Chapter 02 - Token (March 15, 2015)

41.7K 647 115
                                    

"Ano po auntie?" Hindi ko masyado marinig ang sinasabi ng auntie Dolly ko dahil masyadong maingay kung saan ako nakatayo. Nasa bukana kasi kami ng gymnasium sa 5th floor ng Faraday. Maraming pumapasok, at lumalabas at nagkataong may game ngayong umaga kaya mas lalong umingay.

"Ano ba 'yan Sassy, bakit hindi ka muna lumayo diyan sa maingay ng magkaintindihan tayo?" Mainit na ang ulo ni tita. Ramdam na ramdam na sa boses niya. Pero napakamot na lang ako ng mabanggit niya 'yung favorite nickname niya sa'kin. Sassy? Napakalayo sa Sarina. Ni wala nga akong ka-sassy-sassiness sa katawan.

Nagsimula lang naman 'yun sa tawag sa'kin dati nila papa at mama 'nung buhay pa sila. Nagsimula daw sa Sars na unang tinawag sa'kin ng tatay ko. Pero dahil tunog sakit, ginawang Sas na lang. Ewan ngayon bakit Sassy. Buti na lang walang masyadong may-alam na 'yun tawag sa'kin sa bahay kaya dito sa Faraday, Sari pa rin.

"Ito na po tita, naririnig niyo na po ba ako?"

"Ayun nga. Aalis kasi kami mamaya ng mga pinsan mo. Walang magbabantay ng bahay. Kaya umuwi ka ng maaga."

"Ah. Sige po." I crinkled my nose as I try to suppress my sadness and envy. Hindi ko alam na pwede palang maghalo ang ganitong pakiramdam nang ganito kalakas. Dapat naman talaga hindi ako masyado naapektuhan dahil normal naman para sa isang pamilya na lumabas-labas paminsan-minsan. At hindi naman talaga ko parte ng pamilya nila. Tama na 'yung kinupkop ako at pinapakain at binibigyan ng allowance. Hindi ako dapat nasasaktan.

"Baka kasi hindi mo na kami maabutan, kaya tumawag na ako. Kaya mas maganda, maaga ka umuwi para makasabay ka pa sa dinner bago kami umalis."

"Salamat auntie. Sige po, uwi po ako maaga."

Habang sinasabi ko 'yun, doon ko lang nakita na may kumakaway-kaway sa'kin.

Ako ba? I mouthed.

Tumango ang lalaking nasa harap ko.

Si Hunter Heng? Kinusot ko ang mata ko. Tama na ang nakikita ko? Lumingon ako sa likod baka naman kasi hindi ako 'yung kinakawayan. Pero 'pag lingon ko, wala naman ibang nasa line of sight.

'Pag tingin ko kay Hunter, he mouthed something. At sa'kin nga yata talaga nakatingin!

"Sige po, bye auntie. Bye po." Pinindot ko ang end call at hinarap ang lalaki. "A-ano?"

"Oh, ito na." Sabi niya sa'kin habang inaabot ang isang malaking boteng pabango. Seryoso ba 'to? Bakit niya ako kinakausap at binibigyan pa ng pabango? Kahit naguguluhan, pinagmasdan ko na rin ang bote na halos kadikit na ng mukha ko, dahil ang bango naman talaga at matagal ko nang gustong malaman kung ano nga ba talagang tatak ng scent na naamoy ko.

"Keep it." Dugtong niya.

"H-huh? Sabi ko na rin habang pilit na minememorya ang pabangong 'yon. Jo Malone English Pear and Freesia. Hmm. Pambabae pakinggan. Bakit ba parang pambabae ang pangalan nito eh kung saan-saang store ako pumupunta, pero hindi ko talaga mahanap. Kaya naman pala. Hindi pala gan'on ka-masculine ang pangalan ng pabango like what I've expected. Hindi ito kasing-tigas ng katulad ng Nautica Voyage, Diesel Only o 'yung Versace Eros. Pero hindi eh. English Pear and Freesia? Kaya pala hindi ko mahanap-hanap dati.

Hindi rin naman kasi halatang feminine ang flowery scent na ito, lalo na kapag nanggagaling sa katawan niya.

I sniffed.

Shit. Why am I sniffing Hunter Henri Heng?

Nakakahiya!

Para naman akong tanga. Nagawa ko pa talagang maging gano'n na parang hindi ko siya kaharap ng ilang pulgada lang ang layo sa'kin. I tried to bounce back to my confused facade nang katulad ng kanina as I force to crease my forehead.

Yours (On Hold - Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon