Obsession #007

126 3 0
                                    

Chapter 7

Casey's POV

"Lady Casey" nakaramdam ako na parang may tumatapik sa balikat ko.

"Lady Casey... "

"Hmmm" I groaned saka tumagilid ng higa. 

"Lady Caswy" ayan na naman yung tumatapik kaya inis akong napabangon.

"ANO BA—?! W-who are you? " gulat at takang tanong ko sa babae na nasa harap ko.  Maputi sya, maputla na nga ata e at bilog ang mata nya.  Black din at medyo kulot ang buhok nya.  She's cute. 

"Pinapagising na po kayo ng mahal na prinsipe dahil ngayon daw po ang unang araw nyo sa eskwela" sabi nito at tinulungan akong tumayo. 

Kumunot ang noo ko.  Prinsipe? 

My eyes widen in shock when realization hits me. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Oh, God! Hindi ako nananaginip!

"Bilisan nyo na daw po para sabay na kayo makapag agahan" Nabalik lang ako sa realidad nang magsalita sya.

"A-ah.  Okay" naisagot ko nalang habang pilit na ipinoproseso ang lahat sa utak ko. 

Pumasok na ako sa bathroom dala ang robe. Naka ready na pala ang mga panligo. Akmang huhubadin ko na ang upper shirt ko nang biglang bumukas ang pinto. 

"AAAH! " Napatili ako sa gulat at agad na inayos ang damit ko. I looked at the doorway "Anong ginagawa mo? "

"Tutulungan ko po kayong maligo" sagot nito

Agad akong umiling "No.  No,  it's fine.  I can handle myself"

"Sigurado po kayo?" She asked.  I just nod and gave her a reassuring smile. 

Tumango din ito saka lumabas. 

I sighed pagka labas nito tapos ay ginawa ko na ang dapat gawin. 

Pagkatapos maligo ay sinuot ko na ang robe saka lumabas.  I almost jolt in shock nang makita syang nakatayo kaharap ng pinto.  Grabe kanina pako ginugulat nito ah. 

Ngumiti sya nang makita ako.  "Halika na po" saka nya ako hinila at pumasok kami sa walk in closet.

"Eto po ang uniform nyo" may inabot sya sakin. 

Wow.  Ang ganda ng uniform.  Long sleeve yon na red na may black color ang bawat hem tapos may blazer jacket na itim at may linings din na red.  Ang skirt naman ay color black with a hints of red. I think mga 5 inches above the knee sya.  Grabe ang ikli naman.  May black knee socks and black shoes.  May logo din na itim at red naman ang nakapalibot.  DNIEL ACADEMY ang nakasulat at pabilog yon.  Sa gitna ay may tatak na dalawang swords na naka cross. 

Pumasok ako sa “dressing room” at doon nagbihis.  Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na agad ako. 

Napangiti naman sya nang makita ako "Bagay po sainyo" she said. 

I just smiled at her. 

Pagkatapos ay pinaupo nya ako sa harap ng salamin at sinuklayan ang buhok ko. 

Pipigilan ko na sana sya kaso naunahan nya ako "Hayaan nyo na po ako.  Trabaho ko naman po ito"

Tumango nalang ako.  Naiilang parin ako kasi hindi naman ako sanay e "Ano palang pangalan mo? "

"Emerald po"

"Hmm..  How old are you? "

I heard her soft chuckles "Hindi nyo na po kailangang malaman" she said.  Kumunot naman ang noo ko

His Fangs:A Vampire ObsessionWhere stories live. Discover now