Chapter 13 (The Last Chapter)

2.8K 81 20
                                    

Sabelle, sorry dahil nagsinungaling ako sa'yo at nasaktan kita. Sana mapatawad mo ako kahit hindi pa ngayon basta hihintayin ko. Alam ko na pinagiisipan mo pa kaya nag-effort ako na gawin 'to para mapatawad mo ako. Kung sakaling 'di mo nagustuhan ang ginawa ko, okay lang sa'kin.. Bibigyan kita ng panahon para makapag-isip. Babalikan kita para malaman ko kung ano ang sagot mo. Mahal kita hindi 'to nagbago simula pa nung bata pa tayo.

-David Reyes

Kinabukasan, nabalitaan ko na wala na siya sa paaralan na iyon. Wala na din siya sa bahay na tinitirhan niya.. Hindi din siya nagrereply sa mga text messages ko sa kaniya. Nag-aalala ako pero alam ko na babalikan niya ako tulad ng sinulat niya sa'kin. Pero kahit papaano hindi pa din basta basta mawawala ang galit na nararamdaman ko.

AFTER 10 MONTHS

Graduation Day! sa wakas bumunga na ang paghihirap ko sa pag-aaral. Talagang tutok talaga ako sa pag-aaral ng mga dumaang araw at napansin ko ngayon na sobrang bilis ng panahon dahil graduate na ako sa high school. Matapos ang graduation, ininbitahan ko ang mga classmates, kaibigan, kamag-anak sa 18th Birthday ko sa darating na next week. Habang busy naman si mommy sa pag-asikaso sa birthday party ko. Naisipan ko na tawagan sina Angela at Tita Fey para sa birthday ko. At pumayag sila pero hindi namin na mention ang tungkol kay David.

18th Birthday Party ko na, dumating na ang mga bisita ko at nagsimula na din ang party.. Itong araw na 'to ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Pero sa araw na 'to pakiramdam ko pa din parang may kulang pero binaliwala ko pa din ang nararamdaman ko dahil gusto ko maging masaya ako ngayon hanggang sa matapos ang araw ko. Madaling araw na nang natapos na ang birthday party, naglabasan na ang mga bisita at nagpaalam na sila sa'kin. Pumunta ako mag-isa sa garden kung saan walang tao. Pinili kong mapagisa muna para makapagisip kung ano ba talaga ang kulang ngayon.

Nang biglang namatay ang mga ilaw, sinubukan ko maglakad pero napadapa ako dahil hindi ko nakita ang nilalakaran ko at nahihirapan ako sa suot kong gown. Mabuti na lang may tumulong sa'kin sa pagtayo pero hindi ko alam kung sino siya.

Nang bumukas na ang ilaw, Nakita ko sa harapan ko si David na siya pala ang tumulong sa pagtayo sa'kin. At saka ko siya niyakap ng mahigpit, napaiyak ako dahil sa sobrang miss ko na siya. Si Mommy at siya ang inspirasyon ko sa pag-aaral ko dahil ayoko pagdating ng araw na ma-dissapoint sila sa'kin.

"bakit ngayon ka lang dumating?!!"

"kanina pa ako nandito."

"nakakainis ka! bakit hindi ka nagpakita?"

"dahil ngayong oras mismo ang importante na may tatanungin ako sa'yo"

Hala! tatanungin niya na ba ako ngayon kung pwede magpapakasal na ako sa kaniya?! Ano ba dapat ang sasagutin ko? yes? no? o hindi pa ako ready? naku! kinakabahan talaga ako!

"bakit hindi mo suot ang kwintas na binigay ko sa'yo noon?"

HUH?!! hindi niya ako niyaya magpakasal?! haay! grabe! akala ko naman ito ang pinunta niya dito ngayon! Hindi ako nakasagot sa tanong niya pero bigla siya pumunta sa likod ko at tinanggal niya ang kwintas sa likod ko. Nang pagsuot niya ulit ng kwintas sa'kin, nawala ang pendant na nakalagay. Pagkakita ko, isang singsing na silver ang nakita ko.

"Sabelle, Will you marry me?"

"Yes"

Akala ko hindi ako tatanungin ni David, ang akala ko hindi siya pupunta ngayong araw na 'to.. Sobrang saya ko at nalaman ko na siya pala ang kulang kanina sa birthday ko dahil hindi ko siya nakita. Nagyakapan kami at naghalikan kami. Pagkatapos, biglang nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Hindi ko ineexpect na planado pala 'to ni mommy ang araw na 'to.

--THE END-

Hello My TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon