Chapter 08 - Boyfriend (March 15, 2015)

10.9K 396 138
                                    

"Isang kwarenta anyos na lalaki ang tumalon sa gitna ng mall kaninang tanghali. Isang estudyante, sugatan."

Malakas ang boses ng reporter na nanggagaling sa maliit na TV sa sulok.

"Shit. Pwede po bang pakilipat?" Tanong ni Oliver sa mga kasama sa ward. May ilang kama doon ng mga ilang naggaling din sa trauma unit. May ilan na galing sa aksidente sa kalsada, ang iba naman dahil sa sports. Kung tutuusin, si Oliver lang yata 'yung may pinaka-kakaibang dahilan kung bakit siya naka-confine ngayon. Dahil nahulugan ng isang lalaking nagpapakamatay.

At kasalukuyang pinapakita ngayon sa breaking news ang mismong naranasan naming trahedya kanina.

"Huwag na. Nanonood 'yung mga tao eh." Pinigilan ko siya kahit alam kong apektado siya sa balitang kasangkot siya dahil kami naman talaga ang bago dito sa ward na 'to. Tapos kami pa maghahariharian sa maliit na TV?

Pero ang totoo, hindi rin naman ako makatingin dito. Dahil kahit ako, ramdam na ramdam pa rin ang tensyon hanggang ngayon. Hindi pa rin maalis-alis sa utak ko 'yung ulo ng lalaki. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa 'yun sa buong buhay ko.

"Huwag ka na lang makinig." Pinasakan ko ng earphones ang mga tenga niya habang binibigyan kami ng makahulugang mga tingin ng mga kasama sa ward.

Ganito talaga si Oliver eh. Sobrang outspoken niya. Hindi niya kikinkimin kung anong nararamdaman niya. Kahit nga sa kagustuhan niyang tumawid kami mula sa pagkakaibigan, agad niyang sinabi 'nung nakumpirma niya na nararamdman niya eh. Hindi siya 'yung tipo na nagki-kimkim hanggang sumabog siya. Kaya kahit alam kong alam niyang nakakahiyang magpalipat ng TV, sinabi niya pa rin. Ako na lang ang pumigil. Sabi nga niya, ako daw 'yung bumabalanse sa pagka-straightforward niya. Hindi ko pa lang nasabi na ang totoo, siya talaga ang nagtuturo sa'kin kung paano sabihin sa mundo ang laman ng puso ko.

"Wala na." Sabi ko sa kanya nang matapos ang balita.

"Hindi ko naman pinapalitpat dahil apektado ako. Pinapalipat ko dahil sa'yo."

"Ha?" I chuckled. "Sus ayos lang ako. Matagal na 'yon. Halos hindi ko na matandaan."

Umiling lang si Oliver at doon na lang din niya sinalubong ang mga tingin ng mga kasama sa kwartong 'yun. Mga tingin na punung-puno ng katanungan.

"Yes po. Ako po 'yun." Ani Oliver. Siya na mismo ang unang nagsalita kahit wala namang unang nagtanong. Halata naman kasi. Mukhang kumalat na rin ang balita na kami nga ni Oliver ang nasa balitang 'yun.

"Ano bang nangyari?" Tanong ng isang nanay na nagbabantay sa anak niyang nakataas ang paa na may benda.

Napangiti na naman ako habang mabilis na kinu-kwento ni Olaf ang lahat sa kanila. Neutral lang na parang spectator lang siya doon at hindi apektado. 'Yung ngiti ko, hindi dahil sa hindi rin ako apektado, pero dahil sa attitude na ibinibigay ni Oliver dito. Sobrang thankful talaga ako na hindi sobrang sama ng lagay niya na bumabangka pa rin siya ng usapan ng ganito. I really adore this man.

"Mabuti na lang at hindi ka nadale sa ulo hijo."

"Mabuti na nga lang po. Fortunately din, hindi pa nadamay 'tong kasama ko." Aniya habang humahawak sa balikat ko.

"Mag-gerlpren boypren ba kayo?" Very tita question ng isang babae.

"Ay hindi po." Ani Oliver habang natatawa.

'Di ko alam bakit may naramdamang kirot 'yung ipokrita kong puso. Alam kong ako 'yung umaayaw to cross the line, pero ako itong nasasaktan.

"Hindi pa." Dugtong niya.

Shit. Imbes na kiligin, nalungkot na lang ako. Ayoko ng ganito.

Nang humupa na ang tsismis, at saka lang kami ulit nagkasarilinan ni Oliver. Kinamusta ko ang mga injury niya. Nagtamo siya ng bali sa kaliwang balikat at balakang kaya ang kanang kamay niya na lang ang naigagalaw niya ng maayos.

Yours (On Hold - Revamping)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora