Gumanti ako ng yakap sa kanya at isinubsob ko ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. Hinayaan ko ang sarili ko na malunod sa nakaka-adik na mabango niyang amoy. "Sige, mamasyal tayo bukas. Saan nga pala?"

"Kahit saan mo gusto. Ikaw ang masusunod, Ingrid."

...


"PUPUNTA KANG TAGAYTAY?"

"Oo, 'Te. Sunday naman, ipapasyal namin si Aki," sagot ko kay Ate Helen. Doon kasi ang request ni Aki.

Binitbit ko na ang bag na pinaglalagyan ng bihisang damit at bimpo ni Aki. Pati mga baon niyang chips. Ipinatong ko iyon sa sofa. Mayamaya ay lumabas na ng kuwarto ang batang lalaki. Nakabihis na, shorts at T-shirt na may print ng Justice League. Naka-gel ang buhok at may suot na shades kahit wala pang araw.

Lumapit siya sa akin. "San na ba si Wolf?!"

"Kuya," saway ko sa kanya.

"Nasaan na si Kuya Wolf?" Nakakunot ang noo niya.

"Nasa labas, kausap si Ate Helen."

"Hindi sasama sila Ate Helen, Ate?" Kinusot niya ang matangos niyang ilong. Sinisipon kasi, paano nagpaambon kahapon.

"'Di raw, e." Kinuha ko ang bimpo at pinasinga siya.

"'Yoko na!" Tinabig niya ang bimpo saka nanakbo sa banyo. Suminga siya ron at paglabas ay basa na ng tubig ang ibabaw ng damit.

Napailing ako. Wala akong choice kundi palitan ulit siya ng t-shirt. Pinulbuhan ko rin ang likod niya.

Sumilip si Ate Helen sa bintana. "Pogi ni Kulet, ah."

Kandahaba ang nguso ni Ate Helen ng malaman niya na aalis kami ni Aki kasama si Wolf. Niyaya ko naman siya, pero ayaw naman nilang sumamang pamilya. Nagtataka ako kung bakit ayaw niya gayong halata naman sa itsura nila na gusto talaga nilang sumama.

"'Wag ka papasaway ron, Aki, ha!" bilin ni Ate Helen bago umalis.

Pumasok si Wolf sa pinto. Denim jeans, red v-necked shirt, white sneakers ang suot. At ang bangu-bango niya. Tanging relo na kulay itim ang suot niyang accessory.

"Ready?" Sa akin siya nakatingin.

Tumango ako.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. He smelled of soap and aftershave. Yayakap sana ako sa kanya nang biglang may kumalabog. Sabay kaming napalingon ni Wolf.

"Ang tagal!"

Tinadyakan pala ni Aki ang pinto!

"Aki!" Pinandilatan ko ang paslit.

"Alis na kasi tayo! Traffic na, e!"

"Sorry," hinging paumanhin ko kay Wolf. Pero mukha namang hindi siya affected sa pagmamaldito ni Aki.

Lumabas na kami, inilock ko ang pinto. Si Wolf ang nagbitbit ng bag ni Aki. Natuwa naman ako ng marinig kong nag-thank you si Aki sa kanya. Nahiya siguro sa inasal kanina.

"Anong kakainin natin don, Kuya Wolf?" tanong ni Aki ng nasa sasakyan na.

Sa backseat nakaupo si Aki, ako naman ay sa tabi ni Wolf sa unahan.

"Anything you like," Sagot ni Wolf saka kumindat sa akin.

Hindi ko na napigilan ang pamumula ng pisngi ko. Sinaway ko si Aki na 'wag ng maging madaldal. Mahirap na kasi dahil magmamaneho si Wolf tapos tanung siya nang tanong.

Mabuti sana kung simpleng tanong lang, ang kaso walang kwenta ang mga tanong ni Aki. Parang nambubwisit lang.

"'You okay?" ang kaliwang kamay ni Wolf ay salitan sa ibabaw ng kamay ko at sa manibela.

He Doesn't ShareWhere stories live. Discover now