Chapter 12

917 29 1
                                    

(Hindi naedit, sorry sa wrong grammar or spelling, madaliiang ginawa peace ✌🏻❤️)

Ingrid's POV

Lumipas ang ilang mga araw, naging payapa na rin ang paligid namin.

"Honeybaby" Tawag ni Seb sa akin na nakadungaw sa pintuan ng kwarto

"Let's eat?" Umiling ako rito saka ngumite

"Mauna kana" Sumimangot ang masigla nitong mukha

"I can't eat without you by my side." Lumapit ako rito saka siya kinurot sa ilong na lalo niya lang kinasimangot

"Kaya mong kumain ng wala ako, susunod naman akong kumain mamaya mauna ka nalang muna"

"Wala na akong gana" Matigas na tagalog nito saka ako tinalikuran

"Seb!" Tawag ko dito pero bumaba na lamang ito at hindi na ako nilingon

"Tsk tsk tsk" Napatalon ako sa gulat kay Tristan na nakatabi na pala sa akin ngayon, umiiling ito habang nakangise

"Sinasaktan mo nanaman ang pinsan ko"

"Hindi ah! Sinabi ko lang naman na mamaya na ako kakain e, inaalala ko pa kasi ang nanay ko, wala akong gana kumain pa hindi ko alam gagawin ko" Umiling ito

"Ipaubaya mo na yun kay Seb, kaya niyang solusyonan yan, yon paba? Saka alam mo namang gustong gusto kang nakikita non lagi, at gusto non palaging malapit sayo" Napabuntong hininga ako dito

"Kaya bumaba ka na diyan lapitan mo na, sabay na kayong kumain para kayong mga bata" irap pa nito

Napatawa nalang ako sa pagirap nito pero bigla din yun naputol dahil may biglang mabilis na tumulak sakin papasok ng kwarto at malakas na isinara nito ang pinto

Gold at brown nanaman ang mga mata nito

Senyales na pati si Greg ay galit na

"S-Seb" Labis itong nangigil kaya hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit kasi baka masaktan niya lamang ako

"S-seb please mali ang iniisip mo!"

"Ha-ha-ha STOP MAKING ME LAUGH INGRID. Is he the reason why you are not joining me for lunch? GUSTO MO BA NA SIYA ANG KASABAY KUMAIN?! If you want to eat with him then suit yourself"

"O please seb! Naguusap lang kami--"

"Talking?! LANG? HUH? Or laughing?!!!!"

"Tumatawa lang ako kasi para daw tayong bata kung mag-away! Tignan mo totoo siya kasi hindi ka nakikinig sakin--"

"Wow. Just wow Ingrid--"

"Let me finish!!! Kinausap niya ako, na bumaba at sabayan kang kumain! ayaw niyang nasasaktan daw kita, kaya hindi siya gagawa ng way para maghiwalay tayo, mag-away or whatever na iniisip mo!"  Naramdaman kong kumalma ito ng kaunti kaya nilapitan kona ito

"Seb, alam mong may mate din siya, kagaya mo, hinding hindi siya papayag na may mapalapit dito, saka isa pa, magpinsan kayo, huwag mong isipin na basta basta nalang masisira yun. Magkaibigan lang kami, at pareho ka naming pinapahalagahan. Yun lang yon" Hinawakan ko ito sa pisnge at bumalik ang Dark brown na mga mata nito

"I'm sorry honeybaby, i just can't control my emotions, my jealousy and my anger" Tumango ako rito saka siya unti unting nilapitan at niyakap

"I understand and I'm sorry kung hindi kita nasabayan sa pagkain, iniisip ko lang kasi ang aking ina."

"Don't worry honeybaby, i have a surprise for you"

"Ano yon?"

"Here" Nilabas nito ang isang sulat

"I send one of my pack in your home and i ordered him to talk to your Mom, and your mom decided to write a letter for you, he saw her on a park, she ran away from your Dad, as for now your Dad let your Mom to think, I don't know his reason. But listen honeybaby, I will do everything in my power to keep your Mom safe, i will also do everything to keep you here with me. Everything will be alright just stay here with me. We will get over this together." Tumango ako rito saka ito muling niyakap

"If your done reading the letter, go downstairs and we will eat. I will wait for you" Ngumiti ito saka unti unting lumabas ng kwarto saka sinara ang pinto

Naupo ako sa kama habang nanginginig na buksan ang sulat

My Dear Ingrid

       Mahal kong Ingrid, alam ko na iniisip mo kung anong nangyayari sa akin, okay lang ako anak, huwag kang mag-alala. Lagi kang kakain sa oras ha? Wag kang iiyak kasi labis akong masasaktan. Ang miyembro ng pack ni Sebastian ay natagpuan ako sa park. Lumapit siya sa akin, muntik na akong tumakbo kasi akala ko ay inutusan ng iyong ama para pauwiin ako. Pero labis ang nagpapasalamat na hindi, at nagawa kong isulat ito para sa yo. Nagawa kong tumakas mula sa iyong ama. Nagkaroon kami ng sagutan. Sinabi ko sa kanya na bigyan niya ako ng panahon na mag-isip isip, dahil wala ka sa tabi ko para akong mababaliw anak, pakiramdam ko ay mag-isa ako, pero wag kang magaalala kasi masaya na ako, masaya ako kasi masaya ka na diyan. Kaya sikapin mong patuloy na maging masaya kasi yun din ang magbibigay ligaya sakin. Nakiusap ako sa ama mo na bigyan ako ng tatlong araw para mag-isip, kung kaya ko bang manatili sa tabi niya. Sinabi kong kung hindi niya ako hahayaan ay mas lalo lamang akong lalayo hindi lang pisikal kung hindi pati ang damdamin ko.
       Huwag kang mag-alala anak, ano man ang mangyari ay mahal kita. Sana ay maging maayos ka diyan. Hindi ako makakatulog kapag naging malungkot ka. Kaya wag kang iiyak at wag mo na akong masyadong isipin ha? Kasi okay lang ako. Masaya ako. Mahal na mahal kita anak, mahal na mahal.

Love,
Mom

Tuluyang umagos ang kanina pang nagbabadyang mga luha ko. Niyakap ko ang sulat na mula sa aking ina saka inisip na siya ito

"Mom, i will be happy for you, i love you too so much"

---

Sorry sa matagal na hindi pagupdate. Maraming salamat sa natitira paring nagaabang ng story na ito. Thank you for reading loves ❤️
-RedJacket

Alpha Mate (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon