Chapter 04 - Weird (August 13, 2015)

13.1K 384 28
                                    

"... tapos, mas iba 'yung acting dito compared sa theater kaya challenging pa rin for me kasi this is a different discipline, 'di ba? Like, right?"

"Ha?" 'Yung dulo lang ng sentence 'yung naintindihan ko sa pinagsasabi ni Minelli.

Natawa na lang din ako. Halos ahat kasi ng sentences niya, mayroong Like, Right? kung hindi sa hulihan, maririnig mo sa gitna. Nakakatawa kapag naiisip ko na pwede akong magtala sa isang notebook kung ilang beses niya 'yun sasabihin.

"Ano ba 'yan ang haba-haba ng sinabi ko tapos wala ka palang naintindihan." She pouted as if nagtatampo. Katatapos lang ng Film 135 class namin at kanina pa niya pinoproblema ang magiging performance niya sa subject na ito.

"Hindi. Narinig ko naman." I tried so hard to make the last few words that I've heard bago siya mag like, right? into something coherent. At dahil alam ko naman ang topic, nasagot ko pa rin siya, hopefully, ng maayos. "'Di ba, ang problema mo eh kung paano mo iaakma 'yung sensibilities mo sa theater acting sa pagaaralan natin ngayon dito sa Film Acting."

Ngumiti siya. And I knew I was spot on.

"Kaya nga tayo mag-aaral eh. Para matutunan 'yung pagkakaiba."

"Pero, I feel na iba pa rin kung wala kang alam, tapos fresh mo pang matututunan. Tulad mo. Blank slate."

"Ang nega mo!" Kinurot ko siya sa tagiliran. "Ba't iniisip mo pa na mas may advantage 'yung noob na katulad ko, kesa sa'yo na may experience na? Sapakin kita diyan eh! Nakakahiya naman sa'yo 'no?" Seryoso ako sa sinasabi ko sa kanya. Kaloka kasi mag-inarte.

"Haha! Worried lang naman."

"Kung sino pa may experience sa acting siya pa worried? So kaming mga wala talagang alam dapat mas confident ganon?"

"Oo na, oo na!" Natatawa-tawa siya kahit ako parang triggered na.

Napailing na lang ako. Isa sa toxic trait ni Minell 'to eh. 'Yung i-down 'yung sarili para humanap ng validation sa iba. Sanay na ako dito. Kung hindi ko lang siya kaibigan, baka nga matagal ko na siyang sinapak. Kasi kahit pagsabihan siya, palagi siyang bumabalil sa ganitong mindset. 'Yung kailangan mo pang paalalahanan. You need to pull her feet back on the ground. Pangatlong academic year na rin naman namin kasing magkasama kaya alalayan na rin.

"Umayos ka na diyan ah."

"Paano ako aayos eh distracted ako dahil sa'yo."

"Wow. Ako pa talaga sinisi?" Susuntukin ko na talaga siya anytime.

"Eh kasi 'yang pabango mo! Bakit naman napakasangsang! Sobrang tapang."

"Kung maka-napakasangsang naman 'to!" I felt defensive. Paanong masangsang? Naturingan pa naman siyang number one fan ni Hunter, tapos hindi niya alam na pabango 'to 'nung crush niya?!

"Freesia kaya 'yan!" I shouted. Naturingan pang paboritong flower din niya ang freesia katulad ko, tapos ayaw niya ng amoy? Palibhasa gusto niya lang 'yung itsura.

"Oh? Ganyan pala amoy ng freesia?"

Ito na naman siya eh. Madalas kasi, she's all about the looks. Kaya itong favorite flower niya, ni hindi niya naman pala alam 'yung amoy. Kung makafavorite lang kasi maganda.

'Yung masyado siyang mahilig sa gwapo. 'Yung tipong wala na siyang pakialam sa ugali, nakaraan o kahit na ano pang dala-dala ng isang tao. Basta crush niya, at maganda sa mata niya, never siyang na-turn off.

How many times na ba have I talked her out of liking Hunter? Na wala naman 'yung pangarap. Yata. Na puro conquest ng babae inatupag. Na walang pakialam kung sa tangin sa kanya ng ibang tao at wala man lang galang sa pristine image ng nanay niya at ng apelyidong Heng. Pero wala eh. Itinataas niya pa rin ito sa pedestal na parang idol. Ewan ko ba.

Yours (On Hold - Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon