Obsession #006

139 3 0
                                    

Chapter 6

Casey's POV

"Hmm.." Tumagilid ako at mas isiniksik ang sarili sa malambot na unan. Grabe ang sarap matulog! Ang lambot ng kama. Ang lambot ng unan.

I sighed hanggang sa makatulog ulit.

Kumunot ang noo ko at bahagyang idinilat ang mata ko.

Kinapa ko ang bedside table para tignan ang oras kaso wala akong makapa.

At don na ako nagising.

Napabalikwas agad ako ng bangon nang makitang nasa isa akong hindi pamilyar na silid.

Nakanganga ako habang tumitingin sa paligid.

One word, WOW!

As in ang ganda!

Bumaba ako sa kama at agad nagtungo sa bathroom.

Mas lalo pa akong namangha.

Grabe! Mas malaki pa to sa cr ko sa bahay! Triple ata ang laki.

Ang kintab ng bathtub at kumpleto sa gamit.

I wonder who's the owner of this room? At bakit ako nandito?

Pagkatapos kong mag ayos ay umupo ulit ako sa kama. Naka bathrobe lang ako at sinasabunutan ang sarili sa katangahan.

'Tss bakit ako naligo e wala nga akong damit?!'

Napakamot nalang ako sa ulo at nag explore sa kwarto. Tutal, nandito narin naman ako. Baka pwede namang makahiram ng damit? Hihihi sasabihin ko nalang sa may ari.

Napako ang tingin ko sa isang walk in closet kaya binuksan ko iyon

"Woah" parang luluwa na ang mga mata ko. Grabe! Ang daming gowns and dresses! Ang ganda. Sobrang ganda!

Pumasok ako at kumuha ng simpleng floral dress. Pinaresan ko narin ng doll shoes.

I was amazed pa nga dahil kasya iyon saakin.

After being dressed, I stayed on the bed and started to wonder.

Bakit ako nandito? Atska, saan to?

Ang huli kong natatandaan ay yung may humahabol saaking vampire.

And then when I thought it was the end of it, dumating si Mr. Dniel at... Hanggang don nalang.

Bumuntong hininga nalang ako at nagtingin tingin sa paligid.

I'm sure kwarto ito ng isang babae at nakakatuwa kasi ang ganda!

Gray and black ang theme nya which is my favorite color kaya naman manghang mangha ako.

Yung wall, couches, kahit cabinets, dividers and door, black ang color. Yung curtain naman ay gray together with the mat. Tapos ang pinaka maganda ay ang queen sized bed na pinaghalong black and gray ang kulay.

Ganito ang dream room ko.

Ang swerte naman ng may ari nito.

Kung sakin to, feeling ko isa akong prinsesa.

Labas kaya ako?

Hmm wag nalang. Baka mamaya delikado pala dyan.

Napatingin ako sa terrace at saka tumayo at lumapit doon.

Nahigit ko ang hininga nang makita ko ang labas.

"Wow! Wow talaga. Is ths for real?!" Para akong nasa fantasy land.

Habang nasa kinaroroonan ko, kitang kita ko ang kabuuan ng lugar. Parang may maliit na town sa bandang west. Maraming tao don at sa tingin ko ay namimili sila. Sa north naman, ano nga ba yan? Ang layo naman kasi e. Pinaliit ko ang mata ko at kasabay non ay ang agad na pagbitaw ko sa railings.

His Fangs:A Vampire ObsessionWhere stories live. Discover now