Unfaithful: 12 (Revised)

2.1K 32 2
                                    

Ash

Matapos naming kumain ng lunch ay hindi na rin ako nag tagal at nag paalam na rin ako. Lolo will be staying there for about a week kaya iniisip kong isama sa susunod si Timothy para makilala na siya ni lolo. Kailangan iyon dahil asawa ko na siya at nag tatanong na si lolo tungkol sa kaniya. Might as well siya na lang ang idala ko rito para sila mismong dalawa ang makakapag-usap. That's all, iyon lang ang dahilan, wala nang iba.

Naka-usap ko na rin si daddy na papasok ako sa kompanya namin. Ngunit ang sabi niya ay walang available na position kaya tinawagan niya kanina si Mommy Talitha and they gave me the General Manager position sa isang hotel nila. Ayos naman na rin iyon sa akin. Ang mahalaga sa akin ay iyong mayroon akong ginagawa.

Una akong pumunta sa mall upang makabili na ng panibagong cellphone. Pagkabili ko ay isinalpak ko roon ang bagong bili ko rin na sim card. Inilagay ko roon ang numero ni Rona at ni Timothy at ng iba ko pang kakilalang tao. Pagkatapos ay nag libot libot muna ako sa loob ng mall. I bought some few things na nagustuhan ko. Nang mag alas tres ay bumalik na akong parking lot.

Inilagay ko sa passengers seat lahat ng pinamili ko saka ako umikot para makasakay sa drivers seat. Hindi ko pa ini-start ang engine. I fetched my new phone inside my bag at saka idinial ang numero ni Timothy. Muntik ko nang makalimutang tawagan ang isang ito.

It rang a few rings bago niya ito sinagot.

{"Hello this is his assistant. How may I help you?"}

Assistant? Bakit nasa kaniya ang cellphone ni Timothy? Nasaan sila ngayon? May ginagawa ba sila? It's already three pm so I guess whatever their agenda is, is already done.

"Hello, this is his wife. Can I talk to my husband for a bit?"

Sa isang matigas na tono ay sabi ko.

{"Mrs. Walter! Sure! Just wait for a second ma'am."}

Ilang segundo lamang akong nag hintay at narinig ko na agad ang boses niya sa kabilang linya. Para na naman akong tumakbo ng kilo-kilometro sa bilis ng tibok ng puso ko. Kung bakit ako kinakabahan ay hindi ko alam. Naalala ko ang hindi niya pag papaalam sa akin kanina. Nakadama ako ng galit.

{"Ash! For goodness sake I have been contacting you all morning! Why aren't you answering your phone? And why did your phone number changed? Did you barrowed someone elses phone?"}

"First of all Mr. Walter, don't shout at me because I should be the one mad here! Bakit hindi ka nag paalam sa akin na aalis ka ng bansa? My ghad Timothy! You could at least leave a note at the side of my bed bago ka umalis! Ano ako? Hanging ganoon? I don't care where you go! O kung aalis ka na't hindi na babalik basta ba mag paalam ka naman sa akin!"

I heard him sigh at the other line.

{"I know...and I'm sorry. Inaasahan ako ng lolo mo Ash. Ayoko namang biguin ang lolo mo. I promise...it won't happen again..."}

Aba dapat lang! Kung hindi ay isama na niya lahat ng gamit niya at huwag na ulit siyang babalik!

{"....now its my turn to ask. You changed your number?"}

"Yes. Delete my old number on your phone, ito na ang bago kong numero ngayon. Kailan ka uuwi?"

This feels so weird. Pero kailangan kong malaman kung kailan siya uuwi o kung uuwi ba siya ngayon para masabi ko kay manang at manong guard na huwag munang i-lock ang gate at ang pinto. That's all, nothing more.

{"Hmmm....I've already booked a flight back. Mamayang alas singko ang flight. So mamayang gabi na ako makakarating sa Pinas."}

"Alright... I'll infrom manang to include you for dinner."

My Unfaithful Wife (Under Revision)Where stories live. Discover now