Chapter 10

6K 162 0
                                    

This is the updated version of Chapter 10. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 23, 2021


Samantha's POV


Walang imik 'yung apat nang pumasok kami ng university. Sabi na nga ba at dapat talaga hindi ko na sinabi pa 'yun dahil iisipin at iisipin talaga nila 'yun. Hindi biro ang grupong naghamon ng laban sa amin. Dapat ka talagang matakot once na makakuha ka ng mensahe mula sa kanila.


"Hey, Samantha!" Napalingon ako sa likuran ko ganon na 'rin sila Bea at bumungad sa amin si Lanz na agad ngitian 'yung tatlo. "Oh? Anong problema niyo?"


"Stress lang." Natural na sagot ni Bea. "Kamusta?"


"Maayos naman." Masaya niyang sabi bago lumingon kay Ally. "Ang galing natin sa reporting natin nung thursday."


"Syempre, magkagrupo tayo, eh." Nakangiting sabi ni Ally na ikinahalakhak naman ni Lanz. Hindi ko akalain na magiging kaibigan nila ang isang 'to. Hanggang ngayon ay nagtataka pa 'rin ako kung paano nangyari 'yun.


"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko na ikinalingon niya. Bahagya pa siyang naglakad sa harapan ko kaya napatingin sa amin ang ilang estudyante na dumadaan. "Ano?"


"I need to ask you about something since we already know each other's real identity." Napatigil ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Malakas ang loob niya na magpakita sa akin dahil alam niya kung sino talaga ako.


"Sorry to say this pero hindi kita kilala." Diretso kong sabi na ikinangisi niya. "Mukhang mali ka ata dahil wala akong alam tungkol sa'yo."


"Really? Akala ko ikaw ang nagpa-imbestiga sa akin. Pfft. Nahuli ko pa nga ang taong 'yun, eh. And I even noticed Ally's skills when it comes to computers, alam kong hinack niyo ang laptop ko. And even my phone. I'm amaze, actually." Napaiwas naman agad ng tingin si Ally sa sinabi nito. Sinabihan ko kasi si Ally na gawin 'yun dahil hindi talaga ako nagtitiwala sa kaniya.


"Kapag sinabi ko ba sa'yong hindi kami 'yun maniniwala ka sa 'kin?" Naghahamon na tanong ko na ikinatawa niya.


"No. Dahil alam kong kayo 'yun."


"Alright. Then what do you want right now?" Taas-kilay na tanong ko sa kaniya. Bahagya niya namang inayos ang buhok niya at tumingin ng diretso sa akin.


"Let's talk. I'll wait for you there. Just follow me." Nakangiti niyang sabi bago nagpaalam sa mga kaibigan ko at naglakad na paalis. Maglalakad na 'rin sana ako pasunod sa kaniya nang pigilan ni Ally ang braso ko.


"Sam, don't tell me you're going?" Kunot-noong tanong niya sa akin.


"Hindi ba't okay naman siya sa inyo? Bakit ako matatakot?"


"Yeah. He's okay. Pero parang may something kay Lanz."


"Oo nga, ate Sam. Remember his info? Parang hindi accurate." Mahinang sabi naman ni Andrea. Naalala ko na naman 'yun. Paano niya nasabing hindi accurate? Dahil ang pakilala ni Lanz sa amin, wala na daw siyang mga magulang. Pero ang nakalagay sa info niya, meron. Hindi ba't nakakapagtaka 'yun? Idagdag mo pa na wala man lang siyang kaalam-alam sa mga gangster kung nabugbog siya ng mga gangster noon at bakit niya ako kilala? Kung hindi siya parte ng mundong meron ako, bakit niya ako kilala? Tanging mga gangster lang din ang nakakakilala sa akin. Kaya paano niya ako nakilala?


I'm Inlove With The Gangster QueenOnde histórias criam vida. Descubra agora