Chapter 32: Practice?

1.1K 40 21
                                    

[Yoona's Pov]

Maaga na akong bumangon dahil may practice pa kami sa play. Sa Lunes na yon e. Bali one week ang SMTOWN FESTIVAL. For sure nakakapagod to para sa amin. Baguhan lang kaya kami sa mga ganito T^T.

Since nakaassign si Jessica sa pagluluto ako na ang nagluto. Baka abutin sila ng gutom pag si Jessica yung magluto. Hahahaha. Kilala niyo naman yon tulog mantika at di marunong magluto. Nagluto na ako ng egg, fried rice, bacon at ham. Pagkatapos non kumain na ako, sakto gising na si maknae.

"Eonnie, ang aga mo?" Habang nagiinat si maknae. Ang aga talaga gumising ni maknae.

"Diba may practice ako? Inagahan ko na kilala mo naman yung nagmamanage ng play namin ang sungit." napanod na lang si maknae sa sinabi ko. Kilala naman niya kung sino tinutukoy ko kundi yung ex ni Jessica.

Jusko ang sungit sungit ng lalaking yon. Kaya siguro naging sila ni Sica e. Parehas sila ng ugali. Haaaaay.

"Wow. PAGKAEEEEEEN."

Kilala niyo na yung sumigaw na yon. Takaw talaga, pag pagkain ang aga gumising. Bago pa siya kumuha ng bacon ay tinapik ko na yung kamay niya. -_-!

"Aba. Wala na ba akong karapatang magalmusal? Ha?!" sigaw ni Sooyoung sa akin. Narinig ko namang natawa si Seohyun sa katarayan ni Sooyoung.

"Aba. Naghugas ka ba ng kamay mo? Luto ko yan. Ayoko madumihan." sabi ko sabay layo sa mga pagkain.

"Oh eto na eto na. Ang arte hmp." umalis na siya at dumiretso na ng cr. Kami naman ni maknae, natawa na lang sa inasal ni Sooyoung.

"Seo ikaw na bahala ah? Aalis na ako baka pagalitan pa ako. Nga pala anong oras practice ni Taeyeon eonnie?"tanong ko dito habang inaayos ko na yung gamit ko for sure mga gabi na uwi ko nito haaaaay.

"Hmmm. Alam ko mga quarter to 9 sila aalis. Baka sumama din ako." ohhh. Kung sa bagay madali lang naman magpractice pag kanta pero pag play? Haaaaay. Papatayin ka sa sobrang pagod at sobrang sungit ng mga kasama mo.

"Sige na babye na." paalam ko kay maknae at umalis na sa bahay.

~~*

Nandito na ako sa theater room. Ako pa lang magisa. Wala pa yung iba. Habang naghihintay ako binabasa ko yung mga script ko. At sa totoo lang... ANG HIRAP MAGING JULIET! Bat kasi iyon pa nabunot ko e. Parang ang dami pa yatang lines ni Juliet e kaysa kay Romeo. T^T

"Oh talaga?" may narinig naman akong boses ng mga babae. Pagkatingin ko mga kasamahan ko din sa play pero di ko sila mga kilala. Hindi ko na lang sila pinansin.

"Oo nga. Nakakainis nga e. Dapat kasi tanggalin na ni Kris yung may kisssing scene kasi for sure kawawa yung gaganap ng Juliet. Kukumugin dahil lang sa kiss na yan." ako yun ah? Ay. Nakalimutan kong may kissing scene pala. Haaaaay. Napayuko na lang ako.

            •••

            •••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teen Clash:  [EXO vs. SNSD] (ONGOING) (EDITING!!!) ♥ [ft. f(x) & SHINee] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon