"Sa cafeteria tayo," I said. Madaling tumayo si Kitty. I looked at Anj. "Sama ka?" I asked. Alam ko naman na naririnig niya. She's still my friend, no matter what happened in the past. Ayoko lang palakihin pa iyong drift kasi pareho naman kaming may mali dati.

Dahil wala pa iyong prof namin, dumiretso kami sa cafeteria. Walang masyadong tao dahil maaga pa.

"So, ano'ng nangyari nung Friday? Ano'ng nangyayari nitong mga nakaraang linggo? Hindi na ako busy ngayon, so update mo na ako," utos ni Kitty habang naka-tingin sa 'kin.

I sighed.

"Ano kasi..." I said, uncertain on how I'd tell things without making anyone look back. We're all at fault here. I didn't want to blame anyone because I knew that I was equally at fault. "Naalala mo 'yung nasa bahay tayo last time?" she nodded profusely. "Psalm... he kinda confessed."

Nanlaki iyong mata ni Kitty. Si Anj, natawa.

"For reals?!" Kitty shouted, at hinampas na naman ako. "Masama kang kaibigan! Bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin?! Alam mo bang inaabangan ko 'yan?! Mas invested pa nga ako sa drama niyo ni Psalm kaysa sa sarili kong buhay, e!"

"Wala naman kasing dapat sabihin... I turned him down."

Napa-awang iyong labi nila.

"I said I just wanted to be friends. I was at fault for how things turned out dahil hindi ko napaliwanag sa kanya nang mabuti iyong gusto kong sabihin... I just didn't want to be with anyone yet. Nung sinabi niya sa 'kin na gusto niya ako, ang unang naisip ko agad iyong nangyari kay Steele. Na paano kapag hindi nagwork? Ganon ulit? Mag-iiwasan? Kasi ganoon na ganoon iyong nangyari dati. Alam mo 'yun? Sobrang close kami ni Steele. Ngayon, bilang na bilang ko iyong pagkakataon na nag-uusap kami. Ni hindi nga namin kaya na maiwang dalawa kasi alam mo 'yun? Hindi na talaga mababalik iyong kagaya nung dati."

Nagsisimula na namang sumikip iyong dibdib ko habang sinasabi ko iyong nangyari. I was just talking about it, yet my heart was already hurting so bad.

"Iba naman si Psalm kay Steele..." Anj said. "Steele's my friend, but he's an asshole when it comes to girls. Pero si Psalm? Alam mo naman na mabait 'yun, Joey. 'Di gagawin nun sa 'yo 'yung ginawa ni Steele."

I nodded, feeling my chest tightening with every word. "Alam ko naman... Hindi naman siya 'yung problema. Ako naman. Ako 'yung 'di pa handa. Ako 'yung 'di pa buo. Ayoko naman na sabihin sa kanya na okay kahit ramdam ko na hindi pa. Mas unfair naman kasi kung papayag ako kahit ang dami kong gustong ayusin sa sarili ko."

Kitty smiled at me, and hugged me. "I'm with Joey on this one. Kung 'di kalahating tanga si Psalm, dapat alam niya na na-traumatize si Joey sa mismong gawa ng best friend niya. He should've known better. He could've waited until she's okay. Mali din naman kasi timing nung kulot na 'yun."

I tried to smile. "Wag na nating pagtalunan. Tapos na. Ayoko rin na maging issue 'to sa grupo kasi wala namang kwenta."

They both nodded. "Pero ano nga nangyari last Friday?" Kitty asked. God, she wouldn't stop.

"Lately, si Kia—"

"Ugh! Kia! Umagang-umaga sinisira mo agad araw ko, Joey!" Kitty fumed before I could even finish what I was saying. "Pero ano? Ano na naman ginawa nung mang-aagaw ng kaibigan na 'yun?"

Napa-buntong-hininga ako. Talking about them was like reliving the pain all over again. I hated feeling this way, but I owe it to my friends.

"Hindi ko alam... Wala naman silang ginagawang masama ni Psalm, pero tuwing nakikita ko silang magkasama, naiinis ako. Nagagalit ako. Tapos, na-realize ko na nagseselos pala ako," sabi ko habang sabay na napaawang iyong bibig nila. Kinuyom ko iyong kamao ko kasi kailangan kong matapos sabihin 'to. Kasi alam ko na ito na 'yung huling beses na sasabihin ko 'to.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Where stories live. Discover now