Chapter 11

6.1K 178 5
                                    

This is the updated version of Chapter 11. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 24, 2021


Cristoffe's POV


Damn it! What the hell is happening to me? Hindi ko dapat nararamdaman 'to pero naiinis ako. Naiinis ako dahil hindi siya pumasok ng first class para lang kay Lanz? What's with them? What is their relationship? Ang pagkakaalam ko, hindi naman sila ayos. Pero, putcha, bakit ba pinoproblema ko pa 'yun?


"Ay, tanga." Nagugulat na sabi ni Tristan nang mabato niya ako ng papel. Masama ko siyang tiningnan.


"Dumbass."


"Sorry na, Cris. Sana talaga hindi nalang ako nabuhay sa mundong 'to. Sana hindi nalang ako pinanganak. Kasalanan ni Mama 'to. Dapat kasi hindi niya nalang ako binuhay." Agad siyang binatukan ni Samuel sa sinabi niya. Kahit si Jake ay natawa pa bago tumingin sa akin.


"Calm down, dude. What the hell is wrong with you?" Natatawang tanong niya sa akin pero napabuntong-hininga lang ako bago sila pinanood sa mga ginagawa nila.


"I'm not in the mood."


"Panget gising mo?"


"I don't know. Maybe." Naguguluhan na sabi ko na ikinakibit-balikat niya.


"Ganiyan talaga kapag nagkakagusto na sa isang tao." pang-aasar ni Samuel at umupo pa sa harapan ko. "Syempre hindi ka makakatulog ng maayos kakaisip sa taong 'yun tapos kada kilos nila, pinagmamasdan mo. Minsan pa 'yung mood ko nakadepende sa kan——"


"Shut your mouth, asshole." Inis na sabi ko na ikinahalakhak niya. Bakit ba dumadagdag pa sa inis ko itong mga 'to?


"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Hindi ka naman kasi ganiyan. I mean, pre. Wala namang mali sa nararamdaman mo. At least, napatunayan mong normal ka. Akala ko kasi, hindi eh."


"Bobo." Inis na sabi ko. Mukha ba akong hindi normal?


"Hindi totoo 'yan." Sabat ni Jake at hinampas pa ng papel si Samuel. Gusto ko pang matawa doon dahil masakit talaga 'yung hampas ni Jake. "Hindi magugustuhan ni Cris si Samantha dahil may Queen Katana 'yan. Alam niyo naman na matagal ng patay na patay si Cris doon. Imposibleng magkagusto agad sa iba 'yan."


Ah, fuck. Nakalimutan ko si Queen Katana nitong mga nakaraang araw.


"Malay mo naman iisa lang si Queen Katana tsaka si Samantha." Sabay-sabay kaming napatingin kay Samuel nang sabihin niya 'yun. Napaisip din tuloy ako. Hindi nga kaya?


"Hoy! Imposible 'yun!" Natatawang sabi ni Tristan at bahagya pang tumingin sa pwesto nila Samantha. "Kahit sabihin natin na medyo pareho ang ugali nila, imposible pa 'rin 'yang sinasabi mo."


"Yeah. Imposible nga naman 'yun." natatawang sabi ni Jake na ikinatahimik ko nalang. Hindi ko na kailangan magbigay ng opinyon doon dahil naguguluhan ako. Baka mas lalo pang may masabi ang mga 'to once na nagsalita ako.


"Posible, tss. Hindi niyo kasi nahahalata, ako medyo-medyo." sabi niya na sabay sabay naming ikinasama ng tingin. Hindi din naman pala siya sigurado. Tss. Pero hindi ko 'rin naman alam sa sarili ko dahil napaisip talaga ako doon. 'Yun kasi talaga ang dahilan ko kung bakit dinala ko siya sa UDG nung isang linggo. Pero nabigo lang naman ako. Sa aming apat, ako ang unang nagtanong kung si Samantha ba at si Queen Katana ay iisa. Pero unti-unti ko na 'ring sinusukuan ang ideyang 'yun.


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now