Chapter 18

5.5K 157 0
                                    

This is the updated version of Chapter 18. However, I'll update it once more if I encounter any problem. Thank you for your understanding!


Updated: August 28, 2021


Samantha's POV


Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nagulat ako nang nasa kwarto na ako sa bahay namin. Sa bahay namin. Sa mansiyon. What the hell?? Anong ginagawa ko dito?


Inilibot ko ang mata ko at gusto kong maiyak bigla nang tuluyang makita ang kabuuan ng kwarto ko. Ilang taon na akong hindi natutulog dito dahil ayaw ko talagang umuwi. Nalulungkot ako. Pero sa ilang taon na lumipas, wala man lang nagbago sa ayos ng kwarto ko. Lumaki lang talaga 'yung kama at mga closet. Kahit ang mga manika ko ay nandito pa. Walang pinagbago.


"Samantha, how are you feeling?" Napatingin ako kay Mommy na pumasok sa pintuan na may dala-dalang tubig. Bahagya pa siyang umupo sa kama ko at tumingin ng diretso sa mukha ko.


"Anong nangyari sa akin?" Tanong ko sa kaniya. Dahil ang naaalala ko, si Cris ang huling kasama ko. Pero teka, dito ako idiniretso ni Cris? Dito sa mansiyon?


What are you planning Cris?


"Sobrang taas ng lagnat mo kagabi. Kaya naman hindi na kita ginising pa. I'm worried." Nakangiting sabi niya pero nanatili akong tahimik. "Uhm, I'll go now. Take your time to re——" napatigil siya nang bigla ko siyang yakapin. Ramdam ko 'rin ang pagtulo ng mga luha ko nang muling maramdaman na mayakap ang mother ko. Namiss ko si Mommy. Ilang taon na din ang lumipas.


"M-mommy, I'm sorry." Mahina kong sabi at mas hinigpitan pa ang yakap sa kaniya. Tinanggal niya naman 'yun at emosyonal na pinunasan ang mukha ko.


"No. You don't need to say sorry, anak. It is not your faulth. Kahit kelan ay hindi kita sinisi doon." umiiyak na sabi niya na inilingan ko. "Actually, ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo. I didn't know you we're suffering, anak. I left you alone. I didn't know anything."


"Mom, it's okay. Everything is clear now. Naiintindihin ko kayo. Thank you so much Mommy. Thank you so much for protecting me."


"Matagal kong hinintay 'to, anak." Umiiyak niyang sabi. "Matagal ko ng gustong makita kung gaano ka kaganda kapag ganitong taon ka na. And you really looked gorgeous, anak."


"Mommy."


"Stop crying." Saway niya sa akin nang muling magtuluan ang mga luha ko.


Natawa ako sa sinabi niya. "Ikaw din kaya umiiyak."


Napangiti ako kay Mommy dahil sa wakas, okay na kami. Sobrang laking pagkukulang talaga kapag wala ang mother mo. Para akong nabunutan ng napakalaking tinik sa puso dahil naging okay na 'rin kami.


"Can I hug my princess?" Sabay kaming napatingin ni Mommy sa pintuan at nakita doon si Kuya na emosyonal na nakatingin sa amin. Natawa pa si Mommy bago ako binitawan kaya agad akong tumayo at naglakad papalapit sa kapatid ko para yakapin siya ng mahigpit. "Sam, I'm really sorry. Promise, hindi na kita iiwan." Sabi niya na ikinatawa ko.


"Don't be silly, Kuya. Dahil kapag ikaw ikinasal, magkakahiwalay ulit tayo." Natawa naman siya sa sinabi ko. Boto na ako kay Ate Cassy. I want her to be with Kuya. She's awesome.


I'm Inlove With The Gangster QueenWhere stories live. Discover now