Chapter 17

5.6K 161 1
                                    

This is the updated version of Chapter 17. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 28, 2021


Si Sander Lopez po 'yung nasa itaas, brother ni Samantha. (credits po sa picture)


Samantha's POV


Hindi ako makagalaw sa inuupuan ko at nanatili nalang ang tingin sa taong 'yun na diretso 'ring nakatingin sa akin. Ilang araw ko siyang hindi nakita. Halos isang linggo pala. Hindi talaga nila ginulo ang buhay ko kagaya ng sinabi kong wag na nila akong isali sa pamilya nila.


"Hala! Diba kuya ni Sam 'yan." mahinang sabi ni Andrea at bahagya pang tumingin sa akin kaya agad siyang sinaway ni Bea na nanatiling seryoso ang tingin. Hindi 'rin ata nagustuhan ang presensiya ng taong nasa harapan namin.


"Okay lang ba kung——makisama ako sa inyo?" Nakangiti niyang tanong kaya umiwas na ako ng tingin. Kapag nakikita ko siya, bumabalik lang 'yung ala-ala nung mga panahon na iniwan niya ako. Nung mga panahon na mas pinili niyang iwan ang kapatid niya ng ganon-ganon lang.


"Lalabas lang ako." Pagpapaalam ko sa kanila bago ilapag ang pizza sa harapan ko. Sa labas nalang mula ako tutal maganda naman dito sa lugar na 'to. May playground kasi akong nakita doon sa harapan ng building. Malapit sa pinagpark-an ng sasakyan kaya doon ako pumunta. Umupo ako sa isa sa mga swing doon at bahagyang ngumiti. Hindi ko naranasan maglaro sa ganito matapos umalis ni Kuya. Dati kasi palagi kaming naglalaro sa mga ganito. Pero nung umalis siya para akong nawalan ng kalayaan na pumunta at maglaro sa mga ganitong lugar.


Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang mga problema na kinakaharap ko sa mga oras na 'to. Kailangan kong humarap sa red eye dahil kapag hindi ako tumupad sa usapan namin ng leader nila, alam kong iisa-isahin nila ang mahahalagang tao sa buhay ko. Bukod pa sa UDG, alam kong sisirain nila ang mga taong pinapahalagahan ko.


Alam kong masama ang ginawa kong desisyon na mangakong mananatili ako dito kahit hindi naman ako sigurado. Pero ilang araw nalang ang natitira sa akin. Sa ilang araw na 'yun, mas mabuti sigurong gawin ko na 'yung mga bagay na makakapagpasaya sa akin dahil baka tama nga sila, baka hindi na ako makabalik pa ng buhay.


Napabuntong-hininga nalang ako sa mga naiisip ko. Bakit kailangan kong maranasan 'yung ganito? Minsan gusto ko nalang talaga maging natural na tao. 'Yung walang iniintinding ganitong problema. 'Yung iisipin ko lang kung paano ko ipapasa ang college years ko. Kung paano ko tatapusin ang homework na 'yun. Ganon.


Nanatili akong tahimik sa pwesto ko lalo na nang maramdaman ko ang presensiya ng isang tao sa tabi ko. Hindi ko ito nilingon dahil alam ko na 'rin naman kung sino siya. Sabi ko na ba at susundan niya ako.


"Ang hangin pala talaga dito. Ang peaceful." Nakangiting sabi ni Kuya Sander na ikinabuntong-hininga ko at tumingin sa kaniya ng diretso.


"Anong kailangan mo?" Diretsong tanong ko sa kaniya na ikinatahimik niya. Alam ko naman na may kailangan siya sa akin kaya siya ganiyan.


"Alam mo, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo 'to kasi nahihiya din ako pero for the same of our parents happiness," seryoso niyang sabi at tumingin na 'rin ng diretso sa mga mata ko. "I am begging you. Forgive our mother. She really wants you back. They want you back, Samantha. I'm not asking you to forget what happened but at least, forgive her."


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now