Unfaithful : 18 (Revised)

1.6K 33 4
                                    

Ash

Lumipas ang maghapon na nakakulong lamang ako sa kwarto. Timothy called the house a while ago to ask about my well being. Gustong ibigay sa akin ng maid kanina ang telepono pero tumanggi ako. Hindi ko siya kayang kausapin sa hiyang nararamdaman ko. I've always been weak when it comes to my emotions. Nakakainis dahil kulong ako nito. I don't even know how to overcome it. I just let time carry it while it pass.

Nang oras na para sa hapunan ay si daddy na ang sumundo sa akin mula sa aking kwarto. Hindi na ako nakatanggi dahil ilang kasambahay na rin ang tinanggihan ko nang tawagin ako ng mga itong kakain na ng hapunan. Sa hapag ay tahimik kaming kumakain ni daddy. Tanging tunog lamang ng kubyertos ang maririnig sa buong dining room.

Kinakabahan ako. Because I think daddy already knows what happened awhile ago. At tama nga ako nang ibuka na nito ang bibig upang magsalita.

"Do you have any special relationship with Mr. Smith, Ash?"

Napadiin ang hawak ko sa kutsara't tinidor sa unang tanong ni daddy. His voice dead serious as he waits for my response. Halata sa kaniyang mukha na hindi nito nagustuhan ang nangyari kanina.

Tumikhim ako, bago sumagot.

"None, dad."

Binitawan nito ang hawak na mga kubyertos saka ipinag dikit ang kaniyang mga palad. Resting his chin on top of it while still looking at me intently. Na tila naghahanap ng butas, ng kamalian sa mga isasagot ko.

"Are you sure Khimshaira? I have known of your habit before. Huwag kang magsinungaling sa akin! The CCTV saw you both at the cafeteria! And to think that you'd leave home early just to have breakfast with your paramour! You're already married Ash! Stop playing around already and just focus with your husband!"

"Dad! That's not true! Hindi ko siya lalaki! Yes! We were both at the cafeteria but I was there first! I was there when he suddenly came! If you looked closely, you can tell that I was eating quickly just so I can get away from him!"

Hindi ko makita sa mata ni daddy ang paniniwala sa mga sinasabi ko. Pero hindi iyon ang bumabagabag sa akin. Kung napanood iyon ni daddy, ibig sabihin ay napanood din iyon ni Timothy. Damn it! I don't know why but I hate to think that he saw that one kahit pa alam ko namang wala akong ginagawang masama.

"Siguraduhin mo lang Ash. Utang na loob natin sa mga Walter ang pagbangon ng Real Estate. Sila ang dahilan kung bakit nangunguna ulit tayo sa Asya. Huwag mo sana akong biguin, Ash."

My heart broke with what daddy said. I don't care if he doesn't believe me. But I hate it when I disappoint him.

Tumayo ito sa pagkaka-upo saka naglakad na paalis ng dining area.
Pero bago ito tuluyang makaalis ay nagsalita pa itong muli.

"After you're done eating. Umuwi ka sa bahay ninyo. Hindi tamang tinatakbuhan ang problema niyong mag-asawa. The driver will wait for you so you better hurry up and go home already. Isipin mo ang asawa mo't ang nararamdaman nito Ash. Hindi kita pinalaking mahina."

Napayuko ako't wala nang nagawa kundi ang sumunod sa gusto ni daddy. Disappointment was dripping like an acid from every word he said. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang maiyak sa lahat ng sinabi sa akin ni daddy. Gayong nasaktan ako sa lahat ng mga ito. Ngunit sa tuwing maiisip ko ang iniisip ngayon sa akin ni Timothy ay tila ako nauupos na kandila.

Natatakot ako na hindi ko alam.

Umangat ang tingin ko sa mga kasambahay na naghihintay lamang sa tabi na mautusan.

"Ate, tapos na ho ako. Mauuna na ako."

Without looking at them tumayo na ako't naglakad papalabas ng bahay. Ni hindi ko na nagawang magpaalam pa kay daddy at sumakay na lamang sa sasakyang naghihintay upang ihatid ako pauwi.

My Unfaithful Wife (Under Revision)Where stories live. Discover now