Unfaithful: 3 (Revised)

3.5K 53 1
                                    


Ash's PoV

Hindi ko na hinintay pa ang bwisit na lalaking iyon at nagpatuloy na ako sa kusina namin. I can feel that he's following me from behind, hindi ko siya nilingon o hinintay man lang sa pag lalakad. I hate what he said. I hate how he's already owning me when we're not even married yet! Ang kapal nang mukha niyang ihayag sa akin na kanya ako! Kahit kailan ay hinding-hindi ako magiging kanya! I hate being owned! I own myself! No one owns me but me! Kainis! At kahit sabihin na nating kasal nga kami, hindi ibig sabihin nun na kaya na niya akong angkinin kailan man niya gusto! Hinding-hindi ko siya papayagan!


All the way to the kitchen ay hindi kami nag imikan. Maganda na rin iyon at baka kung ano pa ang masabi ko. But I can still feel his burning stare at my back. Bahala siya, wala akong pakielam sa kung ano mang gawin niya.

Nang nasa bungad na kami nang kusina ay iplinastar ko ang ngiti ko sa aking mga labi. Nilingon ko siya na ganoon ang itsura.

Kumunot ang noo niya sa nakikitang ekspresyon sa aking mukha .

"Halika na Tim. Mabuti pa't kumain na tayo. Nag hihintay na sila sa atin."

Sinabi ko iyon nang may katamtamang lakas, sinigurado ko na maririnig iyon nila daddy at tito at tita.

Kumunot ang noo nitong lalo. Naaasar siya sa ipinapakita kong kaplastikan sa harap niya.

Ganyan nga Timothy, maasar ka. Tignan natin kung hanggang saan ang makakaya mo sa mga ugaling ipakikita ko sayo.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya upang mas maasar pa ito lalo. Mas lalo akong nag punyagi, dahil alam kong hindi niya iyon kukunin at lalagpasan niya lamang ako. Pero iyon ang akala ko.

Nagulat ako nang ngumiti ito, a genuine smile. Humampas na naman nang malakas ang puso ko sa ngiti niya. Nang tanggapin nito ang kamay ko ay doon nawala ang ngiti sa mukha ko. He smirked seeing my reaction. Damn him! He's turning the table! I hate him!

"Let's go then, baby."

Napapanganga ako dahil sa itinawag niya sa akin. Wala na akong nagawa nang siya na mismo ang humila sa akin papasok nang dining area. Doon ay nadatnan na namin sila daddy na nakaupo na sa sari-sarili nilang upuan. Daddy was at his usual sit, nasa gilid nito nakaupo sila Tito Ronaldo at Tita Talitha. Umupo kami sa kaharap na upuan ng mag-asawa.

Ipinaghila ako nang upuan ni Timothy. Binalingan ko ito at nginitian ng peke. He grinned when he noticed my fakeness. Damn him! Tuwang tuwa pa ang bwisit! Arrghh!! Kung pwede lang ilayo ang upuan ko ay ginawa ko na! Umupo sa katabi kong upuan, dahil doon ay mas lalong sumibol ang pagkadisgusto ko na mapalapit sa kanya.

Palihim kong inusog palayo ang kinauupuan ko ngunit bigla niyang hinawakan ang likod ng upuan ko at hinila iyon papalapit sa kanya. Namula ako, hindi sa kilig, kundi sa bwisit! Nang aasar siya! Alam ko iyon dahil halata iyon sa kanyang pag mumukha! Kainis! Nakakainis na talaga! Gusto ko nang sumabog sa sobrang inis! Idagdag mo pa ang ngising aso nang mga nakasaksi sa ginawa niyang paghila papalapit sa kanya sa upuan ko! Bwisit talaga!

"Mukhang nagkakaigihan na kayo iha. That's good! Para hindi na kayo mahirapan pa kapag nag sama na kayo sa iisang bubong."

Sabay ngiti ni Tita Talitha. Naputol ang hininga ko sa sinabi niya. Titira? Sa iisang bubong!? Do we have to do that! There's no way in hell I would be living under the same roof with this guy!

Pinilit ko ang ngiting iginawad kay tita Talitha. Ayoko namang tarayan siya dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Ito lang anak niya ang nakakainis!

"Yes mom. I will be having a really good time being with her."

Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya at nakita kong nakangiti ito ng matamis sa akin. His warm smile brought something in my stomach that made it tingle. Ang puso ko naman ay parang tumakbo ng kilo-kilometro sa bilis ng tibok nito. I got scared when in a moment....he's all I could see. Para bang nawala ang tao sa paligid dahil sa ngiting nakita ko sa kanyang mga labi. Napatulala na lang ako sa kanya, I did not respond or anything, I just stared at him. Gustohin ko mang iiwas ang paningin ko ngunit hindi ko magawa. Parang may sariling pag-iisip ang mga mata ko at siya lang ang gustong tignan magdamag.

My Unfaithful Wife (Under Revision)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt