuri. Si Sunny nasa kwarto nila Jessica. Si Taeyeon naman nasa kwarto namin. Magkagalit kasi yung dalawa:( Bali anim kaming nandito sa livingroom. Si Jessica hindi pa rin umuuwi eh.

"Eh. Tiffany. Bakit magkagalit sina Taeng at Sunny? Anyare??" tanong ni Sooyoung.

"Nagkasagutan sila." sabi ko sa kanila.

*flashback*

"Yah. I'm selfish. Pero Taeyeon yung ginawa ko may dahilan. Para malaman mo. And that slap deserves to me. And thank you."  sabi ni Sica at umalis na. Huhuhu. Wag sana magaway-away (TT.TT) 

Pagkaalis ni Sica biglang nagsalita si Sunny.

"Taeyeon, mali ang ginawa mo. Hindi mo dapat sinamapal si Jessica." sabi ni Sunny kay Taeyeon.

"Tss. Dapat lang sa kanya yon. Dahil niloko niya tayo." sa sobrang gigil ni Sunny sinampal niya si Taeyeon.

"Tama na!" sabi ko sa kanila at awat.

"Taeyeon! Anong klase kang leader? Nagawa mo pang manakit!" galit na sabi ni Sunny.

"Isang leader na hindi alam ang gagawin. Isang leader naman na nagaalala sa mga kagrupo niya. At isang leder na ayaw nasasaktan ang loob ng mga kagrupo. Ganon ako Sunny." kalmadong sabi ni Taeyeon.

"Huh! Sige. Sabihin na lang natin na ayaw mong saktan ang kalooban ni Jessica. Pero sinampal mo siya. Hindi dahil sa dinedepensahan ko siya bilang bestfried. But it does'nt mean na tama din ang ginawa mo Taeyeon." sabi naman ni Sunny. Tama na! Napapaiyak na ako.

"Pero mali siya! Hindi niya ba tayo kaibigan para hindi pagsabihan ng problema?" -Taeyeon.

"Taeyeon tama na~!" awat ko kay Taeyeon. Ayaw ko silang nasasaktan. Ayaw ko rin silang nag-aaway.

"Oo, nagkamali siya. Pero sa tingin mo maling umibig? Taeyeon alam mo ang sitwasyon ni Jessica. Hindi niya masyado nararamdaman ang pagmamahal at pagaaruga ng magulang niya. Naalala mo yung sinabi niya? May dahilan para malaman mo. Na malaban mo na umibig lang siya, na nasaktan. Kaya niya ginawa yin kasi gusto niyang may nagmamahal sa kanya. Kung hindi mo alam ang salitang love....wag na lang natin pagtalunan 'to." hanggang ngayon nakayuko pa rin si Taeyeon. Siguro doon lang niya narealize na mali siya. Pero naiintidihan ko siya bilang nakakatanda sa amin. Ayaw lang niya na may nasasaktan sa amin, lalo na sa mga damdamin namin.

Teen Clash:  [EXO vs. SNSD] (ONGOING) (EDITING!!!) ♥ [ft. f(x) & SHINee] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon