Epilogue

9.3K 220 75
                                    

This is the updated version of Epilogue. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 30, 2021


Samantha's POV


"Samantha, where are you going?" Tanong ni Mommy sa akin. Nung monday sila dumating. 1 day nang magpakita ako kila kuya. Wednesday na ngayon at hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap 'yung taong gusto kong kausapin dahil iniiwasan niya ako.


"Mommy, hayaan mo na nga 'yan. Aamuhin pa niya si Cris, pfft." Agad kong sinamaan si Kuya nang sabihin niya 'yun. "Oh, bakit? Mali ba ako?"


"Ano bang ginagawa mo dito? May sarili ka naman ng bahay." Inis na reklamo ko na ikinatawa niya.


"Pumasok sa trabaho ang asawa ko."


"Kaya ako ang dinedemonyo mo?"


"Oo, kasi namiss kita." Nakangisi niyang sabi na ikinatawa na 'rin ni Mommy. "Tingnan talaga natin kung papansinin ka nun. Tss. Masiyado mong sinaktan si Engineer. Lagot ka doon."


"I heard he's popular, huh? May mga artistang pinupursue si Cris." Sabi naman ni Daddy na ikinakunot ng noo ko dahil paano niya nalaman 'yun?


"Ay, architect lang ang alam ko. Pati pala mga artista?"


"Yup. I heard it somewhere."


"Nang-aasar ba kayo?" Inis na tanong ko na sabay nilang ikinatawa.


"Ang akin lang kasi, he became popular after you left. Well, hindi ko naman masisisi ang mga babae dahil nagtop sa board exam si Cris at tumunog din ang pangalan niya bilang magaling talagang engineer. May nag-offer pa nga ng trabaho sa kaniya sa US, 2 years ago, eh." Napamaang ako sa sinabing 'yun ni Kuya.


"Pumunta siya sa US?"


"Oo." nanahimik na ako doon. Hindi niya naman siguro ako nakita doon, diba? I mean, imposible 'yun dahil malaki ang US. "Why? Oh, sa US ka nga pala nagstay."


"Imposible namang magkita kami nun."


"Imposibleng makita mo siya kung hindi naman siya nagpakita. Pero I don't know. Malay mo nga hindi ka niya nakita but I doubt that, Samantha." Seryoso na niyang sabi at bahagyang may pinindot sa laptop niya.


"Bakit?"


"Sabi sa akin ni Cassy, that time daw ay hinahanap ka niya but after nung US niya, he stopped finding you. Hindi ba't nakakapagtaka 'yun?" Napamaang na talaga ako ng tuluyan doon pero sa ibang sinabi na niya ako nagfocus.


"Hinahanap niya pa 'rin ako kahit 5 years na ang lumipas? Umaasa pa 'rin siyang buhay ako?" Gusto kong maiyak doon. Sa mga sinabi ko nung araw na 'yun, hinanap niya pa 'rin ako.


"Lahat naman kami umaasa na babalik ka pa." Nakangiting sabi ni mommy na ikinalingon ko. "Basta anak gawin mo lang lahat ng kaya mo. Mapapatawad ka naman nun, e. Kaya nga lang baka mahirapan ka kasi he's hurt."


"Mommy."


"But I know na hindi ka nun matitiis. So, go and get him." Napangiti ako sa sinabing 'yun ni Mommy at bahagya siyang niyakap. Sinamaan ko pa muna ng tingin sila Kuya na naiiling na natatawa lang bago bumalik sa ginagawa.


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now