Obsession #001

235 5 0
                                    

Chapter 1

Casey's POV

*RIIIING! RIIIING!*

"Argh!Bullshit!" Kinapa ko ang alarm clock at basta nalang binato sa kung saan.

Takte bat ba tumunog yan e walang namang pasok ngayon? Nakakagigil!

Matutulog na sana ako nang biglang mag vibrate ang phone ko.

"Tsk!" Inis na dinampot ko yun at tinignan. May lumitaw agad sa screen.

[Reminder]
    - 1 hour from now
    - July **, 2017
    - Make up day. PE

Agad na nanlaki ang mata ko at napabalikwas ng bangon. Kaya naman pala nag alarm ako e. May make up day kami ngayon sa PE! Argh.

Tamad na tamad kong kinuha ang towel ko at nagtungo sa banyo.

Tinignan ko muna ang repleksiyon ko sa salamin.

In fairness, blooming ata ako ngayon?

"Ang ganda ganda ko talaga..." Proud na pagkausap ko sa sarili ko. Nag pose pako ng kung ano ano.

Inilagay ko sa isang side ang buhok ko saka ngumiti sa salamin. Ngunit agad din yong napawi nang may mapansin ako sa bandang leeg ko.

Kumunot ang noo ko at inilapit ang muka or let me say, katawan especially ang leeg sa salamin.

'Ano to?'

Kinapa kapa ko pa ito. Saka tinignan.

"Dugo?!" Hysterical na sabi ko. Hell! Dugo ba to?

Kulay pula kasi. Pero para na syang natuyo. Hinawakan ko ang leeg ko. Wala namang sugat. Anong nangyari?!

"Dugo ata to e.." Nakakunot ang noong sabi ko pa habang nakatingin sa kamay kong nay bahid na ng dugo.

Bat naman to magkakadugo?

Baka dahil sa lamok? Pwede.

Eh wala namang lamok dito sa bahay e.

Pero malay ko diba?

Haaaays.

Napabubtong hininga nalang ako saka nag umpisa nang maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis nako at nag ayos ng sarili.

Sabado naman atska make up day lang namin kaya ayos lang kahit di na mag uniform.

Nagsuot lang ako ng black off shoulder dress at black doll shoes lang. Oh, how I love color black.

Face powder lang hindi ako maglalagay ng lipstick kasi red lips na ako. Hinayaan ko naring nakalugay ang buhok kong naturaly wavy. Then off to go.

Hindi na ako nag breakfast. Sa school na. Ganon naman palagi e.

Ni lock ko na ang bahay at itinago ang susi sa shoulder bag na dala ko.

Naglakad lang ako hanggang sa labasan. I don't have a car. Tsss gastos lang yan.

Halos lakad takbo na ang ginawa ko pagpasok ko sa school gate. Late na naman ako. Deym!

Pagbukas ko nang pinto ay nakahinga ako ng maluwag. Haaays buti wala oa si Prof!

Umupo na ako sa upuan ko at nandon narin ang mga kaibigan ko.

"I thought I'm already late" natatawang sabi ko pag upo. Nginisihan lang nila ako at umiling iling.

Sakto naman, dahil dumating rin ang PE prof namin.

His Fangs:A Vampire ObsessionWhere stories live. Discover now