Obsession #008

117 3 0
                                    

Chapter 8

Casey's POV

"Dae ano ba? 'San mo ba ako dadalhin? " tanong ko habang nakatakip parin ang muka ko ng kamay ko.

He didn't answer and I felt him shrugged. 

"Prince Daemon! Ibaba mo na ako, please. Ang dami nang nakatingin oh"

"So what? "

Napatingin ako sakanya at seryoso lang syang naglalakad. Not minding everyone's gaze.

"Anong so what? Issue ka"

He sighed saka huminto. Ibinaba na nya rin ako finally. "Fine. Tss. You shouldn't think about them when you're with me. So what? Let them be envious. "

Napairap nalang ako at tumalikod na. But the moment I turned my back on him, hindi ko na napigilan ang mapangiti. Bakit ganyan sya magsalita? Is it normal? Or is it just me at napaka assumera ko lang?

"May afternoon class pa ako, Dae. Pupunta na ako sa room" I told him pagkatapos nya akong i-tour sa Academy. Sobrang ganda at ang laki laki. Hindi ko pa nga masyadong kabisado e, pero I'll work on it.

"Alright. Take care. Sabay na kayo nina Chan pag uwi"

Hinatid nya lang ako hanggang sa classroom ko pagkatapos ay umalis na din. Pumasok narin naman ako. 

Pagdating ko don, nakita ko si Zainer na nakaupo na sa upuan nya at nakadukdok sa desk. Tumabi ako sakanya.

"Pssst!"

"Woi" niyugyog ko sya

"What? " nababagot na tanong nya pag angat nya ng tingin.

Alanganin akong napangiti "Ahm.. Wala ba kayong.. cellphone dito?"

Pero tinaasan nya lang ako ng kilay.  Yuyuko ulit sana sya kaso pinigilan ko sya.

"Uy, seryoso kasi. May phone ba dito? O kahit anong gadgets or what? May internet ba? Wifi? "Sunod sunod na tanong ko pero nakatingin lang sya sakin. 

I gasped " Don't tell me... Hindi nyo alam yon!?" Oo alam kong malayo sa kabihasnan ito pero... they're supposed to be more high-tech than us, mortals. Kasi.. Hello? Sa place palang na to, no!

"Anong akala mo samin? Tch. We have technologies here that you don't have in your world"

Napanguso ako "Nagtatanong lang naman kasi ako"

"Yes" he answered.

"Talaga?!" Napangiti ako ng malawak "Pwede ko bang mahiram? May signal ba dito? Pwede ba akong tumawag? "

Wala kasi akong dala dito maliban sa sarili ko. Pati damit or whatsoever. Atska gusto ko lang din naman kasi kamustahin ang mga kaibihan ko don. Nami-miss ko na kasi sila e.

"No"

" Whuuuut? Bakit? Bakit hindi!? " parang gumuho ang mundo ko. Pano na? Baka nag aalala na sakin sina Rhainne

[A/N: Yan po talaga spelling nyan. Medyo nalito lang bangs ko lol HAHAHAHA. I'll edit the previous chapters nalang if I'm not busy. Pasensya na]

He shrugged "Ask kuya instead. Sakanya ka magpaalam"

"Ha? Bakit? Parang tatawag lang naman ako, ah? "

"Sya ang nagsabi samin na we shouldn't give you any gadgets baka daw kung sino-sino lang ang i-contact mo. He's that possessive, so bear with it. But if you really want it, then ask him. He can't say no to you, I swear"

Napabuntong hininga nalang ako. I can't get it.

Hindi na ako sumagot pa kasi dumating na ang next prof namin.

His Fangs:A Vampire ObsessionWhere stories live. Discover now