Chapter 31: Camping (Part 3)

3.1K 111 53
                                    

Chapter 31: Camping (Part 3)

[ Taeyeon's Pov ]

"Hahaha. Gwapo ko kaya? Psh."

"Ha? Ano kwago ka? HAHAHA."

"Aba! Sumosobra ka na Kim Taeyeon ah!"

"Haha. Sorry na. Pero pramis bakit masyadong habulin kayo ng mga babae?"

"Eh kasi nga gwapo nga. Yaaaaawn."

"Saang banda Do Kyungsoo?"

"Zzzzzzzz."

Ay nakatulog agad? Haay. Mukhang napahaba yata yung kwentuhan namin kaya ayun nakatulog na si Dyo. Mukhang ako na lang ata ang di pa tulog sa amin tatlo. Eh yung isa tulog na rin kanina pa. Kilala niyo naman siguro ang tinutukoy ko diba? Kung di niyo alam ayun lang naman ang taong tinanggihan ang niluto kong tinolang manok. Seriously? Bakit ang init lagi ng ulo nito sa akin? Kagaya ngayon, si Dyo yung nagdecide na ako yung sa gitna nila sa pagtulog eh parang ayaw pa ng bakulaw na 'to. At sinabing baka chumansing ako sa kanya sa pagtulog. At ang nasabi ko lang dun. ANG KAPAL! -______-,

Nagiba naman ako ng pwesto ng pagtulog since di talaga ako makatulog lalo na at madilim. Di po kasi ako natutulog ng walang ilaw. Sa kwarto namin ni Tiffany kaylangan nakabukas pa yung lamp namin. Hehehe sorry na. Pinalaki kasi ako na aksayado sa kuryente eh. :3

Nakaharap ako ngayon sa bakulaw na ito buti na lang di siya nakaharap sa akin. Tinitigan ko naman yung likod nito. Grabe. Pati yung likod niya nakakaakit. Wait? Erase that. Kim Taeyeon magtigil ka nga. >__<,

Naramdaman ko namang tumayo si Dyo. Tinawag ko naman ito pero dumiretso lang ito tapos umalis na ng tent. Ang weird ng kwagong yun. Umalis ng nakapikit ang mata? Hala! Baka nananaginip yun ng tulog ah? Tsk tsk. Pero baka nababanyo lang yun? Well baka nga.

"Hmmm." naramdaman ko namang humarap ang bakulaw na 'to. Kaya iyon magkaharap kami ngayon. Ngayon ko lang narealize na kami na lang dalawa ang nandito sa loob ng tent.

Kaming dalawa lang....

Waaaah. Grabe kung ano ano na ang naiisip ko. Eh kasi naman naalala ko yung yakapan namin dun sa bus. And take note kaming dalawa lang yung nandon. Haaay. Kaya ayoko lagi 'tong katabi eh. Kung anong milagro lagi ang nangyayari. Tch. ._____.

"Baka matunaw ako niyan." sabi ng katabi ko pero hanggang ngayon nakapikit pa rin ang mata nito. So gising pala siya? >3<,

Napasmirk na lang ako dito tapos tumalikod sa kanya. Inagaw ko yung kumot sa kanya kaso inagaw niya rin ito sa akin. Pero syempre di ako magpapatalo sa bakulaw na 'to. Hinatak ko ulit ito ng malaks galing sa kanya. Kaya iyon sumuko na. Buti nga sayo. Hmp. :P

Pinikit ko yung mga mata nagbabakasakaling makatulog na ako kaso di pa rin ako makatulog. Kaya ayoko ng camping eh dahil paniguradong magkakaroon akong malaking eyebags sa sobrang puyat. O___O,

Pero suko na ako. Bumangon na ako di ko na kaya sa loob ng tent. Madilim at isama mo pa itong katabi ko. Ang awkward kaya. =___=,

Bubuksan ko na dapat yung zipper ng tent ng biglang may humatak sa kamay ko dahilan para mapaupo ulit ako. Napatingin naman ako sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Problema nito? >////<,

"Saan ka pupunta?" tanong nito sa akin. Hinatak ko naman yung kamay ko at tinarayan ito. Chansing eh. -___-,

"Pake mo ba?" mataray na sabi ko dito. Sabay crosshand dito.

Bumangon siya sa higaan niya tapos bigla niyang hinatak ang kamay ko papunta sa kanya dahilan para magkalapit ang mukha namin. Grabe ito na naman siya. >//////<,

Teen Clash:  [EXO vs. SNSD] (ONGOING) (EDITING!!!) ♥ [ft. f(x) & SHINee] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon