Chapter 10

1.9K 47 0
                                    

Nang matapos ang buong klase, bumagyo ng malakas sa school. Napakamalas talaga ang araw ngayon. Walang payong dala. Naghihintay ako sa tapat ng pintuan na tumila ang ulan. Ang mga classmates ko palabas na ng school. Pero meron akong isang classmate na may dala-dalang payong

"Hi Mica! pwede ba ako sumabay sa'yo?"

"huwag na! may payong naman si Sir Reyes ah, sige bye"

sabay bigla niyang alis at mabuti na lang may nakita nanaman akong classmate kong lalaki na si Nico na mayroong dalang payong.

"Nico! sabay tayo uwi pwede ba? please! please!"

Sa una, mukhang nakulitan sa pakiusap ko. Pero hindi din nagtagal, hindi din siya pumayag dahil natatakot siyang baka pag-initan siya ni David sa susunod kapag napagselosan na sabay kami umuwi. Ano ba mga pinag-iisip ng mga classmates ko ngayon! nakakabaliw sila.

Pero napagisip-isip ko na kay David na lang kaya ako sumabay tutal mayroon daw siyang payong sabi ni Mica. Sakto! bigla siya dumating at may dalang payong pero nakita kong kasama niya si Ms. Santiago. Dire-diretso sila palabas ng school at pinapayungan siya ni David. Lumingon sa akin si David pero iniwasan ko siya ng tingin. Makalipas ng ilang minuto nagtaka ako kung bakit bumalik pa ng school si David hanggang sa lumapit siya sa harapan ko.

"Bakit bumalik ka pa dito? May nakalimutan ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Wala"

"ah, sige ingat ka sa paguwi mo. bye!"

patakbo na sana ako palabas ng school. balak ko na din umalis dahil mukhang hindi talaga titila ang ulan dahil sa sobrang lakas. Pero bigla ako hinawakan ni David sa braso at binuksan niya ulit ang payong.

"tara na!"

Habang naglalakad kami, nakahawak siya sa balikat ko para hindi ako mabasa sa ulan, nakapayong na kaming dalawa palabas ng school. Nakakagulat talaga minsan ang mga pinaggagawa niya. Mabuti na lang may nakita kaming jeepney at sumakay na kami. Huminto na ang jeepney ng malapit na kami sa lugar ni David. At sabi ng driver sobrang taas na daw ng baha sa bandang lugar sa tinitirhan ko. Kaya naisipan ni David na matulog muna ako sa bahay niya hangga't hindi pa bumababa ang baha sa lugar na tinitirhan ko tutal sa lugar niya, hindi baha. Kaya bumaba na kami ng jeepney.

Nang nasa bahay na kami, Binigyan niya ako ng naiwang damit ni Angelica at tawalya para hindi ako magkasakit dahil sa ulan. Pagkatapos ay binigyan niya ako ng kape. At habang nanunuod kami ng nakakatakot, napapatili ako at nakapikit dahil sobrang nakakatakot talaga. Habang nakapikit ako, parang bigla ako nakaramdam na may humalik sa akin. Pagkadilat ko, tumingin ako kay David..

Hello My TeacherWhere stories live. Discover now